Tila tumigil ang oras nang mga panahon na iyon at nakatitig lamang si King Vayumir kay Herv. Ito na ba ang anak ko? Ito na ba ang anak kong tinakbo ni Akir? Tanong niya sa kaniyang isip. “Papa,” ulit na tawag sa kaniya ni Herv. Hindi pa rin makapaniwala si Herv na nakikita niya ang Papa niya ngayon. Ilang minuto pang nakatitig si King Vayumir hanggang sa unti-unting naging matalas ang tingin nito at ngumisi. Tumingin ito kay Prince Akir. “Ano, gagamitin ninyo ang anak ko sakin para hindi ko kayo patayin?” Tumawa ito. “Sa tingin mo ba Akir, maniniwala ako na itong lalaking ito ang anak ko? Malay ko ba, kung pinatay mo na ang anak ko para makaganti sa ginawa ko sa Pillamead,” pahayag nito habang nakaturo kay Herv. Nanigas sa kinatatayuan si Herv. Hindi niya inaakala na iniisip pala n

