ERRICA'S POV.
"Natahimik ka bigla, ma'am Errica?
Diko pa naman sigurado kung si Rex ba ang kausap mo, pero dahil sa reaksyon mo ay kumpirmado.... At dahil lalaki rin ako ay alam ko ang galawan ng kagaya nya, nang makita ko kayo sa loob ng bar kung paano ka nya tinititigan, kung paano sya makipag usap sayo at ang pasimpling paghalik nya sayong nuo, lahat nun ay gawain ng lalaking igagalang ka...
Pero ang boss ko ay iba magmahal at hindi mo pa sya lubos na kilala...
Pero ako iba rin, dahil hindi ako matimpi gaya nila kaya ngayon ay titikman kita at mangangako kang wag magsasalita kundi, papatayin kitang una bago ni boss.."
Naramdaman ko ang takot sa sinabi nitong huli kaya nagpumiglas akong muli pero sinunggaban lang ako nito ng mapusok na halik hanggang sa halos madiin na ako sa sasakyan at maramdaman ko ang pagdikit ng harapan nito sa aking puson...
"C-carlos wag pleasee.."
Naiiyak ko ng pakiusap pero para itong bingi dahil patuloy lang sa ginagawa hanggang sa buhatin akong paharap at ipasok ng tuloyan sa sasakyan.
Nasa gitna ito ng aking hita at nakadagan habang patuloy sa paghalik sa aking leeg, naramdaman ko ang kamay nitong ibinababa ang zipper ng pantalon kaya naalarma akong bigla kaya itinutulak ko ito ng malakas..
"Walang magagawa ang lakas ng babai sa lalaki, kaya wag ka ng pumalag."
Sabi nitong may diin, nanlilisik narin ang mata nito habang inilalabas ang alaga nito sa pantalon...
Wala na akong lakas sa pagtulak dito hanggang sa unti unti ko ring nakikita ang liwanag na papalapit sa sasakyan at maya maya pa ay may humablot rito at naririnig na ang galit na boses ng dalawang lalaki habang patuloy ang mga ito sa pambubugbog.
Bigla pang sumulpot si Nethan sa akin habang nakaayos na ang sarili pero nakasiksik parin sa sulok at takot, naringgan ko ito ng mahinang pagmura saka umalis at ang ingay nilang dalawa ay diko maintindihan hanggang sa nakarinig ako ng putok ng baril na mas ikinatakot ko kaya lumabas na ako ng sasakyan, yakap yakap ang sariling tumakbo habang papalayo sa lalaking nagpaputok ng baril, ngunit ang pakiramdam na nanlalamig ang buong katawan, yumuko ako rito at nakita ang dugong tumatagos sa aking dibdib hanggang sa tuluyan akong napapaluhod...
Ang dalawang paris ng paa ay nasa aking harapan habang until unti kong itinataas ang paningin rito, dumaloy ang aking luha kasabay ng pagputok ng baril sa aking nuo....
******
NETHAN'S POV.
"Nethan!!"
Gulat akong napabangon sa kama habang ang babaing mahal ko ay sinasapo ang mukha, niyakap ko ito ng mahigpit habang nararamdaman panginginig nito...
"Nananaginip ka lang, baby."
Bulong ko rito habang iniaabot ang tubig.
"Paano akong nakapunta rito?
May bumaril sa akin, patay na ako..."
Bulong nito ng mahina kaya halos diko maintindihan.
Hinihimas ko ang likuran nito habang pinapahiga ulit, mag aalas dos na ng madaling araw at kailangan parin nitong magpahinga dahil sa traumang natamo.
"Matulog kana ulit baby, bukas nalang natin pag-usapan ang nangyari sayo.."
Bulong ko pa, until unti naman itong pumipikit habang yakap parin ako ng mahigpit...
Pinagmamasdan ko parin ito habang mahimbing ng natutulog saka maalala ang kaninang kaganapan...
FLASH BACK....
Kasama ko ang kapatid kong si Leonn at patungo kami sa bahay ng mamataan ang sasakyan sa gilid ng kalsada hanggang sa ihinto ko ito dahil sa plate number, mabilis akong bumaba saka inilang habang ang lalaking nakapatong sa babai, hinablot ang damit nito saka ko isinubsob ang ulo sa sasakyan at simulang bugbogin.
Inawat ako ng kapatid para ito ang pumalit.
Habang tinutungo ko ang loob ng sasakyan ay abot ang kaba kong si Errica ang nasa loob kaya ng makumpirma ay sinugod ko ulit ang hay*p na lalaki saka ito tinutokan ng baril ngunit paitaas ko itong naiputok matapos sagiin ng kapatid ko...
"Ano, dudungisan mo ang kamay mo ng dahil sa hay*p na yan?!"
Sigaw nito sa akin, diko alam kung anong isasagot rito dahil sa galit na mismong tauhan ko ang hahalay sa babaing kinasama at ang ikinakagalit ko pa ay ipinagkakatiwala ko rito ito upang bantayan..
Ipinasok ni Leonn sa loob ang duguang si Carlos saka dinala sa bahay, ako naman ay tinungo ang babaing nagsusumiksik parin sa sasakyan na takot na takot, inaalo ko ito habang patuloy lang sa pag-iyak...
Makalipas pa ang ilang minutong pananatili sa bakanteng lote ay nadala ko rin sa bahay habang tulog itong buhat buhat ko, kinumutan ng maayos saka bumaba ulit at tinungo ang bahay ni Paul dahil dun dinala ni Leonn ang lalaki...
Pagdating ay duguan na ang mukha nito habang nakaupo at nakatali ang katawan, wala na rin itong lakas at halos hindi narin makapagsalita dahil sa labing pumutok.
Walang buhay ko itong tinutukan ng baril pero pinigil ako ulit ng mga kasama hanggang sa may dalawang lalaki pa ang dumating at kinuha nila ito, nagpasabi si Paul na sila na ang bahalang maglinis sa katawan nito at walang dapat makakaalam...
Binalingan ako ng dalawa na umuwi nalang upang makasama ko ang babai, pagdating sa bahay ay laking gulat ko rin ng sunggaban ako ni Leonn ng suntok sa mukha.
"Kanina pa ako nagtitimpi hindi lang sa lalaking hay*p na yun, kundi pati sayo.
Anong klasing lalaki ka na ipinagkakatiwala mo sa driver lang ang kasintahan mo?!"
"Leonn, hindi mo pa kasi alam-"
"Wala akong pakialam sa rason mo kung nag away kayo o hindi mo na sya gusto!"
Aniya pa na galit na galit, ako naman ay halos di parin maigalaw ang panga dahil sa lakas ng suntok nito.
Walong taon ang tanda ko rito ngunit ang pangangatawan ay halos kapareho ko na dahil sa palagiang paglalagi sa gym.
"Sige na, paumanhin diko na ipakakatiwala sa iba ang kasintahan ko."
"Babalik ako rito bukas!"
"Wag na muna, saka nalang."
Pahabol kong sabi rito pero ni hindi man lang ito lumingon at sakay ng kotse ko ay umalis na ito.
Napapasapo ako sa mukha dahil pag sinabi nito ay gagawin talaga.
Inimbita ko lang ito ngayong araw dahil gusto nitong makilala ang babai ngunit iba pa ang madadatnan nito kaya ganun nalang kung magalit...
Pakiramdam ako ulit sa kwarto at tumabi sa babaing natutulog, hinalikan ko ito sa nuo at naiisip ko ang di pagpansin dito buong maghapon, nakukonsensya rin ako ngunit mas pinangingibabawan ako ng selos sa kaibigan kong may gusto rito.
Pero ang diko pala alam ay ang taong inaatasan kong bantayan ito ay may lihim din palang binabalak.
Hinahalikan ko ito sa labi kahit pa himbing na himbing sa pagtulog, hanggang sa yumakap nalang ako rito at natulog narin....
******
Kinabukasan, maaga palang ay gumising na ako para ipaghanda ito ng makakain, nasa kama palang ito at tulalang nakaupo, nilapitan ko at hinalikan sa labi.
Tiningnan naman ako nito ng walang gana saka ako tinanong.
"H-hindi kana ba galit sa akin?"
"Hindi ako galit sayo, baby.
Pero pasensya kung nangyari sayo ito at dahil yun sa kapabayaan ko, kaya okey lang kung magalit ka, sampalin mo ako at tatanggapin ko."
Sabi ko pa habang hawak ang dalawa nitong kamay, pero imbis na gawin ang iniuutos ko ay yumakap lang ito sa akin saka umiyak ng umiyak.
Pinatatahan ko ito saka ipinapaliwanag na wala na ang lalaki at sinisiguro ko na hindi na kailanman babalik...
Maya maya pa ay may bumusinang paulit ulit at alam kong si Leonn na iyon kaya ipinapaalam sa mahal ko ang pagdating nito at kung maari ay bababa muna ako.
"Maari rin ba akong bumaba?
G-gusto ko lang din magpasalamat sa kapatid mo."
Sabi nito na tinititigan ko pa.
Sa totoo lang ay ngayon ko lang din maiisip na kailangan palang diko na ito ipinapakita sa iba lalo na sa lalaki.
"Dito kana lang at magpahinga."
"Gusto ko syang makausap kahit saglit."
Wika pa nito ulit kaya wala na akong nagawa kundi isama nalang ito...
Pagkababa ay nakatayo na ang kapatid ko habang titig na titig sa mahal ko, di nito inaalis ang tingin kahit pa nakalapit kami kaya tinabing ko ang sikmura nito...
"A-ah, magandang araw a-ate?"
Wika nito na ngumiwi pa saka ako tinitigan.
"Oo, ate mo sya, kaya itigil mo yang kakatitig mo kung ayaw mong magkalimutan tayong magkapatid."
Bulong ko rito, ngumisi naman ito saka binalingan ulit ang katabi ko.
Abat!?
"Pasensya na sa pagtatanong pero maayos na ba ang pakiramdam mo, Errica?
Gusto mong magpatingin sa doktor-"
"Ate mo nga sya."
Putol ko pa sa sinasabi nito.
"Saka pwedi ba, wag mo syang kausapin ng ganyan dahil responsibilidad ko na yun."
Dagdag ko pa, bumuntong hininga naman ito at ni hindi ako tinitingnan na sa katabi ko lang ang titig.
"Maraming salamat, dahil pinigil mo si Nethan na huwag mabaril ang lalaking yun dahil ayukong makulong ito."
Aniya mahal ko na tumitig na sa akin, ang kapatid kong si Leonn naman ay umayos ng upo saka palipat lipat ang tingin nito sa amin.
"Walang anuman...
At kung ganun maayos kana rin, suhestyon ko sana na ilipat kana ni kuya sa condo nya?
Hindi kasi maganda na pinanatili kanya rito."
"At sino ka para kumandohan ako sa gagawin?
Kuya mo parin ako, ha Leonn."
Seryusong sabi ko rito habang nagkakatitigan kami ng masama...
Natapos ang usapan na tungkol sa paglipat lang pala namin ang ipinunta nito, nasa gate kami at nagpaaalam ito.
"Diko alam kung saan mo nahanap ang batang kasintahan mo, kuya."
Seryuso nitong sabi habang sinusuot ang helmet.
"Kamusta si Aryana?"
Tanong ko imbis na sagutin ito, kaya ngumisi pa.
"Ang magaling nating kapatid ay malapit ng magtapos at magiging police na raw."
Aniya, isa rin yun na mabuti nalang at di nito kasama dahil siguradong uupakan rin ako pag nalaman ang nangyari, lalo pa't may pagkatigasin din ang kapatid naming yun.
"Mabuti kung ganun, ikamusta mo nalang ako..."
"Ang alam nun ay nasa America ka. Kaya nga di kita binabanggit dahil pag nalaman nya ay gugulohin ka nun dito."
Aniya pa Leonn...
Nang matapos ang usapan namin ay umalis na ito, pumasok naman ako at tuloy tuloy sa kwarto, nadatnan ko itong nakahiga sa kama habang humaharap na sa akin.
Hinalikan ito saka ko kinausap ulit tungkol sa paglipat at gaya kanina ay pumapayag nga ito...
Hinalikan ko ito sa labi at sinisimulang alisin ang botones ng damit, pero pinigilan ako nito hanggang sa magsalita ng saka nalang kami magsiping kong maaari.
Nagpasya akong igalang ito at mabuti siguro kung ipasuri korin sya sa doktor....