Trece

2257 Words
SHEA "Teka bakit nandito ang kabilang section? Hindi naman sila nagsabi satin na sasabay sila ah." Aniya Traise habang naka-akbay sa girlfriend niya. Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko rin, baka may plano sila bukas kaya ngayon sila pumunta." Nakapamulsang sagot ko. Naupo muna kami sa may gilid. Nanatiling nakatayo ang iba habang nagkwe-kwentuhan. Inaantay lang namin matapos ang kabilang section saka kami pupunta. Para silang nagdadasal. Lahat sila nakayuko at may binubulong-bulong. Tumabi naman sakin si Vanessa kaya napa-usog ako palapit kay Riley. Napatingin naman sakin ang huli, nagulat sa pagtabi ko. "Ah sorry. I just want to ask if free ka later?" Nahihiya niyang tanong. Napa-isip naman ako. Wala naman ako schedule ngayon bukod sa paghahanap kay Nanay. Umiling ako. "S-Sorry ahh? Maybe next time I still need to do something important things." Ngumiti siyang nakakaunawa. "Nah ah it's okay. Basta sabi mo next time ah? Tatandaan ko 'yan!" "Aahh yeah" tumayo na siya at masayang bumalik sa pwesto. Napatigil naman ako nang makitang nakasimangot si Riley habang nakatingin sa kabilang side. Kumikibot ng bahagya ang labi niya. Ang cutee niya este ako! Oo ako! Tumabi naman sakin si Ate Khione. "Ang cute niya 'no? Crush mo na?" Napakunot ang noo ko. "Sus! Umamin ka na hindi naman kita i-ju-judge eh" nakangiting pang-aasar niya pa. Napairap ako. "Tigilan mo ako. Hindi ako baliko at never ako mababaliko, okay?" Hindi siya naniniwalang nakatingin saka ngumiti ng malapad. "Baka kainin mo 'yang sinabi mo kapag...." Tumingin siya sa katabi ko. "Ahh nevermind." Napairap nanaman ako. "Anyway may plano ka bang magka boyfriend ulit?" Ano naman trip ng isang 'to? "Wala muna sa isip ko 'yan. Focus muna ako sa pag-aaral at paghahanap kay Nanay. I badly want to see her." Malungkot ang tinig ko. Ngumiti siya ng malungkot at umakbay sakin. "Don't worry kaya na nila Aerus 'yan. I'm sure within this week magkikita ulit kayo ni Tita" "Right! Kaya smile ka na diyan. Mas pumapangit ka kapag malungkot" sabat naman ni Yoko na ikina-irap ko. "Tanga mo naman pre, saan ka nakakita ng maganda kapag malungkot bukod sa tv?" Tumabi sa kanya si Lloyd. "Saka mo na ako murahin kapag mas matangkad ka na sakin." Ngumisi si Yoko sa huli pero nawala rin ng batukan siya ni Lloyd at mabilis tumakbo papalayo. "Aba't hoy! Bwisit ka bumalik ka ditonh bugwit!" Tumayo siya at hinabol si Lloyd. Naghabulan sila sa buong park. Minsan nadudulas pa sila pero tumatawa lang. Napangiti na lang rin ako at tumayo. "Tara let's na tapos na sila!" Sigaw ni Aerus. Umalis na ang kabilang section matapos makapag paalam samin. Lumapit naman kami sa puno. Namiss ko ito. May nakaukit pang puso dito nung una namin ito makita. Nakakapagtaka kung sino ang gumawa no'n pero naisip namin na baka walang gumawa nito at sadyang meron na nito. Niyakap ko ang puno at humiling sa isip ko. Sana makita ko na si Nanay. I hope she's okay. Sana hindi siya pinapahirapan ngayon at sana malaman namin kung sino ang nag break out rules. At sana magka jowa na po ako hihi 'yung— "Babae" bulong ng kung sino na ikinagulat ko. "Ay babae!" Inis na humarap ako at hinampas kung sino man siya! "O-Oy tama na. Masakit ah!" Tumigil ako at sinamaan ng tingin si Clea. Muli ko siya hinampas. "A-Aray! Masakit na ah!" "Bakit ka kase bumubulong?! Papatayin mo ata ako sa gulat eh!" Inis na tinalikuran ko siya. "Hoy saglit! Ito naman oh. Magtatanong lang kung nakagawa ka ng assignment?" Matalim na tinignan ko siya. "Hehe" nag peace sign pa siya. Napa-isip naman ako kung meron ba. Wala ako matandaan eh. At kung meron man paniguradong wala akong gawa! Pakshet!! Lumapit ako kay Traise at kinalabit siya. "May assignment ba?" Agad naman nangunot ang noo niya. "Siguro?" Patanong na sagot niya. "H-Hindi ko rin alam sandali nga" tumayo siya at humandang sumigaw. "HOY MAY ASSIGNMENT BA?!" malakas niyang sigaw kaya napatingin sa kanya ang lahat. "Pakshet hindi ko alam!" "Aba malay ko!" "Hayaan mo nang wala!" "Ang mahalaga buhay tayo huy!" Kanya-kanya nilang komento. Napa-iling na lang ako. Ang titino talaga ng sagot. Binalik niya ang tingin samin. "Hindi ko alam eh. Hayaan mo na para atleast lahat tayo walang assignment kung meron nga. Goals nga 'di ba?" Tatawang-tawa niyang sabi. Napanguso ako at umirap. Pagkatapos namin sa park pumasok na kami. Paunahan pa makarating habang naka-skateboard. Medyo mahirap nga lang dahil may angkas kami sa likod. Hindi tuloy maayos ang pag flip namin dahil double ang bigat. Pagod na naupo kami sa upuan. Hinihingal pang humiga ang boys sa sahig. May dumagan pa at nakiunan. Ayan nanaman sila. Maya-maya maghihipuan na at magbibiruan. Minsan nga nagpapakalikihan pa sila. Normal para sa kanila pero awkward naman samin dahil naririnig namin. Naupo sa tapat ng upuan si Van. Inikot niya pa ang upuan saka humalumbabang nakatitig sakin na ikina-ilang ko. "Wag ka nga tumingin ng gan'yan!" Hindi niya ako pinansin at mas lumaki ang ngiti. "H-Hoy sabing tumigil ka eh. Ang creepy mo na" nakangiwing sabi ko pa. Tinuro niya ang sarili kaya nag nod ako. "Ang sarap mo kasi titigan eh, ang ganda mo, parang lang anghel" mabulaklak ang bibig ng isang 'to. "Laa? Bakit natikman mo na ba at nasabi mong masarap?" Inosente ang mukha ni Robert. s**t! Namula naman si Van at bahagya umangat ang gilid ng labi. "Not yet" nanlaki naman ang mata ko. "But I'll make sure na gagawin ko 'yon kapag kasal na kami. Mataas ang respeto ko sa kanya" tumingin siya sakin at kumindat. Smooth!! Hindi lang bolera eh, may pagka manyak din ang galawan ng isang 'to at magaling bumanat. Kapag ako ang bumanat baka himatayin siya, charot! Tangina ang landi. Kakasabi ko lang hindi ako mababaliko pero kaya ko naman sabayan siya. Hindi naman siguro masama 'di ba? "Don't worry I'll make sure din na under siya, even in bed" makahulugang sabi ko and winked to her. Mabilis naman siya pinamulahan ng mukha at nag-iwas ng tingin. Natawa naman ng mahina si Robert. "Ano pa ba ginagawa mo dito? Bumalik ka na sa pwesto mo parating na si Sir Ryan" "Sus! Gusto niyo lang masolo ang isa't isa eh. Kayo ah gan'yanan na pala. Bakit hindi kayo nagsasabi ha!?" Sigaw ni Aerus. Napa face palm naman ako. Letse! Lagi na lang nila nilalagyan ng issue, tss. "Hoy! Magtigil ka walang gano'n!" Natawa naman sila sa naging reaction ko. Sinamaan ko ng tingin si Van at pinandilatan ng mata. Hands up naman siyang tumayo at bumalik sa upuan niya. "Nakakatampo ka naman! Parang hindi kaibigan ah" si Clea na tila naiiyak. "Akala ko ba walang secrets huh? Bakit gan'yan ka?" Fake na umiyak naman sila Aiyana. Minsan talaga may mga o.a tayong kaibigan. Grabe kung maka-react na akala mo ang laki ng kasalanan natin kahit na wala naman talaga. Ang iissue ng mga tao ngayon o kaya naman ang hilig mang judge. Naiiling na umayos ako ng upo sakto naman dumating na si Sir Rod. Ang walang awa naming teacher sa algebra. Charot! 'Yung isa pa palang teacher namin. Kung magbigay kase ng practical or project makalawa na agad ang pasahan. Hindi naman gano'n kadali ang pinapagawa niya saka magagamit ba namin 'yon sa trabaho? "Okay may meeting kami ngayon so mag-iiwan muna ako ng task niyo. Work it by pair. Don't worry madali lang naman ito. Ipasa niyo na lang kay Chua after" dinikit ni Sir ang manila paper sa white board saka nagmamadaling umalis. Ang tahimik ng school ngayon. Siguro meeting dahil sa nangayari kahapon. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na muna inisip 'yon. Sinulat ko ang problems at mag-isa sinolve. Minsan nga hula hula na lang dahil naman ako nakikinig. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero madalas perfect ako sa exam, quizzes at etc kahit hindi ako nakikinig. Stock knowledge lang kahit hindi nakikinig. "Hoy tapos ka na? Ikaw na lang ka-pair ko ah?" Naupo sa tabi ko si Gia. "Ano pa nga ba? Naka-upo ka na eh" poker face kong sabi. Nag peace sign lang siya at kumopya. "Sure kang tama lahat 'to ah? Ayoko magka itlog sa record ko." "Kumopya ka pa?" Pagtataray ko. "Hindi ko nga rin sure kung tama eh. Mahalaga may sagot, tss. Hindi naman masama kung magka laktaw ng isa eh. Hindi naman agad babagsak ah" Hinampas niya ako sa braso na ikinangiwi ko. Ang bigat ng kamay. "Sira ba ulo mo!? Kahit na 'no! Mahalaga ang grades" "Masyado kang grade conscious eh. Ako nga pachill chill lang" humalumbaba ako at tumingin sa labas. "Palibhasa kase matalino ka kaya ayos lang sayo" "Hindi kaya puro hula nga lang ako sa test" tumigil siya sa pagsusulat at masama ako tinignan. "Ewan ko sayo, ikaw na nga 'to pinupuri eh" tumayo na siya. "Manahimik na lang kase, daldal mo eh" umirap lang siya saka pumihit patalikod. Pumasok ako sa bahay na parang lantang gulay. Nagpaalam na silang aalis, tumango lang ako. Bigla naman bumukas ang ilaw na ikinatalon ko bahagya. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Puta! Sasakalin ko talaga siya. "Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" I asked him coldly. He just smirk then play the knife on his hands. "Visiting you. How are you anyway?" "Ano sa tingin mo? Mukha bang ayos ako?" I said sarcastically as I roll my eyes. Mapapa english ako ng wala sa oras, tss. He chuckles then back on his serious face. "I have a good news and a bad news too" "Spill it" umupo ako sa sofa. "May bayad" may haling accent na sabi niya. "Wala nang libre" "Alam ko" bored na pinahinga ko ang ulo. He chuckle again while shaking his head. Parang biro lang lahat ng sabihin ko sa kanya. Laging tumatawa. Abno talaga. Sinabi niya sa akin kung nasaan si Nanay. Nalaman na rin kung sino ang nag break-out rules and bad news nga lang wala na sa Antipolo ang mga hunghang na 'yon sa takot na balikan namin. Hindi naman kami gano'n basta meron silang valid reason pagbibigyan namin sila kung hindi edi pasensyahan na lang. Matapos ang kwentuhan naming dalawa umalis na rin siya. Naiwan naman ako mag-isa sa bahay. Napabuntong-hinininga na lang ako at handa na sana matulog. Sunod-sunod na katok ang narinig ko. Tinatawag din ang pangalan ko. Tamad na bumangon ako at bumaba saka pinag-buksan ang tao. Napakunot agad ang noo ko. "Hating gabi na nasa labas ka pa rin, anong ginagawa mo dito?" "Hindi mo man lang ako ako papasukin muna? Ang lamig kaya dito" nakangusong reklamo niya. "Manigas ka muna diyan, bakit nga kase?" Naiirita na talaga ako. "Ehhh sa tingin ko dapat sa loob na lang natin pag-usapan" tumingin pa siya sa paligid. "Baka may makarinig satin, please?" "Oo na, hala sige pasok" Dali-dali naman siya pumasok sa loob. Feel at home pa ang loko habang prenteng nakadekwatro sa sofa. Nakayakap pa siya sa sarili, tila sobrang nilalamig. Umakyat ako sa taas at kumuha ng makapal na jacket saka pabato binigay sa kanya. "Thanks!" "Kung hindi ka ba naman bobo eh, sa susunod na sumugod ka dito magdala ka ng jacket o kumot" tumabi ako sa kanya. "May nakita kase ako kanina eh, promise hindi ka maniniwala!!" Tumili pa siya na parang takot na takot. Binatukan ko nga. "Mag kwento ka na para makatulog na ako" "Si Rain naalala mo? Tangina pre! Nakita ko siya as in!!" Sigaw niya. Napalayo naman ako sa kanya habang nakatakip sa mga kamay sa tenga. Hindi ko alam kung matatakot ba ako, maiinis o magugulat sa sinabi niya. Isa din si Zera sa pinagsabihan ko about Rain. Nahuli niya kami ni Jr na sabay lumabas ng restroom ng babae nung anniv ng school. "Sigurado ka ba sa nakita mo? Baka namab namamalikmata ka lang" hinampas naman niya ako na ikinangiwi ko. "Tanga totoo! Nakita ko siya sa terrace kanina. Kumaway pa siya habang nakatingala sa bintana kooo. Waahhhhhg Shea helpp!!" Sabi niya at niyugyog na ako. Halos tumalon nanaman ang utak ko sa ginawa niya. Buong pwersang tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko. "Tangina ka! Paano kita matutulungan eh panay alog mo sakin. Ikaw pa ata ang papatay sakin eh" irita kong sabi at umirap pa. "Sorry na" then she pout, mukha namang pato. "....pero maniwala ka man o hindi totoo. May iniwan pa nga siyang papel eh kaso nung papasok na sana siya sa bahay tumalon agad ako sabay takbo hanggang makarating dito" may panghihinayang sa boses niya. Muli ko siya binatukan. "Aray ah! Kanina ka pa" "Bakit mo tinakbuhan?! Eh paano kung totoo ngang buhay at ikaw ang naisipan hingan ng tulong?" Palatak ko at humalukipkip. "Eh paano nga kung multo?! Baka dinadalaw niya na ako" bigla siya umakap sa braso ko. "Baka sinusundo na niya ako!!" Parang batang umiyak siya. "Ang takaw mo kase eh. Lahat na lang ng ibigay niya lagi niyo kinukuha. Ikaw pa nangunguna" tinulak ko siya sa noo at umayos ng upo. "Bukas na lang natin pag-usapan masyadong malalim na ang gabi. Maaga pa tayo" "Mabuti pa nga" Tumayo na kami at naglakad patungong hagdan. Hindi pa kami nakaka-hakbang nang may kumatok sa pintuan. Sunod sunod na katok. Bigla naman nagtaasan ang balahibo ko lalo na't umalulong pa 'yung aso ng kapithbahay namin. Nagkatinginan kaming dalawa at dali-dali nagtago sa kwarto!! Nanayyyy!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD