CHAPTER 28 PILLOW TALK

1207 Words

LAURA MAY CASTILLO   Hindi na sumama si Adrian sa paghatid sa akin dahil sabi nga niya ay hindi niya pwedeng iwanan ang mga kaibigan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang ibig sabihin ni Adrian at kung ano ang dahilan ng malungkot na ngiti nito. Nang mag-a-alas-diyes na ay huminto ang sasakyan sa gate ng mga Aquillas at nagpasalamat ako sa driver sa paghatid sa akin. Bumaba na ako at dala ang aking gamit. Nang makilala ako ng guard ay agad nitong binuksan ang daanang-pangtao. Malayo pa ang aking lalakarin dahil wala naman sa bungad ang bahay ni Hans. Halos isang daang metro ang layo niya mula sa mansyon ng Aquillas. Habang naglalakad ay nag-isip-isip ako sa kung paano ko haharapin sa Hans pagkatapos kong mag-walk-out kanina at kung ano ang sasabihin nito sa akin. Ito naman kasing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD