Kinabukasan maaga ako gumising kahit na puyat pa. Sperm na multo 'yun! Hindi tinantanan ang pinto namin. Panay katok at kalabog. Mabuti na nga lang iniharang namin ni Zera ang sofa para hindi masira eh. Malapit na talaga ako maloka sa totoo lang. Hindi ko naman kasi expected na may multo nga talaga. Sana pala naglagay ako ng asin at bawang sa bawat sulok ng bahay eh. May kasabihan ang mga matatanda na maglagay no'n pangontra sa aswang. Pati ba sa multo epektib 'yon?
Anyways highway malakas na hinampas ko ang katabi ko. Ang gaga hindi pa rin nagising at patuloy sa paghihilik. Tangina kasalanan niya ito eh. Kung hindi siya pumunta dito kagabi edi sana hindi ako gaanong puyat. Imbes na paghahanap na lang kay Nanay ang iisipin ko 'e dumagdag pa si Rain. Baka bukas makalawa wala nanaman akong utak. Ang tagal pa naman bago bumalik ng utak ko.
Tumayo na ako at naghanda ng almusal. Mabilis lang ako naligo at nag-ayos ng sarili. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Ang lalim ng eyebags ko at parang anytime hahandusay ako sa daan sa sobrang antok. Tinignan ko ulit si Zera. May panis na laway pa ang loko. Puñemas ka mahulog ka sana. Umirap ako sa kawalan saka pumasok na.
Ipinatabi ko kay Manong guard ang skateboard ko. Tinatamad ako at wala sa mood na pumunta sa room namin. Pagkarating doon ako pa lang ang tao at si Jr. Infairness ang aga pumasok ah. Kelan kaya mala-late ang isang to? Naupo ako sa upuan ko, alangan sa sahig 'di ba? Tamad na napangumbaba ako at nakipagtitigan ako sa black board. Kung nagsasalita nga lang to tatanungin ko sana kung bakit kulay puti siya at hindi it since black board. 'Yung isang board naman namin kulay green, doon nagsusulat kapag gamit ay cholk.
Cholks to go, charing.
"Nagkita ba kayo kagabi? Nakasalubong ko siya kagabi sa tapat ng bahay niyo may suot na balabal. Nakapag-usap kayo?" Nilingon ko siya, hindi ko namalayang tumabi siya sakin. Saka sino ba tinutukoy niya? 'Yung multong ayaw magpatulog? Inantay ko pa nga galawin ng multo 'yung baso kaso hindi talaga gumalaw. Sayang naman.
"Hayss, I guess not. Bakit hindi niyo pinagbuksan kagabi? Kawawa naman 'yung tao, halatang nanghihina pa siya 'e" malungkot ang tinig niya. "But I am sure na babalik siya mamayang gabi kaya naman" mukhang nag-aalangan pa siya. "Makiki sleep over din ako sa bahay niyo"
Tinitigan ko siya ng ilang segundo. "So totoo ngang buhay ang babaitang yon? Hindi man lang nag text o nagpadala kay twitty bird ng sulat. Para siyang kabute, sasakalin ko talaga siya" natawa ako saka tinignan siya ng seryoso. "Paano mo nalaman? Akala ko si Zera lang nakakita 'e"
Umayos siya ng upo at iniwas ang tingin. "Nandoon din kasi siya sa anniv ng school last month. Ayaw niyang ipasabi kasi nga madaldal ka—kayo pala" sabi niya habang natatawa.
"Punyeta ka alam mo 'yon?" Sarcastic na sabi ko. "Sperm siya! Masyado kami napuyat ayaw niya magpatulog. Kung hindi ba naman kasi... Argh!!" Tinignan ko ulit siya. "Sa susunod na gawin niya 'yun sabihin mo makakatikim na siya ng flying kick sakin"
Tumawa lang siya saka tumayo at nagpa-alam. Ang gaga mang iiwan hindi man lang ako isinama. Sa susunod nga ihuhulog ko siya sa kanal malapit kela Aling Bebang. Tutal type naman siya nung anak niyang laking kanal 'e, for sure magkakasundo naman sila. Siguro?
Tumayo na ako at lumabas ng room at lumabas bago pa ako tuluyang maboryo dito. Maghahanap na lang siguro ako ng punching bag na pwedeng paglabasan ng antok ko. 'O kaya naman lalangoy na lang ulit ako doon sa likod ng school. Malalim naman pero maliit. Baka magka leptospirosis pa ako. 'O kaya naman matulog na lang ako kaso baka mahuli ako sa infirmary 'e masapak pa ako ng principal.
Nagpunta na lang ako sa may lumang fountain malapit sa palayan. Doon mas fresh ang hangin, walang halong chemical. Baka makakita pa ako ng couples kung saan-saan at masapak sila isa-isa. WALANG FOREVER!!
Naupo ako doon at tiningala ang kalangitan. Makulimlim at hindi gaanong sikat ang araw. Ang epal naman ng ulap pinagkakaitan makita ko ang araw. Kung may higanteng pamaypay ako baka pina-alis ko na ang nga ulap. Kaso nga wala.
"Nandito ka lang pala. Kung saan-saan pa kita hinanap eh. May problema ba?" Pagsulpot ng isang kabute sa tabi ko.
"AY PUTA KA!" nagulantang na sabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ako matatakot sa kanya! Buhay naman siya at hindi patay. Pwede ko na siya kalbuhin, anytime everywhere, CHAROT!
"Putang ina ka alam mo 'yon?" Iritado na tanong ko. "Sa susunod magsabi ka kung nandiyan ka hindi nanggugulat ka na lang bigla. Baka sa susunod ipalapa kita sa alaga kong leon. Puñemas na 'to" bulong ko sa huling sinabi.
Nag peace sign naman siya habang nakangiwi. "Sorry na. Namiss lang kita gulatin. Akala ko nga hindi na ulit tayo magkikita 'e. Mabuti na lang talaga at buhat pa ako. Woohh!!" Nakataas ang dalawang kamay niya pagkasigaw.
"Ang mga katulad mong masamang damo hindi basta-basta namamatay. Matagal ang buhay at matibay ang katawan natin 'no" ngumiti ako. "Hindi tayo pinalaki para lang mamatay ng maaga. Akala ko nga excited ka makita si Tito at sumunod ka na agad eh.
Sandali siya tumawa at sumeryoso din. "Gusto ko na nga makita si Papa 'e. Kaso nung nagkita na kami pinalayas ba naman ako!" Natawa siya. "Hindi niya daw ako susunduin hangga't hindi tayo kinakasal kaya ikaw..." Inilapit niya ang mukha sa'kin. "Dapat sagutin mo na ako ah. Kundi dalawa tayo susunduin ni Tito at Papa"
Lumayo na siya saka tumawa mag-isa. Dapat pala hindi na siya bumalik. Bukod sa aning siya 'e mas lalong nabaliw ang isang to. Dapat ambulansya ang sumundo sa kanya at ipasok sa mental hospital. Mas bagay ang masamang damo na katulad niya. JOKE.
"Pero seryoso. Masaya ako na buhay ka. Ang tibay ng lamang loob mo at hindi bumigay. Katulad ng amo nila matigas ang ulo" hinawakan ko siya sa balikat saka ngumiti. "Kaya magtino ka na ah? Iba na lang ligawan mo, may irereto ako sayo" masaya kong balita.
Binatukan naman niya ako. "Gago!" Tinawanan ko lang siya. "May mensahe galing sa Killer ko para sayo" may binigay siya sakin na isang papel. "Bahala ka na mag encode niyan ah? Hindi naman kase ako marunong. Kapag nakauwi ka na saka mo i-solve. Mauuna na ako" pagpapa-alam niya.
Bago ko pa siya habulin may tumawag naman sa pangalan ko at hinawakan ako sa braso. Nag-aalalang mukha ni Vanessa ang bumungad sakin. Tagaktak ang pawis sa noo niya. Huminto rin sa pagtakbo si Riley habang walang reaksyon nakatingin sakin. Ako lang ba? 'O imagination ko lang na ang hot niya? Nevermind. Paano naman nila ako nahanap?
"K-Kanina ka pa namin hinahanap. Akala ko may nangyaring masama sayo. Tara na kanina ka pa namin hinahanap" hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Nilampasan lang namin si Riley na nakasunod ng tingin samin habang napapa-iling na sumunod.
Pagkarating namin saka sila natigilan sa pagtatalo. Sinamaan ko pa ng tingin si Jr. Mang-iiwan kasi. Kung sinama niya ako edi sana ahh 'wag na nga lang ituloy. Seryoso lang sila nakatingin sakin. Ang lalalim ng mga iniisip nila at panay palitan ng makahulugan na tingin. Parang may nangyari na hindi ko alam. Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Parang tinatambol sa sobrang lakas. Nanunuyo din ang lalamunan ko sa hindi maintindihan na dahilan.
"Oh bakit nakatayo pa kayong lahat? Magsi-upo na kayo and we will start" biglang sulpot naman ni Sir.
Tinignan ko si Aerus. Tinanguan niya lang ako at sumenyas na mamayang uwian na lang. Parang ayoko malaman kung ano man 'yon. Feeling ko kasi makakapatay ako ng wala sa oras 'e. Dapat nasa oras kasi nga daw time is gold.
"Nag review ka ba? Baka lang nakalimutan mo may exam tayo ngayon hanggang Friday" napatingin ako kay Clea. Siya kasi katabi ko. "Ayos lang 'yan pre. Hindi rin kami nag review 'e so damayan na lang kapag bagsak ah? Ahh! Pakopya nga pala. Ktnx, mwaa!" Hindi na niya ako pinansin habang natatawa.
Amputa! Ngayon pala 'yung exam tapos...tapos hindi man lang ako nakapag review kahit isang beses. Baka mapatay ako ni Nanay sakaling bumagsak ako ngayong grading. Putspa naman oh!
Marahas na kinilabit ko si Clea. "Hoy gago ka! Pansin mo ako. Bakit hindi mo pina-alala saking ngayon pala yon? Ayoko bumagsak. Bahala ka nga diyan hindi ako magpapa-kopya. Manigas ka!"
Para lang ako kumausap ng hangin. Ngumiti lang siya ng alanganin at nilayo ang upuan mula sa pwesto ko. Bwisit. Hindi naman siguro ako babagsak 'e? Mang huhula hoop na lang ako, gaya ng lagi kong ginagawa. Mas mataas naman ang grades at scores ko kesa nung nagre-review ako. Baliktad nga 'e.
Dumating na si Sir at binigyan kami ng test papers. Sabay sabay niya binigay lahat ng e-examin namin ngayon araw. Pero yawa! Kahit manghula ang sakit sa ulo. Wala akong maalala itinuro 'to samin. Napa sign of the cross na lang ako. Huminga ng malalim at sinimulan mang hula hoop.
—
Matapos ang nakakadugong exam namin lunch break na at inaantay na lang namin mag uwian. Sila Clea lang ang kasama ko. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Pero 'yung akin masama ang tingin sa kanila. Mga sperm sila! Hmp! Nakaka bad trip talaga. Dumagdag pa sa kaba ko 'yung scores at grades ko. Kapag talaga ako bumagsak kasalanan ng test papers na yun! Sariling problema hindi sagutan. Sayang nga walang answer key.
"Punyeta pa rin talaga kayo! Sabi ko naman sa inyo ipaalala niyo sakin dahil nga makakalimutin na ako minsan. Tapos may gana pa kayo mangopya? Kakapal ng peslak ah" panenermon ko.
"Hehe. Sorry na. Nakalimutan nga din namin ngayon pala yon eh. Boys nga lang nagsabing may exam ngayon kaya sila ang sisihin mo 'wag kami. Wir inocint!" Katwiran ni Clea. Halatang proud sa english niya.
Nakangiwing inirapan ko siya. "Sakalin pa kita naintindihan mo" napanguso siya. "Hayaan na nga. Kung bumagsak edi bumagsak. Number lang yan! Makaka graduate pa rin naman tayo ih"
"Tama! Hindi naman sukatan ng talino ang grades 'e. Saka ikaw maiba nga tayo" pag-iiba ng topic ni Thea. "Kanina ka pa namin hinahanap. May sasabihin daw sila Aerus sayo, pero mamaya na, bakit wala ka nung dumating kami?"
"Hindi niyo tinanong si Jr?" Tanong ko. Umiling naman sila. "Siya kasama ko kanina bago ako pumunta sa may lumang fountain saka.." inilapit ko ang mukha sa kanila at bumulong. "Nagka-usap kami ni Rain"
Gumuhit ang gulat at pagtataka sa mga mukha nila. May pahawak pa sa dibdib, animo'y gulat na gulat. Parang mga tanga lang, amp. Untog ko kaya sila sa pader? Baka kasuhan ako ng murderer saka na kapag walang makakakita.
"Bago kayo magsalita may ikwe-kwento pa ako na hindi niyo alam"
"Malamang hindi mo pa sinasabi 'e" mabilis na sagot ni Aiyana kaya sinamaan ko ng tingin.
"Patapusin mo muna kase ako. Remember nung araw after ng anniv ng school. Nagka-usap kami ni Jr sa restroom ng girls at—"
"Putaing ina?!"
"Hoy gago?"
"Jusmiyo naman Shea!"
"Wir su disappointed to u. May gas!!"
Muli ko hinampas si Clea. "Gaga 'my gosh' hindi 'may gas' boba talaga" napanguso nanaman siya. "Sabi ko patapusin niyo muna ako 'e. Titigas din ng bungo niyo"
"Walang malambot na bungo" sabat ni Ate Khione.
Inis napahilamos ako sa mukha. Kaunti na lang talaga ang pasensya ko masasapak ko na sila ng bongga.
"Isa pang sabat niyo pag-uuntugin ko na kayo. Mga sabatera, hmp!" Huminga ako ng malalim at mahina nagkwento. "Tinawagan ko si Tita Rainier at nalaman kong patay na si Rain. Alam din ni Jr dahil siya mismo nakakita nung kinidnap siya. Akala ko nga patau na siya kaso hating gabi kahapon nagpunta si Zera at sinabing nakita niya si Rain. Kaya din napuyat kaming dalawa at kanina nga naka-usap kami"
Naging tahimik kami matapos ko magkwento. Parang ang lalalim ng iniisip nila. Kanya-kanya sila ng mundo. Napapatango pa habang nakawak sa baba nila. Kumain na lang ako at hindi sila pinansin. Mga mukhang timang eh. Baka masama pa ako kapag nagkahulian ng mga hayop.
"Ay may naalala ako bigla" napatingin sila sakin. "Makiki sleep over mamaya si Jr sa bahay. Sama kayo?"
Ngumiwi si Aiyana. "Kaunti na lang talaga iisipin kong nanliligaw sayo si Jr kesa kay Vanessa. 'E mukha hindi ka nililigawan. Anyare?"
Ngumiti ako ng malapad. "Sinapak ko, nainis ako ang ingay-ingay. Parang armalite ang bibig. Pinatigil ko na at tumigil naman siya" sagot ko. "Saka isa pa mas malala siya kay Rain. Hindi ko wit ang mga babae at mas lalong hindi ko keri na maging stalker siya. Ang creepy!" Napadasal pa ako.
Tumatawang naiiling sila sakin. "Ibang klase bakit mo naman sinapak? Kawawa yung tao ano. Grabe nga pag-aalala niya kanina eh" sagot ni Thea.
"Legit! Ang tinis ng boses kanina. Tumili ba naman. Ayun nag hysterical ang lola mo saka tumakbo hahanapin ka daw saang sulok man ng mundo. Corny!" Palatak naman ni Ate Khione.
"Wow! Kami na mahihiya para sayo. 'E mas makeso nga kayo ng ex mo. Tamo nga oh hindi ka pa rin nakakapag move on" naka-irap na sabi ni Clea.
"Puñemas kasing ex yan eh. Expired na nga ayaw pa bitawan. Bestfriends daw. Ulol!"
"Malapit ko na talag inuntog si Ate 'e. Minsan nga napapa-isip ako paano naging ganiyan karupok si Ate. Abusado sa kabaitan 'yang ex niya" sabat ko.
"Change topic ulit tayo" seryosong sabi ko. "Bakit gano'n yung itusra niyo kanina? May nangyari bang hindi ko alam? Sabihin niyo na dali!!"
Napatingin ako sa mga kamay ko. Pasmado na naman ako. Langya yan mukhang makaka-ipon pa ako ng isang timbang pawis ah. Nagkatinginan muna sila at sabay-sabay huminga ng malalim.
Pinag-usapan ba nila na dapat sabay-sabay?
"Malapit na kase siya bumalik" panimula ni Thea saka napalunok. "Ang bunsong anak ng mga Lucienda malapit na umuwi ng bansa" pagpapatuloy niya na ikinabigla ko ng sobra.