Chapter 6

1280 Words
Final Decision Nagising ako sa malakas na katok sa labas ng kwarto ko. Mumukat mukat akong bumangon para buksan ang pinto.Nakatulog na pala ako sa sobrang pag iyak kagabe. Bumungad sa akin ang nanay ko sa labas ng kwarto ko. "Anak pinapagising ka ng tatay mo may gusto dw siyang itanong sayo." Kumumot ang noo ko sinabe ni nanay napa isip ako kong ano ang gustong itanong ni tatay nang biglang pumasok sa isip ko ang itinawag ko kay tita charie kagabe. "Sige po Nay susunod na po ako sa baba." "Sige anak" Nakangiting tumalikod si Nanay sa akin, ako naman ay nag sara ng pinto at pumasok sa cr para makapaligo na. Hindi ko pa naiisara ang pinto ng banyo nang umalingawngaw ang malakas na tunog ng phone. Lumabas ako at kinuha ito sa side table ko pag angat ko ay nakita ko ang pangalan ni tita matilda (mommy ni Matt). Nag dadalawang isip ako kong sasagutin ko ba ito o hindi pero nakita ko nalang ang sarili ko na sinagot ito at nilagay sa tenga ko. "Hello po Tita"paunang sagot ko dito. "I'm glad you answer my call hija tumawag ako kasi nag aalala ako sayo sinabe sa akin ni Matt ang nang yare sa inyo kagabe." Hindi agad ako nakapag salita hindi ko alam ang sasabihin ko kay Tita Matilda kahit na alam naman nito ang tunay ko nararamdaman sa anak niya. "Hija are you okay?" Nagising ako sa katotohanan nang biglang nagtanong si Tita Matilda "yes po tita ok lang po ako salamat po sa pag tawag" "Kaye I'm sorry nang dahil kay Matt nahihirapan ka." "No tita wala pong kasalan si Matt ako po ang may kasalanan kong bakit ako nasasaktan ngayon." "Kaye anak alam mong hindi ibang tao ang turing ko sayo kaya nga nasasaktan din ako kasi nasasaktan ka." Unti unti kong naramdam ang luhang tumutulo sa pisngi ko pero mabilis ko itong pinahid at tumighim. "Tita wag kana pong mag alala sa akin magiging ok din po ako hindi pa po ngayon pero dadating po ang panahon at makakalimot din po ako." Rinig na rinig ko ang pag hinga ng malalim ni tita tanda na nahihirapan din ito. "Ok hija basta tawagan mo ko pag may problema ka pag gusto mo nang makaka usap andito lang ako. Bye" "Bye po tita salamat" at ibinababa ko ang phone ko sa side table ng kama ko muli akong umupo sa kama at napahawak sa dibdib ko. "Kaya ko to hindi ang nararamdaman ko kay Matt ang sisira sa akin" paulit ulit kong sinasabe sa sarili ko. Huminga ako ng paulit ulit at muling nag tungo sa cr. Pag katapos ko maligo ay bumaba na ko at dumiritso sa dining area. "Good morning po Tay, Nay sabay hila ko nang upuan sa tapat ni Nanay, sasandok na sana ako ng pagkain nang nang salita si Tatay. "Anak tinawagan ako ng Tita Charie mo at sinabe niya sa akin na tumawag ka sa kanya." Tumigil ako nang pag kuha ng pagkain at sumagot kay Tatay."opo tinawagan ko si tita igagrab ko na yung offer niya sa akin sayang naman po kasi." Parehong natigilan ang mga magulang ko sa sinabe ko nakatingin sila sa akin na parang binabasa ang ini isip ko. Kaya naman muli akong nagsalita. "Tay , Nay naisip ko po kasi na mas maganda komg doon ako ga graduate mas marami opportunity ang makukuha ko." Muling nag salita si Tatay. "Sure kana ba sa desisyon mo Anak aba ay noong naka raang taon ay halos ayaw mong magpunta doon para tapos ngayon ay biglang mag babago ang isip mo?" Tama naman si Tatay ayaw ko talaga mag aral doon noon dahil ayaw kong mapawalay kay Matt. Pero iba na ngayon kailangan ko na siyang iwasan para makalimot at maka pag bagong buhay na ko. "Noon po yun Tay pero ngayon po gusto ko na buo na po ang desisyon ko and next sem na po ako lilipat mag aayos na din po ako ng requirements ko bukas" "Wait lang anak bakit parang ang bilis naman yata hindi ba pweding next year kana lumipat"tanong naman ng nanay ko. "Nay mas maganda po kong doon ko tatapusin ang 2nd year ko para po maka habol ako sa pinag aaralan nila doon." "Tama ang anak mo darling dapat ay doon niya matapos nag 2nd year niya para di naman siya mangulilat."sagot naman ni tatay. "Salamat Tay" sagot ko dito dahil alam ko na agad na payag na ito sa gusto ko. "Walang kaso sa akin anak dahil gusto ko naman talaga ang best para sayo." Alam kong malulungkot sila dahil matagal ako bago maka balik dito pero mas mabuti ito sa akin at sa pag aaral ko, dual purpose ito, lalayo ako para makalimot at lalayo rin ako para sa future ko. Pagkatapos ng agahan ay napag usapan nina tatay at nanay na mamili ng mga dadalhin ko pa alis. Konti nalang naman ang mga kulang dahil madami pa kong mga bagong gamit. Pasakay na kami sa sasakyan ng nang vibrate ang phone ko, kinuha ko ito sa bag ko para i check. Nagulat ako nang makita kong sino ang nag text.(Si Matt) Di ko ito bunuksan dahil wala nanaman kaming dapar pag usapan nag pa alam na ko sa kanya at nag pa alam na din siya sa akin. Habang nasa byahe papunta sa Mall ay nagsalita si Tatay"anak nag file kami ng leave ng Nanay mo sasamahan ka namin bukas para madali mong matapos ang requirements mo " "Thank you po."Naiiyak ako sa sobrang supportive ng mga magulang ko sa akin maswerte talaga ako na sila ang mga magulang ko. Pag karating namin sa mall ay agad king nag punta sa department store para makapamili nang mga kailangan sa pag alis ko. Matapos ang mahabang pamimili ay kumain naman kami sa paborito naming resto. Maganda nga ito parang bonding na din namin ng parents ko dahil siguradong matagal na ulit kami bago magkita. Pagkauwi namin sa bahay ay umakyat muna ako sa kwarto para magpahinga at magbihis na din. Kakaupo ko pa lamang sa kama ko nang may biglang kumatok agad naman akong sumagot."pasok po" Bumungad sa akin si Nanay at lapit sa kinaroroonan ko. "Anak gusto ko lang malaman mo na proud ako sayo at sa kong anong meron ka ngayon." Nakatitig ito sa akin habang sinasabe ang mga katagang yan minsan lang ako purihin ni Nanay dahil madalas ay mag ka away kami nito. "Nay thank you po lalo na sa mga bagay na naibibigay ninyo sa akin ni tatay promise ko po na gagalingan ko pa lalo para lalo kayong maging proud." Lumapit ito sa akin at yumakap mabilis ko naman itong niyakap din "Nay babalik pa naman po ako matagal nga lang nang konti, aalis po ako para sa future natin para pag balik ko mag papahinga nalang po kayo ni Tatay at ako naman ang bahala sa inyo." Nararamdan kong umi iyak na ito ka naman mabilis kong hinagpos ang likod nito. Bago ulit ito nag salita. "Hindi kana ba mapipigilan anak parang di ko yata kaya na wala ka dito." Unti unti kong nararamdaman ang pag patak ng luha ko kaya mabilis ko itong pinahid bago magsalita. "Nay dalawang taon at kalahati lang po akong mawawala pwede naman kayong dumalaw doon." Kumawala ito sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Nakangiti itong habang nakatitig sa akin. Bago ulit nag salita. "Basta lagi mong tatandaan na proud kami sayo anak. Sige na at bababa muna ako para mag handa ng hapunan natin." "Sige po Nay." Please follow for updates thank you and lab yaahh.❤️❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD