Chapter 7

2065 Words
LQ Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko ito kasi ang araw nang pag aayos ko ng requirements sa pag alis ko. Mumukat mukat akong bumangon at naghanda para sa lakad namin ngayon ni Tatay. Masakit pa din ang ulo ko kahit mahaba na ang naipahinga ko. Pagkatapos kong maghanda ay mabilis akong bumaba para makakain na at maka alis kami ng maaga para ma aga din kaming matapos. Pag ka baba ko ay naririnig ko na ang boses ni Manang at Nanay marahil ay nag hahanda na ang mga ito para sa agahan. Pagpasok ko sa kusina ay nagulat ako dahil hindi lang sila Nanay at Manang ang tao doon.Andito si Tita Matilda naka ngiti sa akin habang papasok ako ng kusina. "Good morning hija" paunang bati ni tita matilda sa akin. Ngumiti ako dito bago sumagot "good morning din po tita" lumapit na ko sa lamesa at binati din sina Nanay bago ako naupo. "Anak dinaanan ako ng tita matilda mo sabay na kami pumuta sa office." Nakatingin sa akin si tita matilda at nakikita ko sa mga mata nito ang kagustuhang magtanong ngunit nanatili lang itong tahimik. Tumungo ako at pumikit bago magsalita "thank you Tita Matilda sa pag daan dito" nakangiti ako habang sinasabe ito kay tita. Matiwasay na natapos ang agahan namin dito din nag agahan si Tita Matilda, magpapa alam na sana ako para kunin ang gamit ko sa taas nang nagsalita si Nanay. "Anak wait pwede bang samahan mo muna si Tita Matilda mo sa sala mag reready lang ako saglit naliligo pa naman ang tatay mo." "Matilda si Kaye na muna ang bahala sayo mabilis lang ako huh." Hindi ka agad ako sumagot dahil sa totoo lang ay nahihiya ako kay tita matilda dahil nga sa nangyare sa amin ni Matt. "A-ah sige po Nay ako na po bahala kay tita"ngumiti ako kay Tita Matilda at sinamahan ito papunta sa sala. Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko, tumingin naman ako kay Tita Matilda at ngumiti "Tita I'm perfectly fine wag kana po mag alala sa akin." "Nasabi na sa akin ng Nanay mo na aalis ka para mag aral abroad. Nag punta ako dito para makita kita bago ka umalis bakit di mo sinabe sa akin na aalis ka pala?" Nasasaktan ako lalo dahil nakikita ko si Tita Matilda na nag aalala sa akin at alam kong nasasaktan din ito. Natatakot kasi ako na baka pag sinabe ko kay tita na aalis ako ay sabihin nito kay Matt. Ayoko malaman ni Matt kong saan ako pupunta dahil natatakot ako na baka puntahan ako nito at paki usapan nanaman na ayusin ang nasira naming pagkakaibigan. Hindi ko pa kayang makipag ayos kay Matt dahil mahal ko pa siya siguro ay magiging ma ayos din kami pag naka limot ako. "Yes po tita aalis ako para doon mag aral kay tita charie po ako magstay matagal na niya itong ino offer sa akin at ngayon lang po ako nakapag desisyon." "Im so sorry po tita kong di ko sinabe sa inyo natatakot po kasi ako na baka pag nalaman ninyo ay sabihin ninyo kay Matt na aalis ako." Hindi agad nagsalita si tita matilda at alam ko na ang ini isip niya alam ni tita kong bakit ako nag desisyong umalis. Hindi naman kasi lingid sa ka alaman ni tita ang nararamdaman ko kay Matt alam niya na mahal ko ang anak niya. Ngumiti ito sa akin bago nagsalita. "Kaye im so sorry dahil kay Matt ay kinailangan mo pang lumayo alam kong siya ang dahilan kaya ka lalayo." Unti unti ko na namang nararamdaman ang pag patak ng luha sa mga mata ko. Tama si tita matilda lalayo ako dahil di ko na kaya ang sakit at hirap na nararamdaman ko nagbabaka sakali ako na baka sa desisyon ko ito ay makakalimot na ako. Lumapit ako at niyakap si Tita Matilda at agad naman akong ginatihan nito ng mahigpit na yakap. "Tita maraming salamat po sa lahat may isang bagay lamang po ako gustong hilingin bago ako umalis." "What is it hija tell me i do it for you" "Tita promise me na hindi ninyo po sasabihin kay Matt kong saan ako pupunta." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Tita Matilda pero agad din naman itong napawi at saka ngumiti. "Sige hija kong yan ang gusto mo mas mabuti na nga siguro na lumayo ka para sa pagbalik mo ay mayos kana." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tita Matilda alam ko kasi na may isang salita ito at may tiwala ako dito na di niya sasabihin kay Matt kong saan ako pupunta. Namayani ang kwentuhan sa amin ni Tita Matilda at maya maya pa ay bumaba na ang Nanay ko at nag pa alam na ang dalawa na aalis na sila. "Anak asa taas pa ang tatay mo may ina ayos pa yata mauuna na kami ng Tita Matilda mo huh ingat kayo." "Sige po Nay ingat po kayo, Tita Matilda thanks po at ingat po." "Sige hija ingat din kayo ni Ric" Naiwan na lamang akong mag isa sa sala habang hinihintay si tatay bumama na alala ko bigla na asa kwarto pa pala ang mga gamit ko. Umakyat ako para kunin ang mga gamit ko, dinaan ko na din si Tatay para maka alis na kami. Asa harap na ko ng kwarto nila Tatay para kumatok nang biglang bumukas ito nagulat pa kami ni Tatay sa isat isa. "Naka alis na po sina Nanay at Tita kaya umakyat ako para kunin ang mga gamit ko at dinaanan ko na din kayo para maka alis na po tayo." "Sorry anak kong medyo natagalan ako sinagot ko lang ang mga tawag galing sa office at nga pala anak daan muna tayo sa SGC may kailangan kasi akong pirmahan urgent files." "Yes po Tay ok lang po ma aga pa naman at kaunti na lang naman po ang kulang puro sa school nalang po." "Ok anak let's go" Namayani ang katahimikan sa byahe namin ni tatay dadaan muna kami sa SGC dahil may urgent files na kailangang pirmahan si Tatay. Medyo malapit lang ito sa bahay namin kaya nakarating kami agad di na lang ako baba ng sasakyan kasi mabilis lang naman si Tatay. Kaso ay napilitan din akong bumaba ng sasakyan dahil gusto daw akong makita ni Tito Theo(Daddy ni Matt). Nang makarating kami sa entrance ay agad kaming pinapasok ng guard kilala na din kasi ako rito kaya kahit ako lang minsan ang pumupuntan dito ay nakakapasok pa din ako. Naglalakad kami papunta ng elevator at bawat makakasalubong namin ay binabati kami. Nasanay na din siguro ang mga empleyado dito sa akin dahil bata pa lang ako ay parati na akong pumu punta dito. Pag ka pasok namin sa elevator ay panay pa rin ang bati ng mga empleyado sa amin ni tatay , sa 25 floor kasi ang opisina ni tatay. Tahimik lang ako na naghihintay na makrating kami sa office ni tatay panay ang bukas sara ng elevator sa bawat floor na madadaanan. Medyo masikip na nga mabuti nalang at malapit na kaming lumabas. Paumatak na ang numero sa 25 ay lumabas na kame. Ganon pa din panay pa din ang bati ng mga empleyado sa amin. Ako naman ay panay din ang ngiti at bati sa mga ito. Nang makarating kami sa office ni tatay ay bumungad agad ang sekretarya nito si Ms.Joy binati nito kame. "Good morning po Sir sorry po kong na abala ko ang leave ninyo urgent po kasi asa table po ninyo ang files." "Thank you Ms. Joy" sagot naman ni Tatay sa sekretarya niya. Napagpasyahan ko na wag nalang pumasok sa loob at maghintay nalang sa waiting area. "Tay dito nalang po ako maghihintay." "Ahh anak sa loob kana lang dadaan kasi dito si Tito Theo mo." Kinabahan ako bigla sa sinabe ni Tatay baka kasi kasama ni Tito Theo si Matt. "Sige po Tay sino po pala kasama ni Tito Theo?" "Ahh di ako sigurado pero baka si Matteo kasi andito na si Tita Matilda mo, bakit mo pala natanong?" "Ahh wala po Tay" Umupo ako sa couch sa gilid ng office table ni Tatay inilabas ko ang cellphone ko para mag bukas ng social media pangtanggal ng inip. Mukhang magtatagal pa kame dahil may kausap pa si tatay sa telepono habang binabasa ang mga papeles. Habang nag sscroll ako ay siya namang bukas ng pinto di ko na pinag abalahan tingnan dahil baka si Ms.Joy lang yun humingi kasi ako dito ng juice. Nagulat nalang ako noong narinig ko ang boses ng pumasok sa opisina ng tatay ko. Tiningnan ko ito at tama nga ako si Tito Theo kasama si Matt, di ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang naktingin kami ni Matt sa isat isa. Natauhan lang ako nang magsalita si tatay.OMG tulala na pala ako gaga ka talaga Kaye. "Anak di mo ba babatiin si Tito Theo mo?" "A-ah sorry po good morning po Tito Theo" sabay lapit ko dito at nag mano. Naka ngiti naman sa akin si Tito Theo sa gilid naman nito ay si Matt. Nakatingin ito sa akin pero walang emosyon akong nakikita sa kanya "Good to see you hija, lalo ka yatang gumaganda di ba Matt."Sabay siko nito kay Matt. Ngumiti ako kay Tito Theo bago sumagot."hindi naman po tito." "No hija totoo naman tingnan mo si Matt natulala na sayo di na nakapagsalita." Napawi ang ngiti ko at timingin kay Matt at ito nanaman ang mabilis ng t***k ng puso ko. Ini isip ko kong totoo ba na nagagandahan ito sa akin o hindi. Nagising lang ako sa katotohanan nag tumighin si Tito Theo. "Ehemm baka matunaw kayong dalawa sa ginagawa ninyong titigan. By the way bagay kayong dalawa." Peki akong tumawa at sumagot kay Tito Theo sabay tingin ko kay Matt "ano ka ba Tito were just friends di ba Matt." Nagulat nalang ako sa isinagot ni Matt aa amin. "No were not just friends Kaye diba meron tayong special feelings sa isat isa pero din pa natin napapag usapan." Napawi ang ngiti sa labi ko pakiramdam ko ay namutla ako sa mga sinabe niya sumasabay pa ang puso kong walang tigil sa pag t***k. Hindi tinatanggal ni Matt ang tingin niya sa akin ako na ang kusang nag alis ng tingin dito dahil di ko na kinaya ang mga titig niya sa akin. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala ni isang salita akong maisagot sa kanya nalilito ako sa mga sinasabe niya. Si Tito Theo lang ang bumasag sa katahimikan. "Ang sweet ninyo hahaha." Nagulat nanaman ako sa sinabe ni Tito Theo nagtataka ako kong bakit ganito ang mga sinasabe niya. Nahihiya akong tumingin kay tatay at ngumiti bago magsalita "Tay ako nalang po ang pupunta sa school mukhang mag bobonding pa kayo ni Tito Theo." Kahit di pa sumasagot si Tatay ay mabilis kong kinuha ang bag ko at magpapa alam na sana sa kanila pero pinigilan ako ni Matt. "Wait lang Kaye di ba wala ka namang class ngayon?" Naka kunot ang noo kong tiningnan ito pano niya nalaman na wala akong klase ngayon pareho kami ng pinapasukan pero magkaiba naman kami ng curso. "May aayusin lang akong importante" "Gusto mo samahan na kita para di kana mag taxi dala ko naman ang kotse ko tara na lets go." Naiinis ko siyang tiningnan at sinagot "No it's ok i can manage at tsaka kakarating lang ni Tito Theo mukhang mag bobonding pa kayo." "It's ok hija, sige na Matt samahan mo na si Kaye mukhang kayo dalawa ang dapat mag bonding hahaha."sabay tawa ni Tito Theo. Hindi ako sumasagot dahil ayoko naman talaga makasama si Matt at isa pa ay malalaman niya na aalis ako kong papayag ako sa gusto nito. Ilang segundo ang lumipas nang muli na namang tumawa ng malakas si Tito Theo. "Hahaha mukhang may LQ ang mga bata Ric bakit di nalang muna tayo mag bonding lahat." "Kaye anak ipagpaliban mo nalang muna ang lakad mo may ibang araw pa naman." Sagot naman ni tatay . Humarap ako kay Tatay at ngumiti nakikita ko ang nakiki usap niyang mga mata na ipagpaliban muna ang pag aayos ko ng mga dapat ayusin. "Sige po next time ko nalang po aayusin." Please follow for updates thanks and labyaaahh❤️❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD