LAURA MAY CASTILLO “Masaya ka na sana, Laura.” Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Tonyang. Agad na lumapit sa kanyang tabi ni Hans upang aluin ang dalaga. “Sana masaya ka na. Sana masaya ka na dahil wala na ang baby namin!” Lumunok ako. “H-Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya, Tonyang.” Nanginig ang aking boses at nanakit na ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng hikbi. “Umalis ka rito! Umalis ka!” Binato ni Tonyang ang unan sa akin. Lumapit sa akin si Adrian at itinago ako sa kanyang likuran. Napakapit ako sa damit niya dahil sa takot. Hindi ako makatingin ng diretso kay Hans dahil naninikip ang dibdib ko sa pagprotekta niya kay Tonyang. “Gusto namang makipag-usap ng maayos ng tao, bakit kailangan niyo siyang saktan?” Ganitong-ganito rin ang nangyari noon. Si Ate Summer

