LAURA MAY CASTILLO Tuluyan na nga akong lumayo kila Hans. Nagpaalam na rin ako kay Sir Greyson na lilipat na ako ng trabaho ngunit hindi naman niya tinanong ano ang nangyari. Ngunit sinabi niya sa akin na kung sakaling magbabago ang aking isip ay tatanggapin pa rin niya ako. Habang nilalagay ni Adrian ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan ay nakatayo ako sa gitna ng living room ni Hans. Hindi pa rin sila umuuwi galing ospital. Inilapag ko ang puting envelope sa mesa na naglalaman ng pambayad-utang at isang sulat. “Are you ready to go?” Nilingon ko si Adrian at marahang tumango. Sabay kaming lumabas ng bahay ni Adrian. Pagkasara ng pinto ay nakarinig ako ng mga habag ng paa mula sa aking likuran. Pagharap ko ay nakita ko si Jack, Joe, Matt, at Paulo na nakatayo malapit sa sasakyan.

