"Anong gusto mong panoorin?"
Sigaw ni Oikawa sa sala, nandito ako sa kusina at nagluluto ng ramen. Nagluto rin ako ng sausages at egg saka ko sinalin sa dalawang bowl at nilagay sa tray para dalhin sa center table sa sala.
"Pagtapos ng isang movie matulog kana." Uuwi pa kasi siya bago mag tanghali pero kung mag pupuyat siya ng ganiyan e' baka pagalitan siya ng coach nila kapag nalate pa siya.
Hindi na ako nagtanong patungkol at magulang niya at hinayaan na lang siyang magstay. Kahit ako ayokong ichika sa ibang tao ang mga kahinaan ko, that's why I understand him.
"Iwaizumi Hajime bayun?" Pag-alala ko sa pangalan nung kasama niyang lalaki kanina. "Sino 'yun?"
Nangunot naman ang noo nito. "Bakit crush mo?"
Luh, pag nagtanong crush agad.
"Hindi, nagpakilala kasi siya after mong mag walk-out pagkatapos nung walang kwenta mong speech sa akin." Pahayag ko, e' bat kasi may nalalaman pang ganun.
"What the" Bulalas nito "Anong walang kwenta! Tsk, Ace ng Seijo. Iwaizumi Hajime" Proud nitong dagdag.
"Huh hindi ikaw?" Ano bang position ang nilalaro nito.
"Setter ako, tsk hindi mo kasi ako pinapanood."
Nung una kailangan bang kilala ko siya, ngayon naman dapat pinapanood ko.
"Great king ka nga talaga 'no!" SI Hinata ang nagtawag sa kaniya nito.
"Don't give me that shitty nickname, nakuha mo na naman kay chibbi-chan 'yan." Pagmamaktol pa nito sa akin bago kumuha ng sausage at itlog.
"Chibbi-chan?"
"Si tangerine ng team nyo, si bulilit, si demon jumper-"
"Oo na gets ko na, kilala ko na kumain kana ng kumain." Putol ko sa kaniya baka atakihin pa siya sa inis. Kumalma, oh kumalma.
Nang matapos kami kumain ay saka na ako nagligpit at naghugas ng plato, pinatay ko narin ang ilaw sa sala para matulog na siya gayong patapos na ang movie. Siya naman mismo ang nagkusang nagoff ng TV at saka naghilata.
Iniwan kona siyang nagcecellphone sa sala at pumasok sa kwarto. Nakasanayan ko ng naglolock ng kwarto kahit meron at wala akong kasama, para safe. Hindi naman sa pinaghihinalaan ko ng masama si Oikawa, mabuti ng ganito hehe. Peace.
Nagscroll scroll pa ako sa f*******: at i********: bago ako nagmessenger. May aasikasuhin pala akong paperworks para bukas, isa sa mga projects ng teacher ko. Nag alarm naman ako ng alas dos para gumising bago ko ioff ang phone at matulog.
-
Nag-unat unat muna ako bago ako bumangon ng kama, maga pa ang mata ko dahil sa aga ng gising ko pero bumangon narin naman agad ako. Nagsuot ako ng pajama at jacket na tinanggal ko kagabing natulog ako dahil naka comforter naman ako.
Dala ko palabas ang laptop at mga pagpiprintang papel dahil nasa labas ang printer ko. Binuksan ko ang ilaw sa kusina para duon nalang magtrabaho saka baka magalit si great king sa ingay.
Tinignan ko naman ito, napagtanto kong hindi ko ito nabigyan ng kumot kagabi! How bad of me huhu. Kaya pala siya nakabaluktot, mukhang naligo siya kagabi dahil hindi naman ito ang suot niya bago ako pumasok sa kwarto.
Kinuha ko ang comforter ko saka ko siya kinumutan.
"Hindi pala kita nabigyan ng kumot, sorry."
Napadako ang tingin ko sa mukha nito, dahil sa sinag ng ilaw sa kusina malinaw na malinaw ang mukha niya. May iilang patak ng luha sa damit niya at saka pisngi niya. Mukhang kakatulog lang nito.
"Nahirapan kaba matulog? Sana sinabi mo para nanood tayo magdamag ng movie." Malungkot kong sabi habang hinahawi ang mga luha sa pisngi nito. Inayos kong muli ang comforter niya saka na siya iniwan duon. SInulyapan ko pa itong muli bago bumuntong hininga.
"Antok na antok na kasi talaga ako kagabi huhu, sorry." Sambit ko sa kawalan. Medyo nakonsensya naman ako dahil sa pag-iwan ko sa kaniya kagabi. May practice pa kasi sila mamaya at maaga pa ako mamaya may training pa ang Karasuno. Sigh.
Hinarap ko na ang laptop ko at nagsipagtipa ng mga letra. Terror pa naman ang prof ko sa subject na 'to.
Nagmessage ako kay Chikara na naka online ngayon.
'Mukhang gumagawa rin yata'
Nagmessage naman ito agad at sinabing gagawa palang ngayon para wala na siyang inaalala sa susunod. Tinanong ko kung si Nishinoya at Tanaka ba e' walang balak kasi sila Narita tapos na kaya sana all.
May hindi ako naintindihang part sa lesson kaya nagpatulong na muna ako sa kaniya, maya maya pa ay nagsuggest na ako na tumawag ito para mas maintindihan ko.
Incoming video call
Nagsimula siyang magdiscuss habang nagtatype rin, ganun rin ang ginagawa ko. Nagpapalitan kami ng idea sa bawat content kaya madali naman naming nagawa at patapos na kami nang huminto magsalita si Chikara kaya napatingin ako sa screen ng phone ko.
"S-si O-oikawa ba 'yan?!" Nagtatakang tanong nito.
Huh?
"Sa likod mo" Nanlalaki naman ang mata ko ng lingunin ko ang screen kung nasaan ako at kitang kita si Oikawa na may hawak hawak na baso ng tubig at nakasandal sa pader.
'Bopis! Anong ginagawa mo jan! ano nalang iisipin nito.'
"Chikara magpapaliwanag ako, pre hindi 'yun kagaya ng iniisip mo ah kasi ano nakitulog lang siya dito." Ano ba bakit ako nagpapaliwanag!
'Kasalanan mo'to' sambit ko sa isip ko saka tinignan ng masama si Oikawa. Tumawa naman ito ng mahina saka ako tinabihan.
Nilingon kong muli si Chikara nang magsalita siya. "Huwag kang mag-alala secret lang natin na boyfriend mo si Oikawa at jan siya sa'yo natulog. Hihihihi"
Video call ended
"Ang laki laki ng problema mo, edi kausapin mo mamaya sa school."
Tse, 'wag mo akong kausapin. "Naiinis ako sa'yo"
'yun na lang ang nasabi ko, hindi pa kami tapos sa papers ko oh!
Hindi naman siguro machika si Chikara no?
Saka "Bakit gising kana? Kanina lang tulog kana ah."
Pinagkibit-balikat lang ako nito. "Nagising ako sa ingay mo"
Ay, grabe.
Pinakielaman naman nito ang papers na ginagawa ko. "Paperworks huh? Last part kana pala. Ilagay mo 'yung about sa discussion nyo lastime 'jan saka mo dugtungan ng opinion mo generally." Ani nito bago ubusin ang tubig.
"Woah, hindi ko alam na nagfofocus ka pala sa pag-aaral akala ko puro pambababae lang."
"Luh? Syempre 3rd year na ako, napag-aralan konayan at balance ako sa sports at academics. Saka anong babae? Pass. Lapitin lang talaga" Mayabang nitong sabi, minsan mapapailing kana lang talaga sa kayabangan nitong lalaking 'to e.
Mala Kotarou e'. Kung magsasama siguro sila baka pinag-uumpog kona sila sa kalokohan nila.
Ginawa ko naman ang sinabi niya, kinutusan pa ako ng isang beses nung mamali ako ng grammar.
"Grabe Oikawa, isang beses lang ako namali ng grammar sapok agad?" Madrama kong reklamo sakaniya.
Tumango naman ito at nagpangalumbabang humarap sa akin. "Oo, engot engot mo anong "So, do me?" engot!"
"Lumayo ka nga sa akin, baka masapingil kita kapag hindi ako nakapagtimpi. Matulog kana ulit." Sinunod naman nito ang sinabi ko saka pumuntang sala at naghilata. After ng ilang minuto ay mahimbing na ulit ang tulog niya. Itinaas ko ulit ang comforter hanggang balikat nito para hindi siya masyadong lamigin. Alas tres palang naman ng umaga kaya iidlip rin sana ako saglit.
Kinuha ko ang headband ko saka sinuot sa kaniya, yunng bangs niya kasi masyadong nakalugay sa mga mata niya. Ako ang mas napupuwing e. Gigising naman ako ng 4:30 mamaya dahil 6 ay papasok pa ako para hulihin si Chikara. Mahirap naba ka maichika niya.
Inilabas kona ang frozen goods na pwede naming ulamin mamaya at pinalambot. Sa sofa na ako naidlip at nagising sa alarm ng cellphone ko. Bumangon na ako saka na naligo at nagsuot ng uniform sa kwarto.
Tulog pa si Oikawa nang matapos akong gumayak. Mamaya ko nalang siya gigisingin kapag malapit na ako matapos magluto.
Fried rice with egg, tofu at ham ang agahan ko ngayon, medyo dinagdagan ko lang dahil kasama kong kumain si Oikawa. Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman na hindi na ako nag iisa. Part of me saying na masaya akong nakabangayan ko si Oikawa kahapon. Sigh.
"Oikawa" Pag-aalog ko rito. "Gumising kana jan, kakain na."
Kinuha ko na ang mga plato at chopstick na gagamitin nito, naglagay narin ako ng tubig sa baso namin. Antok na antok naman siyang sumunod at umupo sa harap ko. Siya na mismo ang nagsandok ng kanin at ulam niya, tahimik lang kaming kumain dahil pareho kaming inaantok.
Nagpaalam naman itong magbubuhos saglit para magising ang diwa. Binigyan ko naman siya ng isang T-shirt dahil wala na siyang baon. Trackpants at underwear lang daw ang may extra nito.
Natapos ako maghugas ng plato at mag-ayos ng pinagbaunan 5:10 na ng umaga. Sakto naman at nakaayos na ang gayak nito nang datnan ko sa salang nagcecellphone.
"Tara na? Wala kanabang naiwan? Jersey jacket mo? Malamig sa labas." Sambit ko habang nalalakad kami papuntang pintuan. "Ihahatid kita sa bus station. Baka mapano kapa"
"Huwag na, ituro mo nalang kung saan ang bus station" pero hindi ko siya pinakinggan. Maraming tambay ng ganitong oras papuntang station at baka mapaaway pa siya sa mga 'yun.
5:40 na ng makarating kami sa station, iiwan kona sana siya ron pero huminto ako nung nagsalita siya.
"Thankyou, Thankyou sa pagsama sa akin kagabi" Pasasalamat nito, tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.
"Una na ako, ingat ka" Paalam ko rito saka na siya tinalikuran para pumasok.
Chikara!!!!! Nasaan ka chikara!! Pumunta ako sa club room at nadatnan ko sina Kageyama at Hinata na nandoon.
"Nasaan si Chikara?"
Tinuro naman nito na nasa gym at tumatakbo duon. Kaya mabilis pa sa alaskwatrong tumakbo ako pababa papuntang gym. Nadatnan ko naman si Chikara na nakaupo sa stage duon at mukhang nagrereview.
"CHIKARA!!!!" malakas kong tawag sa pangalan nito, nag echo sa buong gym ang boses ko na ikinalingon nina Kinoshita at Narita. Dalian kong hinatak si Chikara pababa ng stage para kausapin kung saan malayo kina Narita.
"Hindi ganun ang iniisip mo" Panimula ko.
"Ano bang iniisip ko?" Arghhh
"Hindi ko talaga siya boyfriend nagkataon lang na nagkatagpo kami at sakin siya nakitulog due ... due... dahil sa personal na dahilan pero hindi naman sa super high intimacy. No, hindi ganun." Tumango tango pa ako sa kaniya habang nakahawak sa dibdib.
"Huwag kang mag-alala hindi makakalabas, nagets ko ang sinasabi mo" Sambit nito at saka ako nginitian. Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito, "Kumalma kana, hindi naman ako makwentong tao" dagdag pa nito at nagkunwaring zinizipper ang bibig.
Mabuti na lang talaga at hindi si Tanaka o Nishinoya ang natawagan ko kanina. Jusko Lord kaawaan.
Dumating na ang iba pang players kasama si Sir Takeda at Shimizu. Mahuhuli raw ng dating si Coach Ukai kaya nagsimula na silang mag warm up para dirediretso na ang training nila.
"Mikazuki-san" Tawag ni Tsukishima. Lumapit naman ako dito dahil nagpapalagay siya ng tape sa daliri.
Naging busy ang maghapon dahil sa sunod-sunod na practice, natapos kami at nakapagpahingang diretso madilim na ang paligid. Nagpatulog pa saglit sina Hinata sa pagtoss ng bola. SI Tanaka at Nishinoya naman ay nagpatulong rin sa paperworks na ginawa namin ni Chikara.
"Mikazuki" Tawag ni Shimizu. "Tumutunog yata ang phone mo" Kinuha ko sa kaniya ang sling bag ko atsaka tinignan kung sino ang tumatawag.
Mom
Sinagot ko naman ang tawag nito kaagad. Tinanong lang nito kung kumusta ako at kung may laman pa ang cards ko. Pinaalam rin nitong uuwi sila next year at baka sa akin sila magnew year. Nag-usap pa kami nito saglit at saka na nagpaalam nang tawagin na kami ni coach para pauwiin. 9:00 PM na ng gabi, bigla namang pumasok sa isip ko si Oikawa. May hardcore training rin kaya sila?
Itetext ko sana siya kaso baka mag-isip pa siya ng kung ano ano kaya hinayaan ko nalang, sana mapansin ni Iwaizumi na hindi okay 'yung kaibigan niya.
'Sana bumuti na ang pakiramdam niya'
Simula nun palagi na kaming magkausap sa text o minsan ay tumatawag siya kapag tapos ng practice at traning nila. Wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang bwisitin lang ako at kwentuhan ng mga nagaganap sa araw ding 'yun. Hinayaan ko lang siyang ilabas ang at ikwento ang gusto niyang ikwento dahil masaya akong nakikinig. Malay ko ba, pero simula nung epic meeting namin hanggang sa overnight niya sa akin. Bumalik sa akin ang pakiramdam na may kasama na ulit ako.
-
"Everyone, nandito na tayo"
Panggigising ni Sir Takeda sa amin. Nandito na kami sa parking area ng Sendai. 7AM kami nakarating dito kaya naman kaming dalawa ni Shimizu ang naunang pumasok para tignan ang spot na pwedeng paglagyan ng mga gamit namin. Nang may makita ay saka na kami naglatag ng mat bilang sapin para ipatong ang mga bag na lalagyan ng gamit at pagkain ng team.
Nagpaalam ako saglit na magbabanyo muna at mag-aayos ng sarili. Medyo hindi maayos ang pagkakasuklay ng buhok ko dahil hassle kanina. Dala dala ko ang pouch na pinaglalagyan ng gamit ko.
"Miss." Huh? Nilingon ko ang yellowed hair guys na tumawag sa akin. Nagtaka naman ito nung sumenyas akong teka lang sa kaniya.
"Wait, later kana magchika, restroom lang ako." Bago ko pa man maisara ang pintuan ng banyo ay narinig ko pa ang tawa nito.
'Sira-ulo'
Hinayaan ko lang na nakaladlad ang buhok ko, inayos ko lang ito ng suklay ay saka naglagay ng face powder at tint sa labi. Nang makuntento na ako sa sarili ay saka na ako lumabas habang nagpapagpag ng jacket dahil nadampian ng powder.
"Pwede naba kitang chikahin?" Gulat naman ako 'don!
Pinagkunutan ko ito ng noo, sino ba'to? Close ba kami sa past life?
"Terushima Yuji! 18" Share niya lang?
Siyempre hindi ko sinabi 'yun dahil mabait at magalang akong bata. "Hatake Mikazuki." Bati ko pabalik.
Inilabas nito ang cellphone niya saka inabot sa akin. "Pwedeng makuha number mo?"
Hindi pa man ako nakakasagot sa kaniya ay may lumapit na sa akin na para kuhanin ang cellphone.
"It's Oikawa and Iwaizumi" Bulong ng mga tao sa paligid. Ito na yata ang cue ko para lumayas sa tension ng dalawang 'to hano?
"Ayan na number ko" Sambit ni Oikawa saka ibinalik ang cellphone ni Terushima. "Pwede mong hingan ng number ang lahat ng babae rito, huwag lang sa kaniya."
"Huy, ang rude mo!" suway ko sa kaniya nang magwalk-out si Terushima. Tinignan ko rin ng masama si Iwaizumi dahil hindi man lang niya 'to sinuway.
"Oh~ wala akong ginagawang masama." Taas ang dalawang kamay nitong sabi. "Loko ka kasi nadamay tuloy ako" Saka nito binatukan ang kaibigan.
"Tsk" 'yun ang huling salita ni Oikawa bago niya yayain si Iwaizumi para umalis. Humingi naman ng paumanhin si Iwaizumi sa akin.
Nilabas ko ang phone ko saka ko tinext si Oikawa.
To: Pretty Boy
May aning kana naman.
Ang rude rude kaya nung ganun. Pwede namang kausapin ng matino. Hay nako.
From: Pretty Boy.
Nood ka game namin after lunch bukas.
After lunch? Wala namang schedule ang Karasuno ng lunch bukas. Isa lang ang game nila bukas kapag naipanalo nila 'to pasok na sila para sa semifinals.
To: Pretty Boy.
Manonood yata ang Karasuno, sabay ako sakanila. Date tech kalaban nyo diba? Goodluck!
Naglakad na ako pabalik sa corridor kung nasaan ang Team. Tumunog ulit ang phone ko kaya tinignan ko muna bago tuluyang itago.
From: Pretty Boy.
Pag nanuod ka libre kitang ramen.
Agad naman akong nagtipa ng irereply.
To: Pretty Boy.
G!
"Oh 'wag masyadong kiligin" Boses ni Chikara sa likod ko habang may malisyang ngiti sa mukha. "Ingat-ingat baka mahulog, ngumingiti na e'."
Luh, parang tanga.