Saying Goodbye's
"Kaye come back here!"
Narinig kong sigaw ni Tatay sa akin pero di ko ito pinansin at nag madali akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Mabilis kong isinara ang pinto ng kwarto ko at sumandal dito. Hinihingal akong umupo sa sahig at niyakap ang mga hita ko habang umi iyak.
"Pagod na kong masaktan ayoko ko nang masaktan pa" bulong ko sa sarili ko, siguro ito na ang tamang panahon para maka iwas sa kanya.
Tumayo ako at lumapit sa side table ng kama ko i-on ko ang phone ko at mabilis na tinawagan ang pakay kong tao. Naka dalawang ring lang ay sumagot agad ito.
"Hello Tita Charie"
"Kaye? Ohh bat napatawag ka may problema ba?
Huminga ako ng malalim bago nag salita"wala po mangangamusta lang po ako at na miss ko din kayo tita".
Hindi agad sumagot si tita siguro ay nag tataka sa biglaan kong pag tawag
kadalasan kasi ay sa Skype or Video Call ako tumatawag hindi kagaya ngayon na sa mismong number niya ako tumawag.
"Tita anjan pa po kayo?" Tanong ko nang ilang sigundo na ay di pa ito sumasagot.
"Yes hija andito pa ko ohh kamusta kana? Bakit nga pala sa phone number ka pa tumawag mahal pa naman ang international call."
"I'm fine tita may free call kasi ako sayang naman kong di ko gagamitin"
pagsisinungaling ko dito ayaw ko lang talaga makita niya ang hitsura ko.
"Oww I see nga pala kamusta si Kuya at Ate anjan ba sila ngayon pwede ko ba silang maka usap."
"Yes tita andito sila pero may bisita si tatay ehh, by the way tita may kailangan po kasi ako sa inyo kaya din ako tumawag."
"Ahh ano yun hija, just tell me everything you need."
"Tita tungkol po ito sa offer mo sa akin last year pwede ko pa po bang i grab."
"So gusto mo nang mag-aral abroad? Totoo ba yan hija or pina prank mo lang ako hahaha."sabay tawa pa ni tita.
Alam kasi nito kong ga ano ko ka ayaw umalis ng pilipinas. Kahit nga mismong mga magulang ko ay di ako nakumbinsi.
Pero iba na ngayon wala nang dahilan para manatili ako rito gusto ko nang makalimot, gusto ko nang maibsan ang sakit na nararamdan ko at sa tingin ko ay ito ang solusyon sa mga problema ko.
Gusto kong lumayo, I want to ease the pain in my heart at mag bagong buhay yung wala si Matteo Santiago sa paligid ko.
Alam ko kasi na di ako titigilan ni Matt hanggat di kame nag kaka ayos, gusto kong maging ok ulit kami pero di ko pa kaya ngayon siguro ay pag naka pag move on na ko?
"Tita, I'm serious and this is not a prank.I really want to study there.Naisip ko po kasi na baka mas maganda kong dyan ako ga graduate.
"Naku hija tama ang desisyon mo matutuwa ang tito mo pag nalaman niya, by the way alam na ba nina kuya at ate ito?"
Di agad ako naka sagot sa tanong ni tita" di ko pa po nasasabe sa kanila pero don't worry po sigurado naman po ako na papayagan nila ako."
Mahaba din ang napag kwentuhan namin ni tita natigil lang nang may kumatok sa kwarto ko.
"Tita tatawagan nalang ulit po kita may gagawin lang po ako thank you po"
"Sige hija tumawag ka sakin ulit para mapag usapan natin ang pag transfer mo dito bye."
Pinatay ko ang tawag at binuksan ang pinto napa kunot ang nuo ako nang makita kong sino ang kumakatok, napahilot nanaman ako sa aking sendido bago nagsalita.
"What do you want?" Maikling tanong ko kay Matt ayaw ko nang mahaba pang usapan, dahil alam kong di ako nito titigilan.
"Kaye mag usap tayo pag usapin natin to para ma ayos natin alam kong mahirap para sayo pero ayaw ko masira tayo dahil lang may feelings ka sa akin."
Mahigpit kong hinawakan ang door knob ng pintuan at pumikit lalo yatang sumasakit ang ulo ko, unti unti ko nanamang nararamdaman ang kirot sa puso ko.Huminga ako ng malalim at saka nag salita.
"Matt wala na tayong dapat pag usapan nasabe ko na sayo ang nararamdaman ko at nasabe mo na din ang sa akin ang nararamdaman mo at tanggap ko kong ano ako sa buhay mo."
"Hayaan mo sana ako na makalimot sa nararamdaman ko sayo kasi pagod na pagod na kong masaktan, siguro ma aayos natin to pag gumaling na ang mga sugat dito." Sabay turo ko sa dibdib ko.
Hindi ko lang alam kong kelan gagaling ang sukat sa puso ko dulot ng nararamdaman ko kay Matt.
Totoo naman na wala itong kasalanan
di kasalanan ni Matt na mahal ko siya pero kailangan kong umiwas para maka move on ako.
Hindi ito nag sasalita pero alam kong nasasaktan ito nakikita at nararamdaman ko. Nakatitig ito sa akin at pilit ngumiti. Bago nag salita.
"I'm so sorry Kaye, Sorry for hurting your feeling ng dahil sa akin nahihirapan ka at nasasaktan ka , I'll promise to protect you but I failed ako mismo ang nanakit sayo."
"Sorry kong hindi ko kayang ibalik sayo ang pagmamahal na meron ka sa akin siguro nga tama ka, kailangan mong umiwas sa akin para maibsan ang sakit na naidulot ko sayo."
"Wag kang mag alala Kaye ako na ang lalayo hindi na kita guguluhin Promise, pero sana dumating ang panahon na bumalik tayo sa dati..Bye Kaye lagi mong tatandaan na andito lang ako para sayo."
Nakita kong may luhang pumatak sa mga mata ni Matt.Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakayakap na ko sa kanya.
Sobrang sakit sa dibdib na makitang nahihirapan si Matt dahil sakin.Unti unti ako kumawala sa pagkakayakap niya sa akin. Tumingin ako dito at pinahid ang luhang ayaw tumgil.
"Thank you and Good Bye". Pagkasabi ko nang mga salita na yan ay tumalikod na siya at umalis sa harap ko.
Mabilis kong isinara ang pinto at nagmamadaling umupo sa kama hinawakan ko ang dibdib ko at himimas ito uma asang matatangal nito ang skit na nararamdaman ko.
Huminga ako ng paulit ulit, sobrang sakit na talaga parang unti unti na kong pinapatay. Ito na nga siguro ang huli naming pagkikita nagpa alam na na kami sa isat isa.
Humiga ako sa kama at pumikit gusto kong ko nang magpahinga gusto ko na matulog. Nasa ganong pag iisip ako ng unti unti akong lamunin ng antok.
MATTEO POV
"I like you!"
"I like you!"
Paulit ulit kong naririnig ang mga sinabe niya. Parang dinudurog ang puso ko sa itsura Kaye kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya.
Gusto kong saktan ang sarili ko habang nakikita ang sakit sa mga mata niya. Gusto gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa.
Alam kong lalo ko lang siyang masasaktan pag pinilit ko pa siya, tnext at tinatawagan ko siya pero di niya ako sinasagot.
Gusto kong ayusin ito ang pero di niya ako sinasagot sa mga tawag ko sa kanya, kaya naisip ko na puntahan nalang siya sa bahay nila.
Pagkarating ko ay bumusina ako at ilang saglit lang ay nagbukas agad ang guard ng bahay nila.
Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan ko" kuya magandang gabi ho" at nang nakilala ako ay mabilis nitong binuksan ang gate para makapasak ako.
Papasok na ako sa gate para mag park,
pero tanaw ko na si tito Ric sa may pintuan siguro ay itinawag nang guard na nadito ako.
Pagkababa ko ng sasakyan ay sinalubong agad ako ni Tito Ric nakangiti ko itong binati."Good evening po Tito Ric"
"Magandang gabe din sayo hijo diba magkasama pang kayo ni Kaye kanina may nakalimutan ka ba?"
"Ahh wala po gusto ko lang po talagang pumasyal dito and I want to drink wala po kasi si Dad nasa bussiness trip po kaya po kayo ang pinuntahan ko."
"Sure hijo sanday naman bukas at wala din akong gagawin. Let's go inside para makapag dinner muna tayo."
Pag pasok namin sa bahay ay deretso na kami sa dinning area. Nakita ko si Tita na nakangiti sa akin."Good evening po Tita"
"Good evening Matt halika at nang makakain kana tatawagin ko lang si Kaye."
"Sige po tita thank you" gusto kong sasabihin kay tita na ako nalang ang susundo kay Kaye pero pinigilanko ang sarili ko at baka lalong di bumaba pag nalaman na andito ako.
Kwetuhan at tawanan ang namayani sa amin ni Tito Ric. Ilang minuto pa ang naka lipas bago naka balik si tita at kasama na niya si kaye.
Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakatitig ako sa kanya pero nanatili itong naka tungo hanggang sa nagsalita si tito.
"Ohh ayan na pala si Kaye mukhang bagong gising ang prinsesa ko ahh.
Anak andito si Matt. Gusto daw niyang makipag inuman sa akin."
Nanatili itong walang imik hanggang sa humila ito ng upuan sa dapat ko at si Tita naman ang nag salita.
"Hay naku darling maskit daw ang ulo ng anak mo kaya nakatulog na ayaw pa nga niyang kumain pinilit ko lang."
Pero wala pa din ito imik bagkus ay sumandok ito ng pagkain. Nang bigla ulit nagsalita si Tito.
"Kaye di mo man lang ba babatiin si Matt"
Tumingin sa akin si Kaye at ngumiti pero alam kong hindi yun totoo.
"hi di ba gabe na bat andito ka pa?"
Napatigil sa pagkain si Tito at Tita nagulat sa inasta ni Kaye. Kitang kita ko si Tita na nilalakihan ng mata si Kaye senyales na pinapatigil ito.
"Kaye anak ano ba nangyayare sayo bakit ganyan mo kausapin si Matt."
Pananaway ni Tito dito kitang kita kong pumikit ito at tumungo habang hinihilot ang sentido niya masakit nga siguro ang ulo nito. Humarap ito sa akin at nag salita.
"I'm so sorry Matt masakit lang talaga ang ulo ko Nay Tay aakyat na lang po muna ko sa kwarto ko."
Sabay talikod nito sa amin tinatawag ito ni tito pero hindi ito lumilingon at deretso nag lakad. Humarap ako kay tito at nag salita.
"Tito it's ok baka po masakit lang talaga ang ulo ni Kaye"tumingin iyo sa akin at humingi ng paumanhin.
"Sorry Matt sa inasta ni Kaye.
"Ok lang po tito naiintindihan ko po. Pero parang pinipiga na ang puso ko sa sakit alam kong ini iwasan niya ako at alam ko din na nasasaktan ko na siya.
Matapos ang hapunan ay nagyaya na si tito sa sala para maka pag inuman na kami."tito isang bote lang po mag dadrive pa po kasi ako."
"Sige hijo at para maka pag maneho ka pa pauwi."
Marami kaming napagkwetuhan tungkol sa negosyo at sa trabaho nilang mag asawa sa company ng mga magulang ko.
Mabilis naming naubos ang isang bote. Kaya naman medyo natamaan ako ng konti,"tito pwede ko bang puntahan si Kaye sa kwarto niya may sasabihin lang po ako."
Sanay naman ang mga magulang ni Kaye na pumapasok ako sa kwarto nito dahil nga mula mga bata palang kami ay lagi na kaming magkasama.
"O sige hijo mabuti pa nga na puntahan mo yang kaibigan mo mukhang may problema siya nong nakaraan ko pa yan napapansin na parang tulala."
"Sige po Tito aakyat na po ako" pag papa alam ko dito mabilis akong umakyat ng hagdan at nag tungo sa silid ni Kaye.
Dalawang beses akong kumatok bago nito buksan. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya.
"What do you want"
Mabilis akong sumagot at sinabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin pagkatapos kong magsalita ay siya naman ang nagsalita.
Habang nagsasalita siya ay para naman akong pinapatay sa sakit di ko na din maintindihan ang nararamdaman ko.
Nagulat nalang ako nang bigla nito akong niyakap at saka nagsalita.
"Thank you and Good Bye".
Yang mga salita na yan ang huli kong narinig bago ako tumalikod at umalis sa bahay nila.
Nasa byahe ako pauwi sa bahay pero ini isip ko pa din ang mga sinabi ni Kaye. Litong lito na ko sa nararamdaman ko kasi parang gusto ko din si Kaye pero mahal ko din si Max.
Please follow for updates thank you and love yahhh.❤️❤️❤️❤️