MAINGAT na isinalansan ni Sofia ang nagawa niyang home-made sandwich sa tray. Inilagay na rin niya roon ang pitsel na naglalaman ng pineapple juice at baso para sa kanilang tatlo nina Euna at Brix. Kahit naman kasi may mga kasambahay sila ay hindi niya iniaasa sa mga ito ang mga bagay na kaya naman niyang gawin. Nagtataka siya kay Brix. Halos hindi na nito ibinababa sa pagkakakarga ang sanggol. Pasado alas-tres na ng hapon, magdadalawang oras na buhat nang dumating ito pero hanggang ngayon ay nakikipaglaro pa rin ito kina Euna at sa bunso nilang anak. Halos wala itong kapaguran. Akala niya kanina ay babalik din ito agad ng kompanya. Naka-office uniform pa kasi ito. Alam na kaya nitong ito ang ama ng bunso nila? Obvious naman kasing mag-ama ang dalawa, sa hitsura pa lang na parang pinagbi

