“Oh, bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Hindi ko naman pinasabog ang kusina niyo, Pinuno, nagluto lang ako,” natatawang sagot ni Herv sa mag-ama. May pag-aalinlangan man ay kailangan nilang ipaalam kay Herv ang katotohanan. “Herv, alam mo ba ang ibig sabihin ng birthmark na nasa dibdib mo?” tanong ni Dayan. Hindi makasagot ang binata dahil alam niyang darating ang oras na malalaman din nila ang tunay niyang pagkatao. Ibinaba ni Herv ang plato na hawak niya sa coffee table. “Bata pa lang ako, alam ko na ang magiging kapalaran ko. My mother always reminds me to control my temper dahil iyon ang bubuhay sa markang ito," sabi nito sabay turo sa kaniyang dibdib. "She doesn’t want me to be like my father, King Vayumir.” “Wait, you’re a werewolf and not a fey?” paninigurado ni Dayan. “Ha

