LAURA MAY CASTILLO Kinuha ko ang aking bag sa locker at sinara iyon bago lumapit kay Hans. “Ano ang ginagawa mo dito?” Kanina pa kita hinihintay pero hindi pa rin lumalabas. “A-Akala ko ay si Jack ang susundo sa akin.” “Napakalma na namin si Greyson kaya ako na ang sumundo sa iyo.” Malamig niyang saad. Nilagpasan ko siya at napahinto ako nang makita ang grupo nila Adrian na paalis na rin ng Pad Point. Inilipat ko ang tingin at umiwas ng daan. Lumagpas ang tingin sa akin ni Adrian at alam ko na nagkita ang dalawa. Pinili ko nalang na tumahimik at tuluyan nang lumabas ng Pad Point. Huminto kami sa tapat ng motor ni Hans ngunit bago ko pa isuot ang helmet ay hinarap ako ni Hans sa kanya. “Nasaan ang bag mo?” Seryosong saad niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi. “Uhm… iniwanan ko

