TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 05 : Bully-5
_______________________________
Seanica POV
*Booooogssshhh*
Sinipa ko ang pintuan ng cafeteria dahilan matahimik ang lahat at mapatingin saamin.
Isa sa rason kung bakit ko sinipa, para matahimik.
Tiningnan ko ang paligid at napansin kong may dalawang lalake at dalawang babae sa may gitna ng cafeteria habang may dalawang nerd sa kanilang harapan.
Sila yung Bully-5 na nasa room namin ah? Mukhang may nagaganap na pang-aapi dito.
Naglakad ako papalapit sa kanila habang kasunod ko sila Xeanel.
Kanina ko pa napapansin, mukhang ang tahimik nila? Oh well, mas maganda yun.
"Ano ang ginagawa ninyo?" mahinahong tanong ko ng makalapit kami sa kanila.
Humarap saakin ang isang babae na kanina lang sinabihan si ma'am na 'So?'
Tumaas ang kilay nya.
"Wala kang pakealam at isa pa hindi mo ba kami kilala?" mataray na tanong niya.
"I have and why do I need to know you?" sagot ko sa tanong nya na naging dahilan ng pagkainis niya
"Umalis ka na nga dito! Kung ayaw mong maging miserable ang buhay mo" sigaw saakin ng isang pang babae. Magkasing tangkad lang sila ng isang babae pero mahaba ang kanyang straight na buhok.
Nakita kong ngumisi ang dalawang lalaki at ang dalawang babae saka humarap sila sa dalawang babaeng nerd.
"Seanica, umalis na tayo dito" medyo iritang sabi ni Bellear.
"Maghanap na kayo ng table, pagsasabihan ko lang sila" seryosong sabi ko.
"Bu--"
"Just go" pagpuputol ko sa sasabihin ni Yeoneun.
Tiningnan muna nila ako bago sila umalis maiban kay Xeanel na nagpaiwan sa tabi ko.
"Ano ba kayong dalawang nerd?! Diba sinabihan namin kayong wag na wag nyo kaming babanggain?!" nakangising sabi ng isang lalake
"Sorry po, hindi na po talaga mauulit Ice" sabi ng isang nerd na nakaluhod at basang basa.
Mukhang nabuhusan siya ng kung anong likido man yan.
"No! Kailangan nyo tong pagbayaran HAHAHA!" sabi naman ng isa pang lalake.
"Kahit ano po! Basta lang po patawarin nyo po kami Ace" sabi naman ng isang nerd habang inaalalayan ang kasama niyang nabasa.
Nakit kong ngumisi ang dalawang babae at dalawang lalake.
"Dahil sa natapunan mo ako..." sabi ng babaeng maikli ang buhok at lumapit sa kanila.
"Ikaw!" turo nya sa babaeng hindi basa.
"Hubarin mo ang uniform mo at ibigay saakin"
Biglang nanlaki ang mata ng babae at nanginginig na hinawakan ang kanyang t-shirt.
Hayys. Bakit ganito mga estudyante dito?
"Stop"
Hindi na siguro natiis ni Xeanel kaya pinigilan nya ito.
Lumakad kami sa pwesto ng dalawang nerd at tinulungan silang itayo.
"Samahan mo na sya sa cr" sabi ko sa babaeng pinapahubad.
"Salamat po" sabi nya at umalis sila.
Nakita ko namang nainis sila sa ginawa ko.
"Diba sinabihan na kitang wag kang mangengealam?!" inis na sabi ng isang babaeng mahaba ang buhok.
"Wala kayong karapatang gawin iyon. Mayaman naman kayo. Bakit kailangan mo pang manghiram?" seryosong sabi ko habang nakataas ang kilay.
"How dare you! Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo b***h!" sabi ng babaeng maikli ang buhok.
I guess, Syra Mae is her name dahil na rin sa EG na suot ko, nalaman ko ang pangalan niya.
"Then tell me, para malaman ko Syra Mae" mataray na sabi ko.
Sasampalin na sana niya ako ng mahawakan ni Xeanel ang kamay nya.
"Mali ka ng kinakalaban mo miss" malamig na sabi ni Xeanel.
Inis na binawi ni Syra Mae ang kanyang kamay.
"At bakit naman?! Isang hamak na transferees lang kayo! Hindi nyo ba alam na anak ako ng may ari ng school na ito?!!" galit na sabi ni Syra Mae dahilan mapangisi ako.
"Yeah, so umalis na kayo dito kung ayaw nyong makick out" sabi naman ng babaeng mahaba ang buhok. I guess, Syra ang pangalan nya.
Oh? parehas na Syra ang pangalan nila pero ang isa may Mae.
Ginamit pa talaga nila ang anak ng paaralan which is me. Ang kapal.
"I remembered, hindi Syra Mae ang pangalan ng anak ng may ari ng school" ngising sabi ko dahilan mamutla si Syra Mae habang ang kanyang mga kasama ay hindi mapakali.
"Well, don't worry hindi ko sasabihin basta itigil nyo lang to" seryosong sabi ko.
"Ano kami? Tanga?! Kahit sabihin mo hindi sila maniniwala" confident na sabi ni Ice at bigla silang umalis.
Napangisi nalang ako ng magwalk-out sila. Tsk Tsk Tsk.
Umalis na rin kami doon ni Xeanel at saka pumunta kila Bellear.
***
Nandito kami ngayon sa bahay. Kakauwi lang namin galing sa school.
"Ano ba ang ginagawa natin sa school na iyon?" tanong ni Bellear habang kumakain.
"May kailangan lang tayong hanapin" sagot ko sa tanong nya.
"At sino naman sila?" tanong naman ni Yeoneun.
"Yung mga taong may mahika. In 1 year, kailangan may mahanap na tayo" sabi ko dahilan mapatango sila.
"Sa susunod ko nalang sasabihin ang hahanapin pa natin" sabi ko at tumayo saka pumasok sa aking kwarto.
Wala akong ganang kumain. Napahiga nalang ako sa kama at tinanggal ang eyeglasses ko. Matutulog nalang siguro ako.
NAGISING ako ng gabi na. Tumayo ako. Mukhang napahaba na naman ang tulog ko.
Naglakad ako papunta sa balcony at dinamdam ang simoy ng hangin. Pinagmasdan ko ang paligid at napaayos nalang ako ng mapansin kong may isang lalakeng naglalakad papunta sa loob ng gubat. Kung hindi niyo alam, gubat na kasi ang likod ng bahay na ito.
Agad akong lumabas ng kwarto at mabilis nakalabas ng bahay. Hindi naman ako napansin nila Bellear dahil busy sila sa panonood.
Agad akong tumakbo papuntang gubat. Nakita ko ang lalake pero may kasama na siyang isa pang lalake. Medyo malayo na sila saakin kaya maingat akong tumakbo para sumunod sakanila.
Napahinto ako sa pagsunod sa kanila ng makita kong napahinto silang dalawa sa pagtakbo. Agad silang tumingin sa likod kaya mabilis akong nag-invisible. s**t.
Bakit sila nandito?
Nang mapansin nilang walang tao, nagpatuloy sila sa pagtakbo. Ako naman itong sumusunod ay sumunod din.
Tuloy tuloy lang ang pagtakbo hanggang sa makarating kami sa bandang dulo ng gubat. Nakakita naman ako ng isang bahay at pumasok sila doon. Nang isarado nila ang pinto ay agad akong nagteleport sa likod ng bahay. Agad din akong napatalsik. s**t.
May protection.
Hindi ko pa kasi masyado bihasa ang pagteleport kaya hindi ako nakapasok. Tutal nakainvisible naman ako at nakaseal ang presence, kumatok ako sa pintuan.
Bumukas naman ito na naging dahilan para agad ako pumasok. Nang mapansin nyang walang tao, sinarado nya rin ito agad. Sinundan ko sya ng pumunta sya sa sala.
Hindi lang pala silang dalawa. Nandito rin pala sila.
Anong ginagawa nila dito?
"Ano? Wala ba tayong balak bumalik sa Magica Academia?" tanong ng isa sa kanila.
What?!
I-ibig sabihin, magicians din sila?
Sabi ko na nga ba. Tingin ko palang sa kanila, mga magicians.
Mabuti at nakilala ko agad kayo.