LAURA MAY CASTILLO Pagkatapos namin kumain ng almusal ay dinala ako ni Hans patungo sa patio ng kanyang bahay. Umawang ang aking labi nang makita ang patio na punong-puno ng dilaw na carnation— ang mga balluste, ang sahig, ang mga upuan. Tumila na ang ulan at dahil may part ng patio na hindi covered ay naabot ng ulan ang ilang bahagi ng rosas. Nilingon ko si Hans at may malapad na ngiti ito sa kanyang labi. Ngunit hindi ko sinuklian ang matamis na ngiti niya. “Bakit mo ito ginawa?” “Hindi mo ba nagustuhan?” Napabuntong-hininga ako. “Pero ano ang ibig sabihin nito, Hans?” Natunaw ang kanyang ngiti. “Hindi ka natuwa sa supresa ko?” Nilagpasan niya ako at tumungo sa upuan. Binuhat niya ang isang bugkos ng carnations at humarap sa akin bago iyon ilahad sa harapan ko. “Para sa iyo

