TPP 2 : Powerful Elements Chapter 34 : The Biggest War _____________________________ Sean POV Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Anica. Nakatulog na ang mga bata. Nung una, hindi pa dapat matatapos ang tanong nila ng hindi na nag-explain pa si Anica matapos nyang sabihin ang 'saakin' Nakaupo ako ngayon at katabi ko si Anica. "Makakaya kaya natin iyon?" tanong nya saakin. "Oo naman. Tayo pa? Ikaw pa? Alam naman nating malalakas tayo. Sigurado tayong matatalo natin sila" nakangiting sabi ko habang nakaakbay saakanya. Yumakap naman sya saakin. "Paano kung hindi nila magawa?" tanong nya. "Wala ka bang tiwala? Saka hindi mo ba nakikita?" tanong ko sa kanya. "May tiwala naman ako sa mga bata. Nag-aalala lang ako. Idagdag pa na hindi ko nakikita ang mga mangyayari ngayong digmaan. I

