TPP 2 : Powerful Elements Chapter 19 : We're back... ________________________________ Seanica POV "Nakahanda na ba ang lahat? Wala na ba kayong na iwan?" tanong saamin ni Tito na sinagutan lang namin ng tango at iling. "Kung ganun, tayo na't simulan ang ating paglalakbay para maaga ang dating natin doon" sabi ni Tito at naunang maglakad. Sumunod naman kami sa kanya. "Maglalakad lang po ba tayo?" tanong ni Yeoneun kay Tito. "Parang ganun na nga dahil wala akong kakayahang gumawa ng portal. Pagpasensyahan nyo na ako, tanging paggawa lang ng sandata ang kaya kong gawin" sabi ni Tito na humarap saamin. "Pero..." nakasimangot na sabi ni Stacy. "Marunong ako" Sabay silang lumingon saakin nang marinig nilang magsalita ako. "Marunong ka Seanica?" gulat na tanong ni Jack. Tumango lang a

