bc

One Special Meeting

book_age16+
75
FOLLOW
1K
READ
self-improved
inspirational
CEO
student
drama
sweet
ambitious
first love
school
athlete
like
intro-logo
Blurb

'Am I in his dream?' It's such a heavy question for Hatake Mikazuki, a second-year student in Karasuno High school. After falling in love with Oikawa Tooru - Captain ball of the volleyball team Aoba Josai, Mikazuki started to think if she is part of Oikawa's big dreams, but what if destiny intervened their relationship? What if the unexpected day has come, they had to choose between the present and the future? Will you still fight for love or will you just leave it in the hands of destiny? Will you give up or cling to someone you no longer hold on to?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ano na naman kaya ang gagawin ko pagkatapos ng klase?" Kakatapos lang ng Math Subject namin. Nasa ikalawang taon na ako ng pag-aaral sa Karasuno High. Wala naman akong club na sinalihan noong first year kaya wala rin akong sinalihan ngayong second year. Lumabas ako ng room para itapon ang chocolate drink na kakaubos ko lang, iniisip ko parin kasi kung anong gagawin ko mamayang pagkatapos ng klase. Mamili kaya ako ng writing materials? Kumpleto paba ang mga kulay ng acrylic ko? Hmmm. Bumaba ako ng floor namin at tinahak ang daan kung saan may vendo. May strawberry yogurt kaya? "Shi-shimizu-senpai?" Rinig kong sigaw ng isang maingay 1st year. Napalingon naman ako doon dahil sa ang lakas ng pagkakatawag nito. ‘Akala mong nakalunok ng microphone, tsk’ Mukhang 3rd year ang babaeng kausap noong 1st year. Parang junior pa ang tangkad nung 1st year – pero, medyo matangkad naman ako ha 5'5 rin ang tangkad ko no! "May kakilala kabang 1st year or 2nd year na wala pang sinasalihang club?" I accidentally heard her asking. Mukhang naghahanap yata siya ng bagong club member, kaya parang naakit nito ‘yung atensyon ko. Nag-isip naman ako kung kakausapin ko ba at magtatanong ng details about sa club ‘yung babae. Sumandal ako sa pader at saka hinigop ang gatas na imbes strawberry yogurt dahil naubusan na pala ‘ko! Asar. – Kailangan ko pa mag-isip kung magaapproach ba ako o hindi dahil ayoko naman maging kahiya-hiya if ver na magtatanong nga ako. Hindi naman kasi ako masyadong sociable sa tao pero kaya kong makisama. Isa pa, baka isipin nilang nantitrip lang ako kung sakaling magback-out ako o ano pa! Ops, overthinking again! Sa huli, nilapitan ko rin ang dalawa, mas matangkad ako kay ateng 3rd year pero nahihiya parin ako kaya nag-iwaas ako ng tingin dahil mukhang nagtataka sila kung bakit ako lumapit. Bawal ba?Hindi ko naman kasi alam! "A-no. Uhm. I just happened to hear your conversation." s**t, nakakahiya. "May I have the details o-of t-the club" Nauutal kong sabi. Nagulat naman ako sa biglaang ‘Woah’ nung 1st year habang si Ate ay napangiti sa akin. "Let's go somewhere. Masyadong maingay dito sa hallway." Ani nito sa akin at saka nagpaalam kay junior high. "Thankyou, Hinata. See you" Napunta kami sa wide space ng school kung saan may table at chair na nakasilong sa malaking puno. Umupo kami roon atsaka ako kinausap. Sa una medyo nahihiya parin ako sa kaniya pero pinaparamdam naman nitong mahinahon ang presensya nito. "Uhno, I'm Shimizu Kiyoko. 3rd year. Current manager ng Volleyball boy’s ng Karasuno High. Naghahanap kami ngayon ng bagong manager dahil huling tan ko na dito at kailangan ko na ng successor," Nakangiti nitong pakilala sa sarili. "I'm Hatake Mikazuki, 2nd year. 18" Bati ko pabalik sa kaniya. Volleyball. Since grade school hanggang makapagtapos ako ng junior high ay player ako ng sports na'yon. Tumigil ako nitong nag high school ako dahil sa personal na dahilan. Binigyan pa ako nito ng details at sa huli sinabi kong pag-iisipan ko muna. Inabisuhan ako nitong sumama mamayang hapon sa para magpakilala sa team bilang potential manager at kahit nahihiya ako ay sumang-ayon narin ako dahil gusto ko rin malaman at makita ang volleyball club ng Karasuno. "Hihintayin kita sa floor ninyo later!" Nakangiti muli nitong sabi sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at tumango. Napabuntong hininga naman ako matapos kong tumalikod. “Haharapin ko ulit ang larong volleyball kung sakaling tatanggapin ko ang posisyong manager.” Sambit ko sa kawalan. Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Agad akong lumabas ng classroom pagkatapos kong magligpit ng gamit. Nadatnan ko naman sa dulo ng floor namin si Shimizu-senpai. (Senpai – Senior) 'Hinintay niya nga ako' ani ko sa isip ko. Kumaway ito sa akin at saka ngumiti. "Ang tangkad mo, kitang-kita kita habang sabay ka na naglalakad kasama ang mga kabatch mo." Sambit nito. Medyo may katangkaran kasi ako, siguro ako ang pinakamatangkad na babae sa buong 2nd year. In volleyball, height itself is a weapon. Those who struggle in height need to double their hard work. I have this advantage when I’m still playing. Nakarating kami sa 2nd gymnasium ng school. Dito pala ang court ng volleyball boys. Nanlaki ang mata ko nang makita na Mikasa ang mga bola na ginagamit nila at sa tantya ko mga nasa dalawampung piraso lahat. 'Yayamanin' Sabi ko sa isip ko. "Ohh, Kiyoko-san!" Malakas na sigaw ng isang lalaki habang patakbong lumalapit sa amin. Kasing katangkaran ata ito nung 1st year na kausap ni Shimizu-senpai kanina. 1st year ba'to? Alam ko kabatch ko’to e. Nagulat naman ako ng bigla siyang sampalin ni Shimizu-senpai, akala ko ay masasaktan siya doon pero natuwa lang ito sa ginawa sa kaniya. Wild four? May isa pang dumagdagdag na lalaki, madalas ko itong nakikita sa floor namin at kung hindi ako nagkakamali 2nd year rin ito. Ryuu yata ang pangalan nito. Pinagtawanan lang nito 'yung lalaking nasapok kanina ni Shimizu-senpai. Nakaramdam naman ako ng chills nung biglang may tatlong lalaki ang lumapit sa amin, 'yung isa ay may katangkaran ng bahagya sa akin habang 'yung dalawa ay parang papantay na sa akin. 'Wow sarili ko ang basehan' Pagtawa ko sa isip ko. "Shimizu?" Patanong na tawag nung lalaking mahaba ang buhok. Akala ko naman matapang siya at siga pero mahinhin ang boses at personalidad nito.. May pagka wild kasi ang labas na anyo nito at hanggang balikat yata ang haba ng buhok kung ilulugay. Habang ‘yung isa ay kulay gray ang buhok at mukhang mahinahon, 'yung isa naman ay may pride ang tindig... mukhang Captain yata. Nagulat naman ako ng bigla akong ituro ni Shimizu-senpai. Malay ko ba kung anong gagawin ko! Magpapakilala naba ako? "She's Hatake Mikazuki" Pakilala nito sa akin. "Nandito siya today para manood and… uhm she's a potential manager." Ani nito sa tatlo. Narinig ko naman ang dalawa kaninang lalaki na nagsalita. "Kiyoko-san is talking" Pa chorus nilang sabi habang nakaluhod at parang nananalangin. Eh' "Oh, Hello. Ako si Sawamura Daichi. Captain ball ng club." Sabi na eh, tindigan niya e parang foundation ng team. Bumati ako rito pabalik. "Sugawara Koushi / Azumane Asahi" Bati rin ng dalawa pa nitong kasama. Ngumiti ako rito at saka rin bumati. Tinawag naman nung Daichi ang iba pa nitong mga players at pinagline-up sa harap namain. Medyo na tense naman ako at nagtago sa gilid ni Shimizu-senpai. May dalawang mas matangkad pa kay Azumane ang lumapit at- "Oh, ikaw 'yung junior high-" Para namang hindi makahinga ang kausap kanina ni Shimizu-senpai. Kung hindi ako nagkakamali ay Hinata ang tawag nito sa kaniya. Nahiya naman ako nang biglang tumawa ang mga kasama nito sa kaniya. "Hinata, Hinata Shoyou. At- huhu high school napo ako" sambit nito na ikinatawa ni Ryuu. Tinapik pa nito ang balikat nito at sinabing "Don't mind" Kay Hinata. Nagpeace sign na lamang ako sa kaniya. Napansin ko ang sigla ng team, walang awkwardness na mararamdaman kahit ito ang unang beses naming pagkikita. Bahagya namang lumapit sa akin si Hinata at saka nagpangalumbaba. "Magiging manager ka namin? Na? Na?" Napausog naman ako paatras nang umurong ito sa akin paabante. Hinatak naman siya sa likod ng damit nung isang 2nd year na palagian ko ring nakikita sa corridor namin. "Oh oh, kumalma ka Hinata, No pressure." Ani nito sa kaniya. "O-opo!" Napangiti naman ako sa mga ito. Pag-iisipan ko ng lubos ang pagsali ko sa club na ito. Masyadong genuine ang mga tao rito at alam ko sa sarili kong may goal ang mga ito. 'Nationals' Iyon agad ang pumasok sa isip ko. Kung tama ang mga rumor na naririnig ko. Dating powerhouse ang Karasuno pero few years ago, nagstop at nawalan ng connection sa ibang mga powerhouses. That's why they're training hard. But the last time took care of that, natalo sila sa Aoba Josai – Isang school din kabilang sa Miyagi Prefecture. I have this feeling na gusto ko silang subaybayan. Nagpaalam na ako matapos nilang magpakilala, bukas ay mayroon silang practice match laban sa Ouginishi High. Nagprisinta akong sumama para makita ang gameplay ng mga ito kahit sabik na sabik akong sumali maglaro. Sigh. - "Shet, bold!" Napatakip ako ng mata nang biglang magsitanggalan ng t-shirt ang mga players at magsuot ng jersy shirt nila sa harap ko! Narinig ko naman ang tawa ni Shimizu-senpai sa likod ko "Masanay kana, ganiyan talaga sila." Sambit nito. Napatingin naman ako sa nga starter “Hala? Starter si Hinata at middle blocker? They have tall players on the bench like Chikara (WS)  and Hisashi (MB). Hmmm.” Interesting. "Captains" tawag ng referee. Nilingon ko naman ang kabilang court kung nasaan naroroon ang Ougi High. They're tall at the same time, they're also wondering why Hinata is the middle blocker. Sino nga ba naman ang maglalagay ng maliit na player sa posisyong kailangan ng height? Karasuno Receive – Ouginishi Service. Nishinoya (L)  In – Tsukishima Out. (MB) As far as I remember, Hinata has a natural speed and jumping ability. Kaya siguro siya nilagay sa middle blocker hindi para makill ang bola, kundi para malessen ang speed ng bola. His speed and ability to jump can do that. Nang makuha ni Nishinoya ang bola at maipasa kay Kageyama (S). tinoss nito ang bola sa back row kung nasaan si Azumane (WS). "Ohh, not bad. Back row attack huh?" sambit ko sa kawalan. Naramdaman ko naman ang biglaang patingin sa akin ni Shimizu-senpai. "A-hehehe, player ako dati ng volleyball." Bakas kasi sa mukha nito ang pagtataka na napalitan naman ng gulat. "Oh, bakit hindi ka sumali noong first year mo?" Masayang tanong nito. Umiling naman ako at saka nagdahilan "Mas ginusto ko munang magfocus noon sa pag-aaral hehe" Ayoko naman ishare sa kaniya kung bakit ako tumigil maglaro. Tumango na lamang ito at saka na kami tumutok sa game. "Woah, fast attack!" sigaw ko nang mapanood kong muli ang combo nila Kagayema (S) at Hinata (MB). Pinpoint toss ang ginagawa nito kay Hinata, prodigy setter pala 'to e'. Sa huli, Karasuno ang nanalo. Nagpasalamat naman ang Ougi sa pagtanggap ng team sa practice match. Nilingon ko ang wall clock, 5:00 PM na nang matapos kami magligpit. May meeting pa na isasagawa ang team kaya nagstay narin muna ako. Everyone is good in attacking but their defense is leaky. Natatakpan naman ito ni Daichi pero tuwing nasa front row siya at wala si Nishinoya puno na ng butas ang court nila. Ang iba naman kulang pa sa practice. Ang receiving skills ay hindi nakukuha at nahahasa sa isang tulugan lamang, that's why they need to do their best kung gusto nilang manalo sa bawat laro nila. Tsukishima and Hinata is their major black hole, though Hinata's one of the top scorers and Tsukishima's for blocking because of his height and speed. Nilingon ko naman ang yellowed hair coach nila, ang apo ng dating coach ng Karasuno: Keishin Ukai. Sa pagkakaalam ko, dati siyang player ng Karasuno kaya siya ang napiling maging coach ng advisor nila. "Everyone, good job!" Panimula ng coach nila. Nagsimula na ang meeting ng mga ito at saka dinismissed pagkatapos. Nagpahintay sa akin si Shimizu-senpai sa labas dahil may aayusin lang raw ito sa stock room. Nilapitan naman ako nila Nishinoya at Tanaka. "Mikazuki" ani ng mga 'to. "Pwede bang tanggapin mo na ang pagiging manager para lagging nakangiti si Kiyoko-san" Seryoso nilang sabi. Ha? Anong gagawin ko!  Binatukan naman sila ni Daichi at humingi ng paumanhin sa mga ito. Tatanggapin ko naman e', sa totoo lang naka fill-up na ang club application form ko, ipapasa ko nalang. Nabuo ang desisyon ko simula nung mapanood ko ang game play nila kanina. Pero may kulang parin sa play nila kanina, parang mas nakadepende sila sa pagscore ni Hinata at... at parang kuntento na sila roon. "Sa susunod na linggo ay may summer camp tayo sa Tokyo kaya sumama ka ha" Napatalon ako sa gulat ng biglang magsalita sa gilid ko si Shimizu-senpai. 'Tokyo?' Inabot ko sa kaniya ang application form ko, bigla naman itong napatigil nang makitang nakafill up ito. Mukhang mapapaiyak pa yata siya pero tinalikuran ako nito at saka humarap ulit at ngumiti. "Thankyou, Maraming salamat sa pagtanggap, Mikazuki" - Maaga akong bumaba ng building pagkatapos ng klase, baka maubos na naman ang strawberry yogurt sa vendo. Tsk! Mawawala na naman ako sa mood. Naghulog ako ng pera at saka pinindot kung nasaan ang nag-iissang yogurt. Phew, buti naman at mayron pa. Naisipan kong dumiretso na sa club room o di kaya sa court, simula noong sumali ako sa club palagi na akong may ginagawa at pinupuntahan tuwing hapon hindi kagaya noon na diretso uwi pagkatapos ng klase. Isa pang malala ay nagbabaon ako ng jersey at volleyball shoes kahit hindi naman ako naglalaro. Ngrrr. Nakasabayan ko sa pathway si Coach Ukai, binati ko ito at ganun rin ito. Papunta raw siyang court dahil ngayon, maghahardcore training raw ulit sila bago ang summer camp sa Tokyo. Nagdadalawang isip naman akong kausapin siya. Gusto ko kasing sabihin ang comment ko sa laro nila kahapon. "Coach..." ano ba'yan bakit ko tinawag? Sabihin pa nito pinangungunahan ko siya. Tumingin ito sa akin at nag-abang ng sasabihin ko. "Uhm, parang hindi po yata alam ng team ang tempo's hehe" Umiwas ako ng tingin pagkatapos kong sabihin 'yon. Baka mamaya e' bulyawan ako nito. "huh?" Pagkalingon ko pabalik sa kaniya ay gulat na gulat ito. "Alam mo ang tempo's? Naglalaro ka?" Dahan-dahan akong tumango rito. Bigla naman itong napapitik ng daliri at saka nag-isip. "Mikazuki, hulog ka ng langit ha, tandaan mo ‘yan." Ani nito at saka nagpaalam na may pupuntahan lang raw. Nitong makalawa kasi hindi na nag-uusap sina Hinata at Kageyama matapos nilang bumalik noon, galing sa Tokyo. Hindi pa ako manager noon kaya hindi ko alam ang ganap sa kanila na ikwento nalang sa akin kahapon ni Shimizu-senpai. Nakarating ako sa court at nadatnan ko lang ang tatlong 3rd year at mga 2nd year Mukhang wala pa ang mga 1st year. Naisipan kong kumuha ng bola sa basket. Nakapangvolleyball shoes naman na ako at track pants saka nilingon ang mga players na nakatalikod ang mga seniors at mukhang abala sa ginagawa at binabasa dahil kakatapos lang ng exams, mukhang nagdodouble check para siguradong makasama sa summercamp next week. Tinanggal ko ang jacket ko at nilagay ito sa upuan. Pumwesto na ako sa dulo ng court at saka hinagis ang bola paitaas. Nilagay ko ang bigat ng katawan ko sa paa ko at saka naghigh jump para paluin ng malakas ang bola. 'Oh, line shot' Ilang taon naba ang lumipas simula noong makapalo ako ng ganito. Sarap sa feeling. Medyo maluha luha kong tinakbo ang court saka pinulot ang bola at  binalik sa basket. Nagulat naman ako sa biglaang "Woah" sa paligid ko. 'Ay-tae, nakalimutan ko nandito pala ang mga 'to'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook