Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba.
Tiningnan ko ang oras at ala-una na ng umaga. Kaya imposible na mga magulang ko ang nag-iingay.
Bumangon ako at maingat na naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko.
Unti-unti ko itong binuksan para hindi makagawa ng ingay dahil na rin sa kaba.
Patay naman ang ilaw sa baba.
Baka may magnanakaw na nakapasok?!
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ng mga magulang ko para silipin sila. Ngunit nagulat ako sa bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.
Dugo.
May dugo.
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Tumingin ako sa labas at malakas ang ulan pero bakit hindi ko sila narinig na sumigaw?
Nakahandusay sila sa kama habang naliligo sa sariling dugo. Tumakbo ako papunta sa kanila. Nagsimula nang mamuo ang luha sa aking mata.
Hindi ko alam kung saan ko sila dapat hawakan pero sa mga pagkakataon na iyon, gusto kong maramdaman ang yakap nila.
Magkaharap sila habang magkahawak ang mga kamay. Sinubukan ko silang gisingin kahit alam kong imposible na. Niyugyog ko sila habang umaagos na ang mga luha sa aking mata.
Sino ang may gawa nito?
Nakaramdam ako ng presensya sa pintuan. Nilingon ko ito at tila anino lamang ang nakikita ko.
Labis-labis ang kaba sa dibdib ang nararamdaman ko. Bahagya pa akong lumapit para malinaw na makita kung sino 'yon. Dahan-dahan akong naglalakad. May taong nakatayo roon at puro itim ang kaniyang suot.
Napatigil ako sa paglalakad. Nakatakip ang mukha niya at may hawak na palakol.
Unti-unti siyang lumapit sa akin habang ako naman ay umaatras hanggang sa maramdaman ko ang bintana.
"Sino ka? Bakit mo ginagawa 'to sa pamilya ko?"
Sumugod ang lalaki sa akin habang nakaangat ang palakol at handa na akong tagain pero nakaiwas ako.
Sinipa ko siya sa tagiliran at tumakbo palabas ng kwarto.
Hinila niya ang buhok ko kaya nahawakan ko rin ang ulo niya at binalibag siya saka sinundan ito ng sipa.
Mabilis akong tumakbo pababa. Napahinto ako saglit dahil sa gulo ng mga gamit namin. Pero hindi na ako nag-isip pa at mas binilisan pa ang pagtakbo.
Mabilis akong lumabas ng bahay nang marinig ko ang sigaw niya. Habang tumatagal ay palakas nang palakas din ang boses na naririnig ko at patuloy akong tinatawag.
"Dayan! Dayan! Dayan!" may mapaglaro itong boses.
I ran from that house.
I ran as fast as I could.
I ran until I felt the numbness in my body.
I ran even though I didn't know where I am heading to.
Lumingon ako sa likod ko at nakita siyang hinahabol pa rin ako.
Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko sa kakahuyan na tinatakbuhan ko.
Hanggang sa makakita ako ng maliit na bahay.
Mabilis akong pumasok doon nang marinig ko ang boses niya.
"Dayan? Nasaan ka?! Gusto mo ba maglaro ng tagu-taguan? Sige. Kapag nahanap kita papatayin kita katulad ng ginawa ko sa mga magulang mo!" Nakakatakot ang boses nito.
Malapit lang siya. At mukhang paikot-ikot lang sa sa paligid
Tinakpan ko ang bibig ko. Pinipilit na hindi gumawa ng ingay mula sa pagkakahikbi. Mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa isang sulok ng bahay.
Hindi ko alam kung anong kasalanan ng mga magulang ko sa lalaking humahabol sa akin.
Hindi ko alam kung anong ginawa nila para humantong kami sa ganito.
Tinakpan ko ang tainga ko dahil sa takot habang mahinang umiiyak. Hindi ko na magawang ilibot pa ang tingin dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit nang hindi ko na siya marinig sa labas ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Mas lalo pa akong natakot nang makakita ng pares ng paa sa harapan.
"Surprise! I got you Dayan. Isusunod na kita sa walang kwenta mong magulang." Kita ko ang ngisi sa kaniyang mga labi. Halos namumula na rin ang kaniyang mga matang kita ang galit.
Iniangat ko ang aking ulo kahit na takot na takot ako para makita siya. Nakakatakot talaga ang mga mata niyang nakangising nakatingin sa akin. Hinahanap ko dito ang simula ng galit sa kaniyang mga mata.
Kasabay ng malakas na ulan ang kulog at kidlat na maririnig sa paligid habang unti-unting bumabagsak ang kamay niyang may hawak na palakol sa akin.
"HUWAG!"
Napabangon ako sa higaan dahil sa matinding takot na iyon sa panaginip ko.
Lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko dahil sa kulog na maririnig habang umuulan sa labas. Ano na naman ba itong bangungot ko?
Sumiksik ako sa gilid ng kama habang nakapatong ang baba sa mga tuhod at nakatakip ang mga tainga.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Hindi ko maintindihan pero naghalo ang pawis at luha ko.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko pero natatakot akong silipin kung sino ang pumasok. Natakot ako na baka ang lalaking nakaitim ang makita ko.
"Dayan! Okay ka lang ba? Hey!" May pag-aalala ang tono nito.
Narinig ko ang boses ni Herv at doon lang umangat ang mukha kong puno ng luha. Tumakbo siya papunta sa akin. Bakas ang gulat at pag-aalala sa mukha niya.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nang yakapin niya ako nang mahigpit habang inaalo.
"Shhh. Don't cry. Panaginip lang 'yon, " pagpapatahan niya sa akin.
Alam ni Herv na tuwing umuulan, mas lumalala ang mga panaginip ko. Minsan pa nga na para talagang ako ang nandoon dahil ramdam ko ang paghimay-himay sa balat ko.
May mga pagkakataon na ayoko na lang matulog dahil sa takot na baka isang araw hindi na ako magising.
Hinahanap ng utak ko ang memorya kung saan nagsimula ang phobia na mayroon ako. Hinahanap ko kung bakit sa tuwing umuulan na lang ay puro bangungot ang nakikita ko at walang ni-isang kasiyahan man lang akong maramdaman mula roon. Purong takot lang.
Nakakatakot na baka ang mga panaginip na iyon ay maging totoo at hindi ko na matakasan. Ilang beses na ba itong nangyari sa akin simula nang magising ako sa tabi ni Herv?
Hindi ko nga alam ang pangalan ko sa pagkakataon na iyon kaya hindi ko rin alam kung bakit ako nananaginip ng mga malulungkot na pangyayari.
Naisip ko lang na baka malas talaga ako at sinumpa dahil sa mga nangyayari sa akin.
Sa mga pagkakataon na iyon ay niyakap ko lang nang mahigpit si Herv at patuloy na umiyak sa tabi niya. Nagpapasalamat ako na hindi niya ako iniwan sa kabila ng mga nangyayari sa akin.