TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 06 : Queen Bee
_______________________________
Seanica POV
Isang linggo na kaming nandito sa Mortal World at sa loob ng isang linggo na iyon ay wala pa kaming nahahanap na magicians bukod sa mga nakita ko na.
"Psst! Seanica"
Nilingon ko ang tumawag saakin.
"What?" tanong ko.
Nandito kami ngayon sa classroom namin.
"Ang sungit naman. Tingnan mo yung Bully-5" bulong ni Xeanel sa akin.
Hindi ko pinansin yung unang sinabi ni Xeanel. Tiningnan ko yung tinutukoy niya at nakita kong masama ang tingin nila saamin.
Nakakapagtaka dahil hindi nila kami ginugulo at hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapakita ang isa sa kagrupo nila. Apat pa rin sila hanggang ngayon.
Baka may binabalak ang mga toh...
*Kriiiiing*
Agad na naglabasan ang mga kaklase ko ng tumunog na ang bell. Tumayo na rin kami at lumabas. Dumeretso kami sa cafeteria at saka kumain.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang bumukas ang pinto.
*Booooogsh*
Napatingin kaming lahat kung sino man ang pumasok at ang mga Bully-5 lang naman. May kasama silang babae na nasa unahan at nasisiguro kong siya na yung isa sa kanilang di pa namin nakikita.
Hindi nalang naman iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.
"Well well well"
Napahinto ako sa pagkain ng may magsalita.
"Ito ba yung sinasabi nyong babaeng pumigil sa inyo?" rinig kong tanong nya.
"Yes queen" rinig kong sagot ni Syra Mae.
Wow, queen? Ang galing, may reyna pala dito.
"HAHAHAHA! Nagpapatawa ba kayo? Itong babaeng to? Ang hina ng babaeng yan at isa pa, eww! Isang nerd HAHAHA!" nakangising sabi nya.
Hindi ko nalang pinansin iyon at muling kumain.
"Hey you!"
Napatingin ako sa babaeng toh.
"Wag mong bastusin ang queen bee!" galit na sabi nya sa akin.
Napataas ako ng kilay dahil dun at tiningnan ko sya head to toe pagkatapos ay tumalikod ulit para kumain.
Kumakain yung tao diba niya nakikita? Bastos.
"How dare you?!" rinig kong galit na sabi nya at mahigpit nya akong hinawakan sa braso at malakas na itinayo.
Nakita kong nagulat ang lahat ng tao dito at akmang sasampalin nya na ako ng unahan ko sya sa pagsampal dahilan bigla siyang mapaupo at napaatras ng unti.
Mabilis na tinulungan nina Syra at Syra Mae ang queen bee 'daw' .
"Why did you do that?!"
"Sorry ah? Ang bagal mo kasi, inunahan lang kita" sabi ko at kinuha ang bag ko.
"Nawalan na ako ng gana" sabi ko kila Xeanel at nagsimulang maglakad palabas.
Napansin ko namang sumunod sila Xeanel saakin. Napahinto ako ng may humatak sa buhok ko at sapilitang hinarap. Nakita kong sasampalin niya ko pero nahawakan ko agad ang kamay nya.
Inis na binawi ni Syra Mae ang kamay niya.
"Hindi mo alam ang ginawa mo b***h!" inis na sabi niya.
"Excuse me? Bakit nyo po kinakausap ang sarili nyo?" inosenteng tanong ni Yeoneun dahilan mapatawa ako sa isipan ko.
Nainis naman si Syra Mae dahil dun.
"f**k! b***h! Hindi ako baliw!" galit at inis na sabi niya at sinugod si Yeoneun.
Agad nya sinampal si Yeoneun pero naiwasan naman ito ni Yeoneun. Agad na sinampal ni Yeoneun si Syra Mae dahilan mapahawak si Syra Mae sa pisngi nya. Sasabunutan na sana ni Syra Mae si Yeoneun ng may pumito.
Napatingin kami lahat dun at napabuntong hininga nalang ako ng makita ko ang guard kasama ang guidance counselor.
"Go to my office now!!" galit na sabi niya.
Tiningnan ko ang Bully-5 na ngayon masama ang tingin. Di ko nalang sila pinansin at sumunod nalang sa guidance counselor, ganun din sila.
***
"Alam nyong bawal yan dito ang panggugulo na ginawa niyo kanina, tama?" tanong ni Mr. Dean
Nandito kami ngayon sa guidance counselor office. Nakaupo kami sa isang sofa na nasa kanan samantalang nasa kaliwa naman sila Syra Mae.
"Sila lang naman po ang nanguna, Mr. Dean" sabi ni Bella.
Kanina ko lang nalaman na Bella pala ang pangalan ng queen bee nila.
"Hindi kita pinapahintulutang magsalita" mahinahong sabi ni Mr. Dean sa kanya dahilan mapataray si Bella.
"Kayo naman Miss, bago lang kayo dito pero nasangkot na kayo agad sa g**o" mahinahong sabi ni Mr. Dean saamin.
Napataas ako ng kilay dun at nakita kong napangisi si Bella.
"Pero Mr. Dean, hindi po kami kasama sa away na yun. Bakit nandito kami?" tanong ni Ice
"No, damay pa rin kayo" baling sakanila ni Mr. Dean dahilan matahimik sila.
"Now, explain what happened" biglang sabi ni Mr. Dean
"Lumapit lang po kami sa table nila para makishare Mr. Dean. Tapos bigla nalang sya nanampal" biglang sabi ni Bella dahilan mapatingin ako sakanya.
"It is true?" tanong niya.
"Opo, Mr. Dean. Totoo po yung sinasabi nya. Pati nga po ako sinampal po ako ng babaeng yan" sabi ni Syra Mae sabay turo kay Yeoneun.
"Kapal" rinig kong bulong ni Yeoneun.
"Well..." sabi ni Mr. Dean habang naglalabas ng papel dahilan mapacross ako ng braso ko.
"Mr. Dean, hin--"
"Pwede na kayong lumabas miss Bella" pagpuputol ni Mr. Dean sa sasabihin ni Yeoneun dahilan magsalita ako.
"Excuse me? What about us? Don't you think that it's not fair?" seryosong sabi ko dahilan mapatingin sila saakin.
"What do you mean? It's already clear that you are the one who cause the trouble!"
"Nagsisinungaling lang po sila! Sila po ang lumapit saamin at gumawa ng g**o!" inis na sabi ni Bellear.
"Where's the proof? It's already clear! Look at the face of Ms. Bella, there's a mark of a hand!"
Napapikit na lamang ako sa inis.
"Because I slap her first before she can slap me. Can you blame me for that? She's the one who's started it afterall" sabi ko.
"See? How can I believe that if you are the one who slap her? Anyway, I need to call your parents. Ms. Bella, you can go now"
"Parents lang namin?! What about them?!" inis na tanong ni Mike
"Don't shout at me! Where's your manners?!"
"Hindi to patas! Bakit ba pinapanigan mo sila?!" inis na tanong ni Bellear
"Because we're rich" nakangiting sabi ni Bella at tumayo.
"Oh, so because of the money ah. What kind of people are you!"
Hindi ko na napigilan pa yung inis ko dahilan mapahampas ako sa lamesa dahilan magulat sila.
"Seanica" pagpapahinahon sakin ni Xeanel.
"Who are you?! How can you do that ah?! Baguhan lang kayo dito, ganyan ang ipapakita niyo?! There's no doubt about it! Kayo nga nagpasimula. Hindi ba kayo naturuan ng manners ah?! You little s**t!"
Napahugot ako sa hininga ko dahil sa narinig ko.
What the hell?! Bakit ganito ang guidance counselor dito?!
Tiningnan ko ang pangalan niya at napapikit na lamang ako ng mapagtantong magkamag anak sila ni Bella.
"I see. I see." tatangong tangong sabi ko at sa isang iglap, hawak ko na ang neck tie ni Mr. Dean na ikinagulat nila.
"You're.fired!" gigil na sabi ko na ikinalaki ng mata niya at ikinagulat nila.
"I-ikaw a-ang a--" nauutal na sabi ni Mr. Dean.
"Yes! Now leave!!"
Mabilis na kinuha niya ang kanyang bag at umalis. Huminga ako ng malalim at saka humarap kila Bella na ngayong gulat na gulat sa nangyari.
"You messed with the wrong person, Bella"
_______________________________
Someone POV
Malapit na.
Malapit na ang araw na hinihintay ko.
Makakasama ko na rin kayo. Napapagod na ako sa kakanood lamang kaya natutuwa ako at malapit na tayong muling magkita
Anica...