Chapter 5: Dayan

1035 Words
Nang kumalma na ang buong katawan ko mula sa matinding takot, iniwan na ako ni Herv para makapaghanda na siya ng agahan. Tuwing umuulan, laging ganito ang nangyayari sa akin. Sa tuwing makakarinig ako ng malakas na kulog, iba't ibang senaryo ang napapanaginipan ko. Minsan ay hindi ko alam kung may kinalaman ba ang mga iyon sa nakaraan ko o sadyang pagod at stress lang ako. Huminga muna ako nang malalim at bumaba na para kumain pagkatapos ko ayusan ang sarili. "Hey, babe! Breakfast is ready. Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin habang naglalapag ng mga plato sa hapag. Niyakap ko nang mahigpit sa likod si Herv nang makababa ako. "Thank you," bulong ko sa kaniya habang nakasandal sa malapad niyang likod. Hinarap niya ako, "It's okay, Yan. I told you that I will always be here for you no matter what happen right?" sabi niya sa akin habang hawak ang magkabilang pisngi ko. Abot tainga ang ngiting ibinigay ko sa kaniya. Sumiksik ako sa gilid niya at inamoy ang kili-kili niya. The best part of him is his underarm. Daig niya pa ang babae sa kinis at bango no'n. Sana all hindi na kailangang magbunot ng buhok sa kili-kili. We didn't sleep in the same bed because I'm afraid whenever I'm with a man alone inside a room in the middle of the night. Weird? I can't even understand why I'm like this. I don't even remember anything from my past that will make me like this. "Let's just eat okay? Male-late ka na sa work mo. Baka magwala na naman ang boss mo..." Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya. "...tama na 'yang kakaamoy sa kili-kili ko. Where's my morning kiss?" Hinawakan ko ang mukha niya at binigyan siya ng isang matamis na halik bago umupo at magsimulang kumain. Kinuwento ko sa kaniya ang mga napanaginipan ko at nakipagdaldalan na rin habang kumakain kami. Nang matapos ay tinulungan ko siyang maghugas para makaalis na kami agad. Nasa loob na kami ng kotse papunta sa kumpanyang pinapasukan ko. Tahimik lang ang naging byahe naming dalawa. Nang makarating kami ay nagpaalam na ako sa kaniya para makarating siya nang maaga sa studio. Isang musician si Herv, maganda ang boses at base guitar pa ang position niya sa banda nila. Binati ko ang guard nang makapasok ako at dumiretso na sa opisina. Mukhang tambak na naman kami sa mga gawain dahil napaka-workaholic ng boss namin at ayaw kaming pagpahingain. Nasa kalagitnaan ako ng pag-review ng mga papeles na nasa lamesa ko nang may iniabot sa akin si Sam. Katrabaho ko at kaibigan ko rito sa kumpanya. Siya ang unang taong nakausap ko nang magsimula ako rito. "Dayan, may delivery ka. Ikaw, ha. May boyfriend ka na pero ang dami mo pa ring manliligaw," pang-aasar niya sa akin habang may nagtatakang ekspresyon. "Salamat, Sam," umiiling kong sabi. Tinawanan ko lang siya sa sinabi niya. Hindi ko naman ipinagkakaila na may ipagyayabang naman ang mukha ko. Tiningnan ko ang box na iniabot ni Sam sa akin. Kulay dilaw na polka dots ang wrapper na ginamit at may pulang ribbon. Ano naman kaya ito? Wala naman akong kilalang kamag-anak o kaibigan na pwedeng magbigay sa akin dahil kapag magpapadala sila ay sinasabi muna nila. May naka-ipit na letter dito. Nagtataka kong kinuha iyon at saka binasa. "Fiery. To Dayan Frontier," hindi ko siguradong basa pero alam niya ang apelyido ko. Sino naman ang magbibigay nito sa akin? Binuksan ko ang box at nagulat sa bagay na nakalagay roon. Mga pictures ng batang babae. Kasama ang ilan sa mga picture ko. May picture rin doon ng isang lalaki at babae pero may nakalagay na ekis sa larawang iyon. Tumaas ang balahibo ko. Nakaramdam ako ng takot sa hindi malamang dahilan. Tinitigan ko pa itong mabuti pero hindi ko sila kilala maliban sa larawan ko na nandoon. Nanlalabo ang mata ko dahilan para makusot ko ang larawan. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang pagsakit nito. May mga imahe na pumapasok sa utak ko. Mga hindi kilalang imahe at pangyayari ang unti-unti kong nakikita. Parang pinipiga ang utak ko dahil sa sakit. Nahulog ako sa kinauupuan ko at napahiga sa sakit hanggang sa magdilim ang paningin ko. Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Naramdaman kong may nakahawak sa leeg ko. Nasasakal ko at hindi makahinga. Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang lalaking naka-itim ang nasa harapan ko. Siya ang nasa huling panaginip ko. Nangilabot ako at natakot sa pagkakataon na iyon dahil sa pakiramdam na pamilyar na pamilyar sa akin. Pilit niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. "S..sino k...ka? Anong ka...kailangan mo sa a...akin?" nahihirapan kong tanong dito. Ngumisi lang siya na parang isang demonyo. Sinubukan kong tanggalin ang nakatakip sa kalahati ng mukha niya pero dahil sa nakadagan siya at hindi ako makagalaw nang maayos ay hindi ko nagawang matanggal ang kapirasong tela na nakatakip dito. "Hindi ba't sabi ko sayo mahahanap kita, Dayan?" Boses iyon ng tao sa panaginip ko. "At ngayon nasa mga palad na kita. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na ito para patayin ka," tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Bahagya kong nahila ang tela sa pisngi niya pero mabilis niya ring iniiwas ang mukha para mabitawan ko iyon dahilan para hindi tuluyang matanggal ang tela sa mukha niya. Maliit na marka lang ang nakita ko sa mukha niya. Parang isang lumang sugat. Humalakhak siya na parang demonyo habang mas sinasakal pa ako. "Malapit ka na sumunod sa mga magulang mo. Mga wala kayong kwenta!" Mas lalong lumalim ang galit sa kaniyang mga mata. Kinakalmot ko ang mga kamay niyang nakahawak sa leeg ko pero hindi niya talaga ako binibitawan. Napapikit ako dahil para akong kinakapos ng hininga sa bawat panlalaban ko rito. Naluluha na ako sa sobrang takot at wala ng boses na lumalabas sa bibig ko. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas pero pinilit kong ibuka ang mga labi ko para tawagin ang isang taong pinakamamahal ko. Kita ko kung gaano kasaya ang mga mata ng demonyong iyon habang kinakapos ako ng hininga. Iisang tao lang sa pagkakataon na ito ang gusto kong dumating sa tabi ko. "H-h-herv..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD