TPP 2 : Powerful Elements Chapter 20 : Warning! ______________________________ Seanica POV Nandito ako ngayon sa kwarto ni mom. Tiningnan ko syang natutulog ng mapayapa. Halatang pagod na pagod sya. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang noo ni mom. Napaalis agad ang kamay ko ng mapaso ako sa noo ni mom. Fuck. Bakit napakainit ni mom? Agad akong lumabas ng kwarto niya at bumalik sa dining room. Naabutan ko naman silang paalis na. "Seanica?! Bakit natataranta ka?" nag-aalalang tanong ni tita Cass. "Tita! Si mom! Napakainit nya!" natatarantang sabi ko. "Kumalma ka muna. Gagaling ang mom mo. Cass, tumawag ka ng healer" mahinahong sabi ni tito Stein. Tumango si tita Cass at umalis sila ni tito Jack. "Halika hija, puntahan natin ang mom mo" sabi ni tito Stein. Tumango ako at nagsi

