"Nya! Player ka mula grade school hanggang junior high?!"
Gulantang na tanong ni Nishinoya. Lumapit naman sa akin si Tanaka at Daichi. Napakamot ulo nalang ako sa hiya, nawala kasi sa loob ko nung maihagis ko ang bola na nandito pala sila.
"Bakit hindi kana naglalaro?"
Hindi ko alam pero ito ang pinakainiiwasan kong tanong. Although sasagutin ko parin naman. Hindi nga lang ako kumportable.
Nagdahilan nalang ako ulit na "Nagfocus kasi ako sa pag-aaral hehehe" para hindi na sila ulit magtanong.
Si Tanaka kinukulit akong turuan siya mag Jump serve pero dumating na sina Tsukishima at Yamaguchi kasabay si Kageyma at Shimizu-senpai. Si Hinata lang ang wala dahil mukhang siya ang kaninang minamadaling asikasuhin ni Coach Ukai.
-
Ilang araw nalang at magtotokyo na pero hindi parin nag-uusap sina Hinata at Kageyma. Hindi man aminin ng buong team, apektado sila sa nangyaring pagtatalo nung dalawa. Mukhang gustong matuto ni Hinata makipaglaban sa mid-air pero ayaw ni Kageyama dahil umano sa mahirap at hindi kakayanin ni Hinata. Pero sa tingin ko naman ay kaya niya 'yun, lahat naman ng bagay naidadaan sa tyaga. Sigh.
Nang matapos sila magtraining nilapitan ko si Kageyama at kinausap. Hindi kami masyadong close nito pero ayoko naman na ganun ang mindset. Masyadong bad reputation, at isa pa. 'I'm his senpai!'
"Naibigay mo naba ang gustong toss ng mga spiker mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin"
So hindi niya pa nga. Kung hindi ako nagkakamali binigyan siya ng famous nickname nung dati niyang mga kateam mates sa Kitagawa "King of the court". Akala ko dahil sa pagiging magaling niya pero hindi. Isa siyang diktador sa loob ng court. That's why.
"uhhh, ito ha don't get me wrong, the one who has the initiative to attack is Hinata... and not you." 'yun nalang ang nasabi ko at saka siya tinalikuran. Kung hindi niya parin maintindihan, hindi maggogrow ang team na'to hanggat siya ang setter.
Bahala na siya magself reflection. Ilang araw nalang at magsisimula na ang training sa malayo pero kung ganito parin ang set-up nila mahihirapan lang rin ang mga nasa paligid nila.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng gym at iniluwal nito si Coach Ukai na naghihingalo na. Parang nakipag marathon 'to sa kung kanino. Inabutan siya ng tubig ni Shimizu-senpai at saka pinakalma.
"Ka-Kageyama, let it drop." Humahangos nitong sabi. "Ang toss na humihinto!"
"What do you mean Coach?"
Uminom ulit ito ng tubig at pinalapit si Kageyama para kausapin. Nilihis kona ang tingin ko saka nilapitan si Yamaguchi na nagliligpit ng net para tulungan.
"Saan ba ilalagay 'to hehe" Kami narin ang nagdala sa stock room ng mga upuan at mga bola para hindi na magligpit ang mga seniors. Nang matapos kami ay tinawag sila ulit para sa huling meeting.
Bukas, mula umaga hangang tanghali ang training nila dahil sa gabi babalik kami dito para bumyahe papuntang Tokyo. Maaga akong nagpaalam sa kanila na mauuna ng umuwi para gumayak. Binalak kong magluto ng hapunan at snacks para sakanila.
Dumaan muna akong supermarket. Naisipan kong pork curry nalang ang lutuin kaya binili ko ang mga sangkap saka na umuwi ng bahay.
Apartment ang tinitirhan ko malapit sa school, ang parents ko kasi nasa ibang bansa dahil sa trabaho. Ako lang ang isang anak at pinili kong magstay dito kaysa sumama sa kanila dahil mahirap ang palipat plipat ng school lalo na paiba iba ng bansa ang mga pinupuntahan ng mga 'to kada taon.
Nasanay na akong mag-isa sa buhay kaya naman sisiw lang sa akin 'to. Maaga akong naligo at natulog para bukas ng umaga bago makapasok sa school, makapaggayak na ako ng gamit.
Inimbitahan ko si Shimizu-senpai sa bahay para samahan akong magluto. Pumayag naman ito kaya nitong tanghali ay dumiretso na kami kaagad sa amin.
"Tuloy ka po" anyaya ko sa kaniya. Napaglinis naman ako ng buong bahay kagabi kaya kampante akong ipakita rito ang loob. Minimalist ang disenyo ng bahay kaya mas nagustuhan ito ni Shimizu-senpai.
"Namili kana pala ng mga sangkap, sana sinabihan mo ako kahapon para sinamahan kita." She sounded betrayed pero tinawanan ko na lamang ito.
Iniwan ko sa kaniya ang paghihiwa ng mga sangkap na kakailanganing hiwain. Inayos ko narin ang mga Tupperware na paglalagyan ng curry.
My mom's a Filipina, nanlilisik ang mga mata nito noon kapag umuuwi akong walang dalang Tupperware kada magpapabaon ito. Nakuha ko na ang ugali niyang 'yon kaya naman nilagyan ko ng school name at contact number ang Tupperware kung sakaling maiwala ng mga players. Baka sakaling maibalik.
Nang matapos kami magluto ay saka na kami gumayak ni Shimizu-senpai.
"Shimizu-senpai, ikaw napo unang maligo" sambit ko rito habang inilalagay ang ulam at kanin sa bag na paglalayan.
"Shimizu nalang, huwag na may senpai." Nakangiti nitong sabi.
"Roger! Shimizu! Hahaha"
Nauna na siyang gumayak at sumunod naman ako pagkatapos. 4:00 PM na ng makaalis kami ng bahay at naglakad papuntang school dahil malapit lang naman. Nakaabang naman si Tanaka at Nishinoya sa gate, mukhang hinihintay kami.
"Kiyoko-san! Mikazuki, kami na jan!" Ibinigay naman namin sa kanila ang bitbit naming bag dahil nabibigatan na ako huhu. Pinaalalahanan ko naman silang dahan dahan dahil ulam ang laman ng bag na dala nila.
"Hoi! Pinagluto ako ni Kiyoko!" Sigaw ni Tanaka nang makapunta kaming parking lot kung saan nanduon ang bus na sasakyan.
"Hindi, para sa team 'yan"
Pang-echos naman ni Shimizu. Shimizu na kasi sabi huwag na raw may senpai hehe.
"Nandito naba ang lahat?" tanong ni Sir Takeda. Club advisor ng volleyball club. Ngayong hapon raw mismo ang alis para alas siete ng gabi nanduon na at saktong dinner. Pinasok na namin ang mga gamit sa loob ng bus at saka na kami sumakay.
Katabi ko si Shimizu buong byahe. Sa balikat niya narin ako umidlip. Naghingi naman ako ng paumanhin dito nang makababa kami. Madilim na ang paligid, tinignan ko ang relos ko. 6:49 PM na ng gabi.
Shinzen high ang nag host sa summer camp na ito. Apat na schools kabilang sa summer camp na ito. Bale lima kasama ang Karasuno. Fukurodani Academy, Ubugawa High, Shinzen at Nekoma High School.
I don't know why I got chills pero hinayaan ko nalang at isinantabi.
Nang makarating kami sa corridor at kwarto na pagtutulugan ng team ay hinanda na namin ang hapunan ng mga ito. Masyadong mahaba ang byahe kanina kaya gutom na raw ang mga ito. Kami ni Shimizu sa kabilang kwarto hiwalay sa mga boys dahil may unwritten rule tungkol 'dun.
"Woah, sinong nagluto nito?" Tanong ni Suga nung natikman ang ulam. Tinuro naman ako ni Shimizu kaya nahiya ako sa mga ito.
"Recipe ni Mikazuki 'yan" ani pa nito. Naubos naman ng mga 'to ang hinanda naming pagkain at kanin. Tinulungan naman ako nila Azumane at Suga na magligpit at maghugas ng mga pinagkainan dahil si Shimizu ang naglinis ng pinagkainin sa lamesa kasi makalat kumain sila Hinata at Nishinoya.
May kasabayan rin kaming naghuhugas ng plato, mga manager ng ibang team.
Nakachikahan namin sila saglit bago umakyat ulit para itabi ang mga ginamit na utensils.
Ramdam ko na ang sakit ng balikat ko. Mula kasi kaninang hapon nakatayo at kumikilos ako. May curfew naman ang team kaya tahimik ang tulog namin dahil bukas simula na ng training ng mga ito.
-
"Gising na raw kayo" Pinatay ko ang aircon nila saka binuksan ang kurtina para masinagan sila ng araw, sabay sabay naman silang nagsiangal dahil sa sinag na tumatama sa mata ng mga 'to. 7 AM na ng umaga at 1:00 PM naman ang simula ng mga match.
Bawat talo raw may penalty kaya mabuti ng mag-unat unat na sila.
Pumunta na ako sa kusina sa baba ng building na pinagstayan namin. Tutulong sana ako sa mga maggagayak ng pagkain dahil sa wide space sa labas kakain ng almusal ng salo-salo. Nakapaglatag na ng mahabang lamesa doon at mga tubig, ako na ang nagpresintang magluluto ng itlog at ham habang ang ibang mga manager ang nag luto ng sinangag. Nang matapos ko iluto nilagay ko na sa malaking lalagyan ang ham at egg saka ito dinala pababa papuntang hapag.
Nadatnan ko naman ang team na nakakumpol katabi si Coach Ukai. Si Hinata naman ay halatang antok na antok pa kagaya nina Tanaka. Sila Enoshita naman ay sinesermunan ang mga ito dahil nagpalate raw matulog. Imbes kasi na sumabay sa kanila matulog nagkulitan muna ang mga 'to nung nakatulog na si Daichi.
Don talaga 'to e'.
Maya-maya pa nagsibabaan na ang mga players ng ibang school. May ilan akong mga kakilala sa kanila at may ilang ako ang kilala pero hindi ko sila kilala. Mga nakikita ko sa match o di kaya ay mga nakalaro ko na dati.
Bumalik ako ulit sa kusina ng school para kuhanin ang mga prutas kasama ang manager ng Fukurodani.
"Wala ka last time?" tanong nito habang papaakyat kami sahagdan. Sa second floor pa ang kusina kaya dahan-dahan lang kami para hindi kami madisgrasya.
"Oo e', kakasali ko lang bilang manager hehe" Nahihiya kong sabi sa kaniya. Pinaramdam naman nitong okay lang at maging kampante ako sa kaniya dahil makwela ito at maloko.
"Alam moba na kulang pa sa akin ang pagkain na'yan. Tsk tsk." Turo nito sa platong hawak niya na may lamang tatlong ham, dalawang itlog at dalawang cup ng kanin.
Nilingon ko ang katawan nito at SHET – Slim na slim pero ang lakas kumain
'Bilis naman po ng meta mo huhu' ani ko sa isip ko.
Dinampot kona ang basket ng mga prutas jabang siya ay kinuha ang mga plastic cups na gagamitin mamaya. Pagkatapos kumain may isang oras na pahinga sunod non ay warm ups na.
At dahil may alam ako sa first aid, kinausap ako ng coach ng Shinzen na magstand-by kung sakaling may hindi kaaya-ayang mangyari. Tumango naman ako duon at sumang-ayon! Syempre ayoko naman na may mapahamak sa training camp nila ngayon huhu.
Inilapag namin ang mga pagkain at gamit na kinuha namin sa taas saka na nakihalo sa kaniya kaniyang team. Kinuha ko naman ang mga plato at kutsara saka ito dinala sa team ng Ubugawa.
"Hello, ito po mga plato hehe"
Inabot naman ito ng captain saka nagpasalamat. May natira pang sampung plato at chopsticks kaya naglakad ako papunta sa players ng Nekoma High School. Kapag may kulang naman e' sila na kumuha hehe.
"Lev! Tora! Baka gusto niyong tumakbo maghapon at hindi maglaro?"
Boses mula sa lamesa ng Nekoma.
'Pamilyar ang boses'
Nagdirediretso nalang ako. Tinapik ko ang balikat nung kulay dilaw ang buhok na lalaki para ibigay ang mga plato, tamad naman itong humarap at halos hindi ako makahinga nang mapagtanto kung sino ito.
"K-Kenma?!" OMG! Sa Nekoma High pala siya nagenroll.
Nanlaki rin ang mata nito at napangiti nang makilala kung sino ako. Kinuha nito ang platong inabot ko at saka umatras sa kumpulan nila para pantayan ako.
"Kilala mo siya Kenma?" Tanong nung matangkad na foreigner. Tinanguan naman siya ni Kenma.
"Hi, My name's Lev, Haiba Lev!" Masigla nitong pakilala. Mukhang 1st year 'to ah pero grabe ang tangkad, mala Tsukishima!
Bumati rin ako pabalik. "Hatake, Hatake Mikazuki!" Nag bow ito sa akin at saka na nagpaalam na babalik sa kumpol ng team nila.
Hinarap ko naman si Kenma na kakatago lang ng PSP, as usual gamer parin.
"Buti nandito ka? Saang team ka?" Tanong nito.
"Karasuno hehe" Napataas naman ang kilay nito.
"Nasa province kana pala, Long time no see." Nakilala ko si Kenma dito sa Tokyo. Dito ang dating bahay namin ng mga magulang ko noong grade school pa ako hanggang mag junior. Noong nag highschool ako ay lumipat ako ng province.
Akalain mo nga namang magkikita kami rito. Fated raw kasi ang Nekoma at Karasuno. Ang dating coach ng Karasuno at ang Coach nila ay may hindi natapos na match kaya ngayong taon nagbabakasakali silang magpangabot at maglaban sa nationals bago magretire ang coach nila dahil sa katandaan.
"Setter ka parin ba?" Hindi mahusay si Kenma pag dating sa Physical abilities pero pagdating sa pag counter at pagbuo ng plano, maasahan mo siya. No wonder why Nekoma still holds the title 'powerhouse'. Nasa mga setter daw kasi nila ang utak ng Team.
Nagtaka naman ang tingin ko kay Kenma nang bigla siyang mapalingon sa likod ko at parang gulat na gulat.
Lumingon narin ako dahil sa curiosity mamaya may nahuhulog na pala sa ulo ko si Kenma tinignan lang. Phew.
Pero mali, iniisip ko na sana hindi na lang ako tumingin. Na sana umalis nalang ako o nagmaang-maangan.
"It's been a while..." panimula nito nang tuluyan akong makaharap sa kaniya. "Long time no see, Mika"
Napahalakhak ako sa isip ko nang mapagtanto, siyempre nandito si Kenma, Nandito rin siya. Kung minamalas ka naman, Oo. Lord pwede bang umuwi? Tangina gusto kong umuwi.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero sinabayan ko lang ang titig nito, wala akong emosyon na pinakita dahil hindi ko alam kung anong ipapakita ko. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko at kaunti nalang ay parang matutumba na ako.
Pumagitna si Kenma sa amin pero tinignan niya lang kami, parang tae lang.
Akala ko pa naman ilalayo niya ako o siya sa isa't isa. Hindi ako makagalaw. Parang naka glue ang paa ko. Gusto kong umiwas, gusto kong umuwi –
"Mikazuki!" isang boses ang tumawag sa akin.
"Nanjan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Kakain na!" Aya nito sa akin at saka nag excuse upang hilahin ako sa tensyonadong pagkikitang 'yon.
Ililibre kita ng ice cream mamaya Shimizu!
Bakit ba hindi ako nag-iisp. Syempre si Kenma nandun at setter pa. Hays.
Hindi pa ako handing makita ka, actually Kayo.
'Kuroo Tetsurou'