Pag Amin 101
"Sige po next time ko nalang po aayusin."
Mabilis ulit akong umupo sa couch kong saan ako naka upo kanina, kinuha ko ang cp ko at na pagpasyahang maglaro nalang muna pang tanggal ng inis.
Kakabukas ko palang ng ML nang biglang umupo si Matt sa tabi ko para silipin ang ginagawa ko. Bigla nitong dinukot ang cp niya sa bulsa at nagsalita.
"Sali ako mag MM ka ako TANK"
Naiinis ko siyang tiningnan" hindi pwede may mag tatank na sa akin"
sabay irap ko dito.
Napauwi ang ngiti sa labi ni Matt tumungo ito at huminga ng malalim bago sumagot.
"Kaye I'm sorry kalimutan mo na ang sinabe ko sayo nong isang gabe"
"Please Matt wag na nating pag usap ang mga nakaraan ayaw ko nang balikan yun."
"Kaye pwede bang pakinggan mo muna ako kahit ngayon lang."
Tumingin ako kay Matt at pekeng ngumiti" Matt nasabe na ko na sayo ang gusto kong sabihin ako ang may problema sa ating dalawa kaya di mo na kailangang magpaliwanag."
Tatayo na sana ako para lumabas ng opisina ni Tatay nang biglang hinawakan ni Matt ang braso ko.
Nababanas akong humarap kay Matt bago nagsalita "please Matt lalo lang akong hindi makakalimot kong ipapag patuloy pa na din ang mga bagay na nakasanayan natin. Hayaan mo muna akong mapag isa."
Halos pabulong ko na yung sinabe kay Matt para di marinig ni Tatay at Tito Theo, mabilis kong hinila ang braso ko at tumalikod dito para mag pa alam kay Tatay.
"Tay , Tito Theo Rest Room lang po ako"
"Sige Anak bilisan mo kasi kakain tayo sa labas kasama si Nanay mo at Tita Matilda."
"Sige po Tay" Mabilis akong nagtungo sa pinto para makalabas , nagtungo agad ako sa Rest Room para doon magtago kay Matt.
Pumasok ako sa cubicle at mabilis na umupo sa nka taklob na bowl, pumikit ako at paulit ulit na huminga para mawala ang paninikip ng dibdib ko.
Ilang minuto na ang lumipas pero nakatungo padin at naka pikit pa din ako napamulat nalang ako nang may kumatok.
"May tao po ba jan"
Mabilis akong tumayo bago sumagot
"A-ahh opo may tao po wait lang po"
Nag Flash muna ako bago lumabas, nakangiti sa akin ang babae bago tumungo.
"Ay Maam kayo pala diba kayo po gf ni sir Matt?"
Nakakunot ang noo kong tiningnan ang babae nagtataka kong saan niya nalaman yun. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at agad na humingi ng tawad sa kadaldalan niya. Tanging ngiti na lamang ang naisakot ko dito.
Pagkalabas ko ng Rest Room ay sinalubong agad ako ni Matt nakangiti pa rin ito sa akin kahit na inirapan ko na ito iiwasan ko na sana si Matt nang biglang nagsalita si Tito Theo kasama sina Tatay.
"Ayun ang mga bata mukhang may sariling lakad hahahaha."sabay tawa nanaman.
Naiinis akong sumunod kay Matt, para maka alis na kami dahil kakain nga pala kami sa labas.
Naiwan kaming tatlo nina Nanay at Tita sa waiting area ng SGC para hintayin sina Tatay na kinukuha ang sasakyan sa parking area.
Wala pa yatang limang minuto ay lumapit na sa amin ang guard nan doon na raw sina Tatay sa labas.
Sabay sabay kaming lumabas nina Nanay nakita ko agad si Matt na naka upo sa harap nang kotse niya at may pamatay na ngiti.
Agad akong nagtungo sa sasakyan ni Tatay para makasakay na at para maka iwas na din kay Matt. Pero pinigilan ako ni Tito Theo na pumasok sa sasakyan ni Tatay.
"Hija doon kana lang sumabay kay Matt para di ka ma bored"
Naka ngiti akong sumagot kay Tito
"Ok lang po ako dito kina Tatay" nagulat nalang ako nag hilahin ako ni Matt papunta sa kotse niya kaya wala na kong nagawa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan pa sa ulo na animoy batang mauuntog ,hay ito na nga ba ang sinasabe ko hindi ako lalo nito makakalimot kong ganito palage siya sa akin.
Tahimik akong nag suot ng seat bealt habang pinapanuod ko siyang umikot papapunta sa driver's seat.
Pagkapasok niya ay mabilis niyang pina andar ang kotse ilang minutong walang nagsasalita sa aming dalawa.
Ang sarili ko naman ay pinopokus ko sa labas ng bintana alam kong tinitingnan niya ako pero di ako nagpatinag bagkus ipinagpatuloy ko ang pag tingin sa labas ng bintana.
Si Matt na mismo ang bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Kaye alam kong nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo ako pero di mo ba alam na mas nasasaktan ako."
Naka kunot noo ko itong nilingon bago sumagot."What do you mean na mas nasasaktan ka kaysa sa akin" halos paos na ang boses ko sa pag pipigil sa sarili ko na umiyak.
Itinigal ni Matt ang sasakyan sa tabing kalsada bago humarap sa akin ako naman ay patuloy lang na naka titig dito habang pinipigilan ko ang pag iyak.
"Kaye naki pag hiwalay nako kay Max."
Nagulat ako sa sinabe ni Matt mahal na mahal nito si Max. Bakit siya nakipaghiwalay dito dahil ba sa akin?
dahil na aawa ito sa akin? Kaya ba siya nasasaktan?
Tumungo ako at mariing pumikit, bago ulit tumingin kay Matt at nag salita."bakit ka nakipag hiwalay kay Max tapos sasabihin mo sa akin nasasaktan ka."
Di ko na napigilang umiyak sobra na kong nasasaktan.
"Nakipag hiwalay ako kay Max dahil may iba na kong mahal."
Di ko naiintindihan ang mga sinasabe ni Matt nalilito na ko at nag iisip kong ano bang trip nito at sinasabe pa sa akin na may mahal na siyang iba matapos makipag hiwalay kay Max.
Dapat nga ay ako ang mas lalong masaktan sa mga sinasabe niya sa akin. Pinahid ko ang luha ko bago ko siya sinagot.
"Bakit mo pa ba sinasabe sa kin ang mga bagay na yan, kong nasasaktan ka mas lalo na ko Matt tama na please sobra na talaga."Patuloy pa din ako sa pagluha habang naka titig pa din kay Matt.
Mariing pumikit si Matt at hinawakan ang kamay ko bago nag salita.
"Please Kaye stop crying nakipaghiwalay ako kay Max dahil ngayon ko lang na realize na ikaw ang totoo kong mahal."
"Matagal ko na itong nararamdaman pero ini isip ko dati na baka kaya ko ito nararamdaman ay dahil matagal na tayong magkaibigan."
"Noong araw na sinabe mo sa akin na gusto mo ko sobrang nasaktan ako hindi dahil nasasaktan kasi pareho tayo ng nararamdan."
Tumigil ako sa pag iyak at kunot noong naktitig sa kanya nagtataka sa mga sinasabe niya. Ano to prank? Niloloko ba ko nito? Hindi ito nakakatuwang biro.
Mabilis kong hinila ang kamay ko kay Matt bago nagsalita"Niloloko mo ba ako Matt? Kung oo itigil mo na kasi hindi ako natutuwa lalo mo lang pina palala ang sitwasyon."
Huminga ito ng paulit ulit at pumikit tapos ay mumulat ito at tumingin ng deritso sa akin kitang kita ko ang sakit at pag hihirap sa mga mata niya.
"Matt please tama na wag mo na nating palalain ang sitwasyon kong nakipag hiwalay ka kay Max dahil na aawa ka lang sa akin please maki pag ayos kana sa kanya wag mong sayangin ang relasyong meron kayo."
"Hindi na ko makikipag balikan kay Max hiniwalayan ko siya dahil narealize ko na hindi ko talaga siya mahal."
"Yes inlove ako sa kanya pero pakiramdam ko may kulang sa relasyon namin, palage akong may hinahanap sa relasyon na meron kami."
"Alam mo ba pinag seselosan ka ni Max kasi nakikita niya na mas masaya ako pag ikaw ang kasama ko."
"At noong araw na sinabe mo sa akin ng mahal mo ko doon ko naramdaman yung hinahanap ko na kulang, sobrang bilis ng t***k mg puso ko yung feeling ko aatakihin na ko sa puso."
"Kaya ka pala sayo ko nararamdaman yung kuryente dahil ikaw talaga ang mahal ko."
"Binaliwala ko yun kasi nga im in a relationship at unfair naman kay Max kong basta ko lang siya hihiwalayan."
"Noong araw din na yun nakipagkita ako kay Max to confirm kong ano ang mararamdaman ko pag nakita ko siya."
"And doon ko narealize na tama nga ako ibang iba ang t***k ng puso ko pag ikaw ang kaharap ko."
"Kaye please give me a chance para mapatunayan ko sayo ang nararamdaman ko ikaw i love you so much Kaye."
Nakatulala lang ako wala akong masabe kay Matt parang kasing di pa rin nag poproseso ang utak ko sa mga sinasabe niya.
Nagising lang ako sa katotohanan ng hawakan ulit ni Matt ang kamay ko at mariing pinisil ito.Naramdaman ko nanaman ang pag bilis ng t***k ng puso ko at ang spark din na sinasabe niya.
"Naramdaman mo ba yun Kaye?"
Lalo akong nagulantang sa sinabe ni Matt so totoo nga na pareho kami ng nararamdaman? Alangan naman na nagkataon lang yun.
Wala pa rin akong masabe bagkus ay naka titig lang ako kay Matt. Ini isip ko pa din kong totoo ba ito o panaginip lang.
Inangat ni Matt ang kanang kamay niya at marahang hinaplos pisngi ko ako naman ay wala sa sariling pumikit.
Napamulat nalang ako nag salita si Matt.
"Kaye totoo lahat ng sinasabe ko sayo please give me a chance. Pwede bang manligaw?"
"Matt pwede bang sa ibang araw na muna natin ito pag usapan." Para kasing di ko pa kaya ngayon gulong gulo ang isip ko gusto ko munang mapag isa.
"Sige Kaye sana mapag isipan mo nang ma ayos by the way puntahan muna natin ang mga magulang natin"
Pinahid ko ang luha ko at saka tumago kay Matt mabilis naman nitong pina andar ang sasakyan.
Katahimikan ang namayani sa amin sa sasakyan mabilis naman kaming nakarating sa restaurant na napili ng mga magulang namin na kainan.
Mabilis akong bumababa sa sasakyan at dumeritso sa loob ng restaurant, sinalubong naman ako nang isang waiter kaya na abutan ako ni Matt.
Waiter:"Good Morning Ma'am table for two."
Tanong ng waiter sa akin sabay tingin kay Matt na nasa tabi ko na pala, siya na mismo ang sumagot sa waiter.
"No, reservation for SGC please."
Waiter:" Sorry sir this way please"
Sabay kaming naglakad ni Matt at sumununod sa waiter kong nasaan ang mga magulang namin, nagulat nalang ako nang hawakan niya ako sa bewang habang patungo sa lamesang naka reserve na para sa amin.
Pumasok kami sa isang VIP at nakita ko doon sina Tatay na kumakain na at nagtatawanan pa.
Pagkapasok namin ay sabay sabay nila kaming nilingon bago nagsalita si Tito Theo."Andito na pala ang mga bata saan kayo galing akala namin nagsarili na kayo." Saka sabay sabay silang nagtawanan.
Ako na sana ang sasagot pero naunahan ako ni Matt."im sorry po may dinaanan lang po kami ni Kaye. Sabay tingin nito sa akin.
Ipinaghila pa ako ni Matt na upuan bago siya umupo sa tabi ko medyo naiilang ako sa ginagawa niya dahil kaharap namin ang mga magulang namin.
Agad kong sinumulan ang pagkain, dito ko na lamang itutuon ang atensyon ko.Napatunghay nalang ako nong nagsalita si Tita Matilda.
"Kaye, Matt saan ba kayo galing nahuli tuloy ako sa pagkain tapos parang gutom na gutom kayo."
Medyo napahiya pa ko dahil sa dinabi ni Tita."Ah dyan lang po sa bagong Milk Tea shop oorder sana kami kaso madaming tao next time nalang po siguro."
"Ohh i see sige na finish your food na para maka punta na tayo sa next destination natin."
Napa isip ako next destination? Saan kaya kami pupunta? Gusto ko nang umuwi para makapag isip at magpahinga. Nasa ganon akong pag iisip nang magsalita si Matt. Kaya naman nakuha niya ang atensyon naming lahat.
"Bago po tayo pumunta sa next destination natin may announcement po ako."
Naka kunot noo ko itong tiningnan nagtataka kong ano kaya ang annoucement na yun?
"Mom, Dad, Tito ang Tita gusto ko lang pong malaman ninyo na nililigawan ko si Kaye."
Sa sobrang gulat ay nabitawan ko pa ang kutsara na hawak ko at tumingin kay Matt. Kitang kita ko ang saya sa mukha niya pagkatapos niyang sabihin yun.
Lahat naman sila ay nakatingin lang sa amin ni Matt nakangiti pa na parang kilig na kilig sa amim. At saka lng nagsalita si Tito Theo.
"Anak Im so proud of you marunong kang pumili ng nararpat at bagay sayo."
"Salmat po Dad."
Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko kahit na gusto kong tumutol dito dahil di pa naman ako pumapayag na ligawan niya ako.
please follow for updates thanks and labyaaahh❤️❤️❤️