Chapter 9

2456 Words
Change Plan "Mom, Dad, Tito ang Tita gusto ko lang pong malaman ninyo na nililigawan ko si Kaye." Paulit ulit pa ding umuukil yan sa isipan ko hanggang matapos na kami sa pagkain. Wala pa din akong masabe mas pinili kong tumahimik nalang muna sa ngayon. Hanggang sa magyaya na ang mga magulang namin para nga magpunta na sa next destination. Tahimik akong tumayo para makalabas na din nang bigla akong akbayan ni Matt. Gusto kong tanggalin ang braso niya pero parang gusto ko naman ang ginagawa niya sa akin. Sabay kaming naglakad palabas ng resto pero ni isang salita ay wala pa din akong masabe. Pagkasakay namin ng sasakyan ay si Matt na mismo ang unang nagsalita para kausapin ako. "Kaye may problema ba? Galit ka ba sa sinabe ko kanina? Please tell me?" Tumingin ako kay Matt at mabilis akong sumagot dito. "Hindi ako galit pero di pa naman ako pumapayag na ligawan mo ko." "By the way aalis na nga pala ako doon na ko mag aaral sa US and next sem na ko lilipat." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Matt, ako naman ay nagulat din at sinabe ko sa kanya ang mga plano ko. Nag iwas ako ng tingin kay Matt pero dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ko para humarap sa kanya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako tumingin kay Matt. Kitang kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya. "Bakit ka aalis dahil ba sa akin? Dahil sa mga sinabe ko sayo?" Mabilis ko namang inalis ang kamay ni Matt sa aking pisngi bago sumagot sa tanong niya. "No Matt matagal ko na itong pinag iisipan mas ok kasi kong doon ako makakapag tapos." "Kaye ok naman ang pag aaral mo sa UP ahh at di mo na kailangang mag aral abroad kasi sa SGC ka rin naman mag tatrabaho." Kunot noo ko siyang tiningnan oo malaki at isa sa matagupay na kumpanya ang SGC pero di ko matatanggap na kaya lang ako makakapag trabaho dito ay dahil kilala ko ang may ari. Ayokong isipan nang iba na ginamit ko lang ang impluwensya at pagkakaibigan ng magulang namin kaya ako naka pasok sa SGC. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng deretso "Matt ayong gamitin ang impluwensya o ang pagiging magkaibigan ng mga magulang natin para makapag trabaho sa SGC." "May nakalaan na talaga sayong posisyon sa SGC si Mom at Dad ang nagsabe noon sa akin kaya di mo na kailangan pang mag abroad to have a better job." "Gusto ko kasi pag hihirapan ko ang makukuha kong trabaho. Ikaw pwede kang pumasok sa SGC ng may posisyon agad dahil magulang mo ang may ari." Totoo naman magkaiba kami ng sitwasyon ni Matt at tsaka gusto kong ipakita sa mga magulang ko na pinaghirapan ko ang makukuha kong trabaho. "Kaye please wag kana lang umalis." Kitang kita ko ang pangungusap sa kanyang mga mata medyo ngdadalawang isip na din ako dahil nga sa mga sinabe ni Matt kanina. Nalilito na ako ngayon kong ano ba ang dapat kong gawin kong tutuloy pa ba ako o bibigyan ko nalang ng chance si Matt na ipakita sa akin na pareho kami ng nararamdaman. What a life! Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ang tamang gawin? Ang sagot ay di ko din alam. Nagising nalang ako sa katotohanan nang hawakan ni Matt ang pareho kong balikat at dahan dahang niya ako inalog. "Im sorry Matt bigyan mo sana ako ng time para makapag isip dahil sa ngayon ay nalilito pa ako. Mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko at tumingin sa ibang direksyon para di niya makita ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko para di niya makita ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Hindi na si Matt nangulit pa hinahayaan siguro ako nitong mag isip. Nag ring ang phone ni Matt pero di ko pa din minulat ang mga mata ko narinig kong nalang na may kausap siya sa phone. Pagkatapos ng tawag ay mabilis na pinatakbo ni Matt ang sasakyan di ko pa din alam kong saan kami pupunta. Nagising ako sa marahang tapik sa aking braso dahan dahan ko namang minulat ang mata ko. Nakatulog na pala ako. Bumungad sa akin ang naka ngiting si Matt.Naka titig ito sa akin kaya naman mabilis kong inayos ang sarili ko. Bago ako nag salita. "A-ah asan na tayo sorry nakatulog ako." Sabay kuha ko ng bag ko para bumaba ng kotse. "Andito tayo sa Batangas Kaye dito napili nina Mom ang Dad na mag unwind" Nilibot ko ang paningin ko lugar kong nasaan kami isang beach resort ang napiling puntahan ng mga magulang ni Matt. Pagkababa ko pa lamang sa sasakyan ay naisip ko na wala nga pala akong dalang gamit. "Matt wala akong dalang gamit." Nahihiya kong sabe dito hindi ko naman alam na dito kami pupunta. "Its ok Kaye binilhan ka na ni Mom kasi sinabe kong nkatulog ka sa byahe ." Nahihiya akong ngumiti kay Matt bago nagpasalamat. "Thank you Matt." "Let's go Kaye hinihintay na nila tayo." Inakbayan ako ni Matt at inalalayan patungo sa kinaroroonan ng mga magulang namin. Mabilis kaming nakarating dahil malapit lang sa pinag parkingan namin ng resto na kinaroroonan nila. Hindi pa kami tuluyang nakakalapit ay kitang kita ko na ang saya sa mga magulang namin medyo matagal na din kasi ang huli naming bonding na buo kami. Pagkarating namin sa lamesa na kinaroroonan ng mga magulang namin ay siya namang imik ni Tito Theo. "Saan ba kayo nagpupunta at palage kayong nahuhuli." Inunahan ko na si Matt ng pag sagot para di na sila magtanong pa."ahh dumaan lang po kami sa pancake house na nadaanan namin." Lahat sila ay nakatingin pa rin sa aming dalawa na para kaming mga bata na tinatanong ng mga magulang namin. At bigla naman nag salita si Matt. "Ahh nagutom po kasi si Kaye kaya dumaan na kami." Tumawa sila na parang wala nang bukas kunot noo akong naka titig sa kanila nagtataka kong bakit sila tumatawa. Nang biglang nag salita si Tita Matilda. "Kaye and Matt ok lang no need to say anything nagtatanong lang kami para naman kayong mga bata na kabado mapagalitan ng mga magulang ninyo. Sabay sagot din ni Nanay. "Oo nga Matilda mukhang takot ang mga bata natatawa talaga ako sa reaksyon nila. At sabay sabay pa silang tumawa ako naman ay tumingin kay Matt at napapa iling nalang. Sabay kaming umupo ni Matt habang ang mga magulang namin ay nagpatuloy sa pagkukwentuhan. Mabilis ko namang kinuha ang phone ko para makapag post ng story at para icheck nadin ang aking social media account. Binuksan ko ang camera ng phone ko para kunan ng litrato ang mga magulang namin. Ilang shot din ang ginawa ko at nang makuha ko na ang magandang angulo sa kanila ay inilagay ko naman ang phone ko sa front cam nito para kunan ang sarili ko ng litrato. Mag eemote na sana ako sa camera nag biglang sumingit si Matt sobrang lapit na niya sa mukha ko yung tipong pag humarap ako sa kanya ay mag lilips to lips na kami. Di ako makagalaw dahil sa sobrang bilis na ng t***k ng puso ko lalayo na sana ako sa kanya pero bigla niya akong hinawakan sa bewang kaya di ako naka alis sabay bulong nito sa akin. "Please stay with me gusto kong isama mo ko sa picture. Putakte parang nagdidiwang ang mga paru paru ko sa tyan at ramdam na ramdam ko ang elektrisidad sa katawan ko. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko sabay bigay sa kanya ng phone ko." I-ito na o sayo na ikaw na magpicture ng sarili mo." Malakas itong tumawa na parang tuwang tuwa pa sa pananaray ko sa kanya. "Ok ako na kukuha ng picture natin give me your phone." Ibinigay ko naman agad ito sa kanya at mabilis naman nitong itinutok sa mukha namin ang camera. My gosh feeling ko nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang init di ako maka smile ng ayos kaya naman muling bumulong si Matt. "Just smile on the camera Kaye or else i will kiss you in front of our parents." Nanlaki ang mata at tumingin kay Matt nakita kong seryoso ito kaya napalunok ako ng bahagya at nag smile na lang sa camera. Magkadikit ang mga pisngi namin habang siya naman ay busy sa pag kuha ng picture sa amin. Hindi ako makagalaw habang kumukuha si Matt ng aming litrato nabalik lang kami sa reyalidad nang tumighim si Tatay. "Eheeem..Theo parang ang daming langgam dito ahh." Mabilis akong tumayo para iwasan ang tinggin na ipinupukol sa amin ng aming mga magulang. At saka naman sumagot si Tito Theo kay Tatay. "Oo nga Ric masyado na ngang madaming langgam dito mabuti ay magpunta na tayo sa mga rooms natin ng maka ayos na tayo ng gamit at mkapag enjoy." Nag sitayuan na silang lahat ako naman ay mabilis na sumunod sa mga magulang ko para sumama sa room. Nagulat nalang ako sa sinabi nang ni Nanay. "Kaye anak may room kayo ni Matt katabi lang ng room namin. Naka kunot ang noo kong tiningnan si Nanay pero alam ko naman na sanay na ang mga magulang namin na lagi kaming magkasama sa kwarto kahit noon pa man at may tiwala naman sila sa amin. "Ok po Nay." Sabay sabay na kami nina Nanay at Tatay na naglakad papunta sa mga kwartong inukupahan namin. Nasa likod lang namin sina Matt kaya nang nakarating kami sa dapat nag kwarto ng mga magulang ko ay siya namang lapit sa akin ni Tita Matilda. "Kaye these are your things if you need anything else just tell Matt." Naka ngiti kong inabot ang mga gamit na binili sa akin ni Tita Matilda at saka nagpasalamat dito. Sa likod naman nito ay si Matt na naka ngiti sa akin."Nga pala Tita saan po ang kwarto namin." Si Matt na mismo ang sumagot sa tanong ko. "Room 208 Kaye tara na para maka pag ayos kana ng gamit." Ngumiti ako kay Tita at saka sumunod kay Matt. Nauna si Matt pumasok sa loob ng kwarto namin pero iniwan niyang bukas ang pinto. Diretso akong pumasok at pinag masdan ang kwartong inu ukupahan namin. Minimal ang disenyo may dalawang higaan na may tamang laki kasya siguro ang dalawang tao. May malaking sliding door palabas sa balkonahe sa kaliwang bahagi ng aming silid na nakatutuk sa karagatan. Sinarado ko ang pintuan at dumiretso sa higaan ipinatong ko ang gamit ko sa sofa na asa dapat ng kama ko. Humiga ako sa kama at pumikit ina antok ako dahil siguro sa pagod sa byahe. Na alimpungatan ako dahil sa mga kaluskos na naramdaman ko iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Nanay na ina ayos ang mga gamit ko. Bumangon ako para magpasalamat kay nanay."Thank you Nay"at yumakap sa likod nito" sorry po di ko agad na ayos ang gamit ko nakatulog pala ako." Humarap naman sa akin si Nanay bago nagsalita. "It's ok anak medyo mahaba ang byahe kaya alam kong napagod ka." Nasa gitna kami nag pakukwentuhan ni Nanay ng bumukas ang pinto at niluwal nito si Tita Matilda kasama si Matt. Nakangiti naman si Nanay bago magtanong kay Tita Matilda. "Oh Matilda mag aayos ka rin ba ng gamit ni Matt." "Yes Andrea kasi alam kong di ni Matt magagawa ang mag ayos ng gamit." Sabay nagtawanan ang mga ina namin si Matt naman ay naka titig sa akin. Pagkatapos mag ayos ni Nanay ay nag pa alam na ito para bumalik sa kanilang kwarto. Naiwan naman kami tatlo nina Matt sa kwarto ako naman ay tumayo para mag bihis muna. Kumuha ako ng towel at damit at pumasok sa Cr. Paglabas ko nang Cr ay na abutan ko pa rin si Tita Matilda na nag tutupi ng mga damit ni Matt. Si Matt naman ay naka tutok lamang sa kanyang phone marahil ay naglalaro ito ng ML. Ako naman ay umupo sa kama at kinuha ang phone ko sa bag lowbat na pala ako kaya naman nag charge muna ako. Maya maya pa ay nag pa alam na din sa amin si Tita Matilda sa amin. "Kaye and Matt punta na ko sa room namin baka hinahanap na ko ng Dad mo Matt. Tatawagin ko nalang kayo pag ready na ang dinner." Mabilis naman akong sumagot kay Tita Matilda " yes po Tita thank you nga pala po sa mga gamit na binili mo para sa akin." "Ok lang hija." At umalis na nga si Tita kami nalang ni Matt ang naiwan sa kwarto dinampot ko ang phone ko para replyan si Meg dahil nag text ito kanina sa akin. Bubuksan ko na ang phone ko nang magsalita si Matt. "Kaye ML tayo miss na kitang ka duo." Natigilan naman ako sa pagbubukas ng phone ko at ito nanaman ang puso kong hindi mag kamayaw sa sobrang lakas ng t***k. "A-ah ma-mamaya nalang Matt nag charge pa kasi ang phone ko" pautal utal kong sagot dito. Hindi na ito sumagot pa bagkos ay lumapit sa akin at umupo sa tabi ko at saka hinawakan ang kamay ko. "Kaye galit ka pa ba sa akin please tell me kong ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ko." Ako naman ay hindi makagalaw dahil sa elektrisidad na nararamdaman ko sa tuwing hinahawakan niya ako. "H-hindi naman ako galit sayo Matt" Totoo naman na hindi ako galit umiiwas lang ako dahil gusto ko munang mag isip isip kong ano ang gagawin ko. Marahan nitong pinisil ang kamay ko bago ulit magsalita. "Kaye mahal na mahal kita hayaan mo kong patunayan sayo ang nararamdaman ko please." Ako naman ay nakatitig pa din kay Matt walang pake alam kong ano ang iisipin niya sa akin. Ngumiti ako kay Matt bago magsalita "Pumapayag na ko Matt" nakatitig pa din kay Matt. Kitang kita ko ang saya at galak sa kanyang mga mata bago nag salita. "So hindi kana din aalis di mo na ko iiwan Kaye." Huminga ako ng malalim at pumikit nakapag desisyon na ko pumayag ako na patunayan ni Matt sa akin ang nararamdaman niya. After all siya din naman ang dahilan ng pag alis ko. "Yes Matt hindi na ko aalis." Mabilis na yumakap sa akin si Matt at mabilis ko rin naman itong tinugunan ang sarap sa pakiramdam parang gumaan ang pakiramdam ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. "Thank you Kaye sisiguraduhin ko na hindi mo ito pag sisisihan." "I love you sweetie laro na tayo ng ML" please follow me for update thanks ang labyaaah..❤️❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD