SUNOD-SUNOD na napahithit ng vape si Brix habang hubad na nakasandal sa headboard ng kama niya. Nakatutok ang mga mata niya sa dingding na tila malalim ang iniisip. Ilang araw na ang nakakalipas magmula nang gabing pinagsalitaan niya si Sofia ng hindi maganda, at aaminin niyang na-guilty siya r'on. Pero kapag naiisip niya ang pang-iiwan nito sa kanila ni Euna ay bumabalik ang hinanakit niya sa dalaga, kaya naman magpahanggang-ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo niya rito kapag binibisita niya ang anak sa mansyon. "I guess that guy was the reason why that flirt Sofia ran away on your wedding," komento ni Lovely habang hinahagod ang dibdib niya pababa sa kaniyang puson. Nakahubad din ito habang nakatagilid na nakahiga paharap sa kaniya. Nakatukod ang ulo nito sa sariling kamay. Kilala

