LAURA MAY CASTILLO Hindi na ako nagulat nang makita ang malaking bahay nila Adrian. Siya ay anak ng isang Gregorio, inaasahan ko na hindi basta-basta ang tinitirahan niya. Bumaba na kami sa SUV at nauna na silang maglakad habang ako ay nakamasid sa kabuuan ng lugar— wari’y isang daga na naghahanap ng escape route. “I won’t do anything weird, Laura. Feel at ease.” Hindi ko napansin na hinihintay pala ako ni Adrian. Ang akala ko ay sumunod na siya kila Ross sa loob. Malamig ko itong tiningnan. “Hindi ako nagtitiwala sa iyo.” Nagkibit-balikat lang ito at pagkatapos ay tumalikod na sa akin at lakad patungo sa entrance door. Sumunod ako sa kanyang ngunit pinanatili ko ang distansya namin sa isa’t-isa. Palapit palang kami sa pintuan ay gusto ko ng umuwi. Pakiramdam ko ay hindi ako maka

