"Kilala mo pala 'yung captain at setter ng Nekoma?"
Tanong ni Shimizu habang naglalakad kami pabalik sa table namin. Napahinga naman ako ng malalim sa pagsingit ni Shimizu duon. Grabe ang intense.
"Oo, mga...Mga nakasama ko noong junior." Sagot ko rito. Hindi naman na siya nagtanong ulit kaya umupo na ako sa upuan nang makarating kami sa table. Hindi na ako makaramdam ng gutom at kahit nakikipagkwentuhan ako sa mga players kinakabahan parin ako.
Naalala ko ang features nila kanina. Tumangkad na sila at mas naging maskulado. Mukhang nagwowork out palagi. Nandun parin ang mata singkit ni Tetsurou at ang bangs niyang malupit.
Captain na pala siya ng Nekoma. Siguro mula 1st year duon siya nagenroll. Buti nahatak niyana naman si Kenma sa volleyball. Mukhang ka buddy ni Hinata si Kenma. Bihira kay Kenma ang kumausap ng iba. Amusing kid naman kasi talaga si Hinata no wonder why he got Kenma's attention.
While Tetsurou... Tsk, nevermind. I should act normal.
Nagpahinga na muna kami matapos naming mag-almusal. Maya-maya ay liligpitin na namin 'to. Si Enoshita at Narita ang nakatokang tutulong sa akin maghugas ng mga pinagkainan namin. Habang ang mga 1st year ang magliligpit ng lamesa at magwawalis ng kalat.
Dinala na namin ang mga plato sa washing area, kamalas malasang kasabayan pa namin ang Nekoma sa area na ito mabuti na lang at hindi ang captain nila ang kasama nilang maghuhugas ng plato.
Sinimulan na namin ang paglilinis, inako na nila chikara at narita ang pagsasabon at paglulog ng mga plato kaya ako nalang ang nagtapon ng basura sa likod na bahagi ng Shinzen High. May waste area sila kung saan iniipon ang recyclable at mga non na basura.
Umakyat ako sa hagdanan para ishoot ang plastic sa drum ng non-recyclable, inihiwalay ko na ang mga plastic bottles kanina kaya pagkatapos don ay hinagis ko narin ang plastic ng mga bote sa drum ng mga recyclables. Nang matapos lumundag na ako pababa kaysa humakbang sa hagdan.Nagwisik muna ako ng alcohol habang lumalakad. Balak ko sanang magjog habang naglalakad sa pathway papuntang widespace nung biglang may humablot sa akin at ipinasok ako sa isang classroom. Sa bilis ng pangyayari hindi na ako nakapalag pa.
Halos hindi naman ako makahinga ng idilat ko ang mga mata ko at makita ang lapastangang nanghila sa akin.
'Pakiramdam ko masusuka ako dahil sa pagalog ng katawan ko kaninang lumundag ako, hays'
Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Anong gusto mo?" Ano pabang gusto nito? Hays. Aatakihin talaga ako sa training camp na ito, Oo.
Napatingin naman ako ulit sa kaniya ng bigla itong tumawa ng sarkastiko. Aba.
"Karasuno huh? Nasa probinsya ka pala." Bakas ang pait nito habang sinasabi ang mga salitang 'yon. "It's really nice to see you... Our runaway friend"
Nanindig ang balahibo ko sa sinabi nito.
Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya ng walang emosyon, wala naman akong dapat sabihin sa kaniya dahil wala naman siyang alam.
"Ano? Wala kang sasabihin. Damn, it's been 2 years tapos bigla kang magpapakita-"
"Hindi ako nagpakita sayo" putol ko sa kaniya at napahalakhak naman ito habang nakahawak sa ulo. Parang ano!
Totoo naman eh, malay ko bang nasa Nekoma na siya at fated pang maglaban ang Karasuno at ang Team nila. Tsk.
"Kung wala kang matinong sasabihin, alis na 'ko" Iyan, that's good. Act calm | Act calm.
Rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito at saka muling nagsalita. "Do you even know what happened after you left? Walang pasabi umalis ka noong tournament tapos kinabukasan malalaman ko nagdrop kana at hindi kana namin mahalagilap."
ayoko ng usapan na'to. Alam ko ang kahihinatnat nito. Tapos na akong maging malungkot. Nilingon ko ito at saka nginitian. Tinapik ko ang balikat nito at nagsabing... "Nakaraan na'yon, let's... Let's just move on." Tumalikod na ako pagkatapos kong sabihin 'yon.
May mga ala-alang kahit ilang araw, linggo o buwan na ang lumipas, hindi parin kukupas. Parang sariwa parin ang ala-ala na parang kahapon lang nangyari. And that's what I hate.
It's okay to run away from pain, with tears that can't be wiped. The best things I did is to act.
"Ang tagal mo namang bumalik, Mikazuki!" Namumuryot na sabi ni Hinata. Nagpapaturo itong mag spike serve pero sinabi kong ayusin niya muna ang receive niya atsaka ko siya tuturuan non.
Si Kageyama ay nagpasama kay Sir Takeda at Coach Ukai sa Court para bagong toss na pinag-aaralan niya. Iyon ata 'yung toss na kapag nareach ang maximum speed ay kusang babagsak o malalaglag sa pwestong pinaghintuan. Bale may choice si Hinata sa toss na'yon, mukhang narealize ni Kageyama ang sinabi kong nakay Hinata ang pag atake at hindi sakaniya, kaya pinagbigyan nito ang gustong lumaban sa mid-air. mala idol niyang Little Giant.
11:00 AM na ng umaga, nagumpisa mag friendly match ang Fukurodani at Shinzen. Wala raw munang penalty dahil hindi pa naman umpisa ng match.
"Oh- Hatake?!"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, kinalabit naman ako ni Tsukishima at itinuro ang direksyon kung nasaan ang tumawag sa akin. Napakunot naman ang noo ko nang hindi ko parin makita kung sino ang tumatawag sa akin.
"Oi- Hatake!!!" Isinigaw niyana ng bongga ang pagtawag sa pangalan ko dahilan para mahanap kona siya. Nanlaki lalo ang mata ko sa gulat ng makilala kung sino ito.
"Anak ka ng pating ~ Bokuto! Ang laki mona hayop ka!"
Tumakbo ito palapit sa akin. Tumabi naman sa akin si Hinata at nagtanong kung bakit ko kilala si Bokuto. Kasama pala 'to sa top 5 ace ng bansa at Captain ng Fukurodani. Anak ng.
"Pinsan ko 'yang walang utak na'yan." Sagot ko kay Hinata.
"Oi ~ Grabe ka! Krasuno huh? Kumusta~" Paawit nitong sabi. As usual, he's so loud and irritating. Nagtanong pa ito ng maraming bagay patungkol sa kung bakit ako nasa Karasuno at nasaan ang parents ko.
Ang mommy niya at ang daddy ko ay magkapatid kaya kami naging magpinsan. Tumangkad yata lalo si Kotarou and woah ang buhok nito parang kwago parin! Sabi ng ibalik ang wavy nitong buhok e'!
"Bokuto-san, line up na" Tawag sa kaniya ng kateammate niyang mukhang introvert.
"Sige, sunod na ako." Ani nito at saka muli akong hinarapan. May ngisi sa labi nito kaya medyo lumayo layo ako sakaniya pag ganito kaloko ang ngisian nito masama ang dinudulot nito. "Oi~ Pustahan tayo"
ano na naman kaya!?
"Kapag nanalo kami, laro tayo"
Sabi na e'. Ito ang gusto nitong mangayari, ang mapalaro ako ulit. Alam nito ang nangayari noon pero hindi nito alam kung sino ang mga 'sino'
"Nya! Laro?" Tanong ni Hinata sa likod.
"Malay ko, bakakailangan mo magpataas ng IQ bago mo malaman" Sarkastikong sabi ni Tsukishima kay Hinata. Sinuway naman sila ni Daichi kaya nanahimik na ang mga ito.
Pumayag ako sa pustahan ni loko dahil kukulitin ako nito kapag hindi ako pumayag.
'Go Shinzen' Sabi ko sa isip ko.
Pero heto ako at nagwawarm up sa likod. Alam ko naman mananalo si Kotarou lalo na at nakipagpustahan. Daig pa niyang binilhan ng PS5 sa tuwa nung tumango ako kanina. Napapailing nalang ako sa pinsan kong 'yun. Kahit mas matanda siya ng isang taon sa akin ako ang mas inuutusan ng nanay niya na magbantay sa kaniya noong mga bata kami.
Nagsimula na ang friendly match team nila kaya nanood narin ako sa gilid. Nilakasan ko ang pagchecheer sa Shinzen para marinig ni Kotarou, hinalakhakan lang ako nito at sumenyas ng 'watch-n-learn'
Wala paring kupas ang pwersa ng mga palo nito. At mas nag upgrade ang spikes nito kaysa noon. Nilingon ko ang setter nila na nagtotoss ng napakagagandang toss.
'swerte mo sa part na'yun Kotarou!'
Ang lalakas rin ng mga kakampi ni Kotarou kaya naman nakuha nila ang panalo sa score na 25-14. Tinambakan panga.
Mabilis naman akong hinatak ni Kotarou sa court para paglaruin. Iblock ko raw ang mga spikes nito. Walang masyadong tao sa court na pinaglaruan nila kundi ang team nila at ang ilan sa Shinzen. Nakita ko naman ang kakapasok na Karasuno sa court.
Medyo na self-conscious ako duon pero inabutan ako ni Kotarou ng milkita para pakalmahin.
"Ano ka bagets?"
Tanong ko rito pero tinawanan lang ako nito. Sumenyas ako ng teka lang para hatakin si Tsukishima para magblock. Matangkad si Tsukishima pero ang tamad tamad nito at parang hindi motivated palagi maglaroparang ano!
"Bigyan mo ako ng magandang toss, Akaashi!" Sigaw nito nang ihagis nito ang bola kay Akaashi.
Tinapik ko ang balikat ni Tsukishima saka kinausap "Tighten the straight shot, Tsukishima" Sambit ko sa kaniya at saka tumalon nang tumalon rin si Kotarou nang itoss ito sa kaniya.
'Hahaha I see, 'yun parin ang timing niya. Mukhang magaling ang napili mong setter Bokotou. Pero~'
"Weee~ Wala ka paring laban sa akin." Mapanukso kong sabi. Gulat naman ang mukha ni Tsukishima nang lingunin ko ito.
"Madali lang basahin si Kotarou hehe" Bulong ko rito, nagtataka yata bakit na block ko gayong wala ni isang makapagblock sa kaniya laban sa Shinzen.
"One more time" Aaaa~lumalaban, lumalaban.
Binigyan ulit siya ng toss ni Akaashi at saka tumalon.
'Uhh~I feel motivated. Ang ganda ng mga toss mo Akaashi-maboy'
"Tsukishima, Palit tayong pwesto" Sa akin mag-aaim si Kotarou niyan dahil mas maliit ako kay Tsukishima at gustong makapuntos agad ni Kotarou kaya magboblock-out sana siya pero~
"Nababasa kita" Saka siya hinalakhakan. Damang dama ko ang inis ni Kotarou. Gulat din ang mukha nung Akaashi sa akin. Kaunting push nalang ay susumpungin na ito kaya hinatak ko si Tsukishima para bulungan.
"Ganito pala ang top 5 ace ng Bansa"
Napahawak na ako sa tiyan ko at napatawa ng husto nang sabihin nga ni Tsukishima ang pinapasabi ko. Muryot na muryot ang mukha ni Kotarou habang si Akaashi naman pinapakalma ito. Dalawang staright blocks lang naman ang natamo niya sa taong hinamon niya.
Simpleng bagay nakakapagpadepress at nakakapagpasaya sa kaniya. Kaya alam kong magagawan ng paraan ni Akaashi 'yan pero hindi ko sure kung hanggang anong oras siya ganiyan.
"Wala ka parin talagang pinagbago, baby ka parin. Halika na ililibre kita ng chocolate drink" Panunuyo ko rito. Baka ako pa ang sisihin ng mga kateam nito kapag hindi bumalik sa laro ang Captain nila.
"Hmp, ayoko na!" Maktol pa nito, pigil ang tawa ko dahil sa pagmamaktol ng lokong 'to. Ilang taon naba 'to ha!
Nilingon ko si Tsukishima at saka nagpasalamat. "Nice Tsukishima, Thankyou!" Tumango naman ito at nagsabing pupupunta kung nasaan ang team.
"Ibibili nga kita, halika na. Sorry na. Hindi ko na uulitin" Pigil parin ang tawa ko dahil sa pagmumuryot nito. Sa huli ay sumama na ito. Siya man ang pinakamatanda sa team nila, pinaka baby parin ito. Iniisip ko ano ang lagay ng team nila kapag naka emo-mode 'to eh.
"Totoo ba?!" Masigla na ulit siya. Natawa naman ako sa isip ko. Paborito nito ang chocolate drink, kaya kapag sineryoso mo ang sinabi mo at naramdaman nitong paninindigan mo, aayos na ulit ang mood niya. Ganiyan lang kasimple ang lokong 'to.
Sumama sa amin si Akaashi dahil bibili rin raw ng maiinom. Nasa likuran namin si Kotarou at naglalaro ng mobile games, naisipan kong tanungin si Akaashi kung kumusta ba si Kotarou sa mga games.
"Hmm, Kapag naka emo siya kailangan pa naming gumawa ng paraan para maibalik siya sa mood, pero hindi naman nadadamay ang gameplay dahil nagtraining naman kami at sanay na kami sa sumpong ni Bokuto-san."
Napahalakhak naman ako sa sinabi nito.
Kotarou, You really found a great team now. Don't ever lose them huh. Cherish them.
"Ikaw? Paano mo nagawa 'yun? Bihira ang may makapagblock sakaniya. Ilang taon narin siguro simula nung huli nyong game."
"Ah- 'yun ba. Madali kasing basahin ang Captain nyo. Whenever you face someone, always look at their eyes." Duon mo makikita at malalaman ang lahat. Ang susunod na atake o depensa. Wala sa linis ng form 'yan, nasa mata 'yan.
Nang makabili kami ng maiinom ay pinauna kona silang bumalik sa court para makapag personal practice sila. Naisipan kong bilhan ng kendi at bottled water ang team. Tinext ko naman si Azumane para sunduin ako dahil madami dami ang dala kong tubig. Sapat na 'to para sa maghapon nilang laro.
Umupo ako sa bench sa tapat ng tindahan para magpahinga, napagod ako sa lakad na ginawa namin na'yon. Phew.
"Kilala mo pala si Bokuto?" Nilingon ko ang nakataas kilay na si Tetsurou. Umupo ito sa tabi ko at saka ininuman ang bottled water na hawak.
Ano na namang gusto mo? Lord please gusto ko ng tahimik na buhay.
"Oo, pinsan ko." Sagot ko rito. Bakit ba ako sumasagot? Pakielam ko jan. Balak ko sanang isipin niyang jowa ko si Kotarou pero napaka childish ko naman nun kaya hinayaan ko nalang.
"Please." Huh "Kausapin mo naman kami ulit, maiintindihan ka naman namin basta ipaliwanag mo. Hihintayin ka namin"
Ugh, I need carbs