TPP 2 : Powerful Elements Chapter 35 : End of War _____________________________ Third Person POV This is it! Nagsisimula na ang digmaang hinihintay ng lahat. Bawat isa ay nakikipaglaban. Sugod dito, sugod doon... Saksak dito, saksak doon... Sabog dito, sabog doon.. At kung ano-ano pang ingay ang maririnig dito. "Tingnan mo nga naman. Kayo pa ang makakalaban namin at worst dito pa? HAHAHAHA" tumatawang sabi ni Bella. Magkaharap sila ngayon ni Seanica. Hindi sya pinakinggan nito bagkus, sinugod siya nito agad. Agad nitong iwinaswas ang sandata nito at mabilis na umatake sakanya. Napaiwas naman siya pero natamaan pa rin siya sa pisngi dahilan magalit siya. "Bwisit ka talaga kahit kailan!" Biglang nagbago ang anyo ni Bella, naging isang demonyo. Mabilis itong umatake kay Se

