LAURA MAY CASTILLO Na-excuse ako sa frog project namin nila Mariposa dahil sa injury ko. Magkagayunman, bibigyan pa rin ako ng chance ng propesor na bawiin ang grades ko next month kapag humilom na ang aking mga kamay. Dahil sa mga nalaman ko tungkol sa buhay ni Adrian ay nag-iba na ang pagtingin ko sa kanya at kila Miriam. Napapansin ko rin na dumadalas ang pakikipag-usap nila kay Adrian ng hindi ako kasama at kapag binabalikan ako ni Adrian ay madilim na ang kanyang ekspresyon. Isang linggo pa lang ako nagtatrabaho sa kaniya at naninirahan ngunit pansin ko ang unti-unting paglapit ng aming loob. Sinubukan kong kumustahin ang lagay ni Tonyang noong pangalawang araw ko palang dito ngunit hindi ako naka-receive ng reply mula sa kanila. Hindi ko alam kung nabasa na ba ni Hans ang iniw

