Napatayo ako sa hinihigaan ko dahil sa mabahong amoy. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at saka inilibot ang paningin. Nasa sahig ako nakahilata habang mausok na parang may nasusunog. I realized na may sunog nga at mukhang bahay na ang nilalamon ng apoy. "Tulong! Mga kapitbahay, may sunog!" sigaw ko habang nakatakip ang braso sa ilong. Inilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong makita. Nahihirapan na akong makahinga dahil sa usok na nakapalibot sa loob ng bahay. Iniikot ko ang aking paningin ngunit hindi ko makita ang daan dahil sa kapal ng usok. Tumakbo pa ako ngunit sulok lang ng kwarto ang napupuntahan ko. Tuloy lang ako sa pagtakbo ngunit hindi ko mahanap ang pinto palabas. Para lang akong paulit-ulit na dinadala ng aking mga paa pabalik sa maliit kong kwarto. Nagsisimula n

