Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga oras na to. Name-mental block ako at natameme. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa inis kasi wala pa ako doon sa plano eh. Hindi ko pa nagagawa. Pero sana lang magawa ko as soon as possible dahil kung hindi tali nanaman ako. Matatalo ako at mananalo siya lalo na't malapit na umuwi ang bruhildang yon. Ang bruhilda na sumira sa pamilya ko, sa akin at sa pagkatao ko.
Hindi pa pwede. Hindi pa siya pwedeng umuwi hangga't hindi ko nagagawa ang plano ko sa pamangkin niya. Mabait naman talaga ako hindi ganito na mandadamay ng inosenteng tao. Wala eh. 'Yung dating ako. 'Yung dating inosenteng ako na wala ibang ginawa kundi mahalin ang kapwa nagbago sa araw na yun. Akala ko lahat pwede mong pagkatiwalaan, maling akala lang pala.
Minsan sa buhay hindi masama kung iju-judge mo ang iba. Masama din pala magtiwala kung kani-kanino. Bata pa ako noon pero yung pinagdaanan ng pamilya namin sobra-sobra. Parang ang sama-sama kong tao sa past life ko kaya nangyari yon. Pinagsisihan kong nagtiwala ako sa kaniya at sa pamilya niya. Ayun na ata ang pinaka-malaking mali na nagawa ko sa tanang buhay ko. Ang magtiwala sa ibang tao na akala ko 'e kilala ko na ng lubos.
Joke lang yung sinabi kong never ako papatol sa babae. Imagine, six years old ako noon ng ma-inlove ako sa kanya at ganoon din siya sakin, na kahit ang laki ng agwat ng edad ay hindi iyon naging hadlang para lumandi—este lumandi ako. Ang bata ko pa noon pero ang landi ko na. Pakshet na kagandahan yan! Pero sa isang iglap nagbago ang lahat.
Tandang tanda ko pa nung mahuli ko siya kasama yung peke at hilaw niyang boylet. 7 ako at 16 siya. Oh 'di ba? Landi ko! Akala ko siya na talaga ang makakasama ko hanggang pagtanda. Akala ko may forever samin pero hindi pala. Napagtripan niya lang ako paglaruan. Pero hindi lang pala 'yon ang naging kasalanan ng pamilya niya. Marami pa at ang laki ng sugat na iniwan no'n sa puso ko. At dahil din doon natakot ako. Natakot na ako sumugal sa pag-ibig. Kaya naman ng manligaw sakin si Rain noon sobra ako nagdadalawang isip. Oo, hindi lahat ng tao manloloko, pero masisi mo ba ako?
Tinukod ko ang siko sa mesa at pinatong ang kamay sa baba. "Bakit pa siya babalik? Para ano? Para manggulo nanaman ng buhay na may buhay. Clown ba siya?" Natawa ako. "Tangina ano pa ba babalikan niya? Pero maigi na rin yon para makita ang reaction niya kapag nagtagumpay ako"
Pinatong ni Aiyana ang kamay sa balikat ko saka ngumiti ng pilit. "Nandito lang kami lagi ah? Saka kung kailangan mo ng tulong kami bahala. 'Wag mo isarili yang problema mo dahil hindi lang ikaw ang iniwan niya ng pasakit.." huminto siya sa pagsasalita saka tumingin sa paligid. "...kami rin kaya 'wag selfish ah!" Natawa naman kami. Ang seryoso ng usapan tapos bigla na lang magbibiro. Napasinghot ako. Malapit na lumabas ang sipon ko kahit hindi naman ako umiyak. Ang tigas ng ulo 'e hindi naman ako umiyak tas lalabas.
"Tama na ang monologue, uwian na. Tumayo na kayo para maaga tayo makapag hanap kay Tita" nag-inat si Thea at humikab pa. "Si Tita kasi masyadong magaling maglaro ng hide and seek. Pahihirapan muna tayo bago siya mahanap. Hay nako matatanda nga naman"
Binatukan ko siya. "Gago, makatanda ka kay Nanay diyan! E, ikaw nga eh. Wala lang twenty pero mukha nang seventy" pagbibiro ko. Tumawa naman kaming lima habang siya nakasimangot.
"Wag ka sumimangot diyan mas lalo ka nagmu-mukhang matanda 'e. Paano ka papansinin ni Vince niyan?" Mabilis iniwas ko ang braso nang hahampasin niya ako. Ang bigat pa naman ng kamay niya. "Oh aangal pa? Support na nga namin kayo 'e" sinundot ko siya sa tagiliran. "Yieee keleg keleg yan. Tara na nga at umuwi. Saka, ka na kiligin kapag nakauwi na tayo"
"Baka mangisay ka pa sa daan o maihi eh. Payong kaibigan lang pre" ipinatong ni Clea ang kamay sa balikat ng huli. "Wag mong gagawin yun! Baka lalong maturn off si Vince!"
Tatawa-tawang tumakbo kami palayo sa iba. Sinimulan na namin hanapin si Nanay doon sa binigay na address ng pesteng yawa na lalaki kahapon. Sana lang ay tama ang nakasulat dito kung hindi bubuksan ko talaga ang ulo ng bwisit na yun mapektusan lang yung utak niya. Kaso nagdadalawang isip ako. Baka kapag binuksan ko 'e wala palang laman at puro hangin.
Katakot takot na ipo-ipo ang tatangay sakin.
Nakarating na kami sa dulong kwarto ng lumang gusali pero hindi pa rin namin nakikita si Nanay. Letsugas na yon hindi agad binigay kung saang kwarto nakatago si Nanay. Gusto talaga niya pahirapan ako sa paghahanap. Kapag talaga nagkita ulit kami isusunod ko siya sa asawa't anak niya. Dapat maging masaya siya dahil mapapa-aga ang reunion nila. Talino ko talaga!
Pagod na naupo sa bakal na upuan si Clea at Thea. Sila lang sumama sakin habang nasa ibabang palapag yung iba. Naupo rin ako at parang tinatamad na maghanap. Hindi pa ako kumakain ng meryenda. Kanina pa rin kami naghahanap. Kapag nahanap ko na si Nanay babatukan ko siya ng bongga. Tipong mababali yung ulo niya. CHAROT!
Baka ipatapon pa niya ako sa Mars pero mas gusto ko sa rings ng Saturn. Kahit naman may taglay akong kalokohan 'e mahal na mahal ko siya. Kasama na yung ahas kong alaga na hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi. Isa pa yun eh. Imbes na siya ang kasama ko habang wala si Nanay biglang nawala. Ihawin ko siya makita niya.
"Ako na lang muna papasok. Magpahinga na muna kayo diyan pero kung wala talaga siya dito siguro bukas na lang ulit tayo maghanap" tumango lang sila saka ako tumayo at pumasok sa loob.
"Bakit lahat na lang may pinto kahit luma? Pwede pa naman i-recycle ito. Or ib—"
"Hmppp. Zbaokwlwkwo!!"
Napatigil ako nang makarinig ng mga ungol. Ungol na humihingi ng tulong hindi ungol na nasa isip mo! Paliguan kita ng chlorine 'e. Tuluyan ako pumasok sa loob. Walang ingay na pinuntahan ko ang pinanggagalingan ng ingay. Nakita ko si Nanay. May natuyong dugo sa damit niya at meron din sa bandang ulo. Mukhang nanghihina na rin.
Taray ni Mader parang dumalo lang sa halloween party.
Agad ko siya pinuntahan at kinalagan. Pagkatanggal pa lang ng busal sa bibig niya 'e sermon agad bumungad sakin.
"Anak ka talaga ni ako! Ang tagal mo naman bago ako mahanap, jusmiyo. Akala ko dito na ako mamatay 'e" napatigil si Nanay at niyakap ako. Lakas talaga ng mood swings ng ibang babae. Tipong galit na galit tas mamaya babait at mang-aaway. Sala sa init sala sa lamig. Hindi ko talaga maintindihan kahit pa na babae ako.
"Mabuti naman at ayos ka lang. Kamusta sa bahay? Nakatayo pa ba o abo na? Dapat na ba tayo lumipat ng bahay? Kapag talaga wala na tayong bahay, Shea, ibebenta talaga kita" sermon pa ni Nanay habang nakaduro sa mukha ko.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Nay naman" ngumuso ako. "Parang ang liit lang ng Antipolo ah. Saka buhay pa yung bahay hindi ko naman sinunog o whatever na iniisip niyo. Grabe kayo" sinamaan niya ako ng tingin kaya napangiwi akong pumihit patalikod.
Nakita ko 'yung alaga kong ahas. Kaya naman pala 'e! May kung anong itlog na nasa ilalim niya. May kalat pa na pinagpalitan niya ng balat. Dito pa talaga naisipang magkalat pero natutuwa ako. Kung sa bahay kasi ang kalat niya kaya lagi ko napapagalitan. Magkakalat na nga lang sa kwarto ko pa.
"Ayy!! Nandiyan lang pala ang tumulong sakin 'e. Halika dito babyy payakap akoo" natutuwa niyang usal. Napatanga na lang ako. Kelan pa sila naging close? Ang malantod ko namang ahas dali-dali lumapit kay Nanay.
Hindi niya niyakap si Nanay dahil nga may mga itlog sa ilalim niya na mukhang nakadikit. Pisain ko kaya isa-isa? O, kaya ilaga ko na lang para libre itlog. Pare-parehas lang naman yan na itlog 'e. Pinagkaiba lang na itlog ng ahas at hindi itlog ng manok. Ano kayang lasa?
Kinuha ko yung mga itlog sa kanya. Mabilis na sinunggaban niya ako ng atake. Nailayo ko naman yung mga itlog na walang nababasag na isa. Sayang namern.
"Easy ka lang Jia. Ako na mag-aalaga sa kanila parang hindi mo naman ako kilala 'e. Sige na tulungan mo na si Nanay tumayo"
"Sssss Sssss" sabi niya 'wag ko daw babasagin yung mga itlog niya kundi tutuklawin niya ako.
"Tss, oo na, oo na. As if naman gagawin ko. 'Nay tayo na diyan tama na emote for today bukas naman" binatukan niya ako saka tumayo. "Bakit kailangan batukan pa ako pagkatayo? Sadista much ka 'Nay"
Inirapan lang ako ni Nanay. Siguro may dalaw kaya ang sungit. Binuhat niya yung ahas ko at sabay kami lumabas. Napatayo pa yung dalawa. Hindi sa gulat kundi sa ahas. Ang sungit ng ahas ko sa kanila parang anytime 'e sasakmalin sila. Dalawang mataba pa naman.
"Hoy, Jia! 'Wag mo tutuklawin yang mga kaibigan ko kundi ikaw tutuklawin ko. Mas makamandag ako kesa sayo" pangaral ako. Ini-snob niya lang ako at pumunta sa ulo ni Nanay.
"Mga hunghang tulo laway niyo tara na para maka-uwi. Tawagin niyo na yung iba para sabay-sabay na tayo. Mamaya may makasalubong pa tayo" tawag pansin ko.
Agad naman sila tumalima at nagmamadaling bumababa sa hagdan. Narinig ko pa ang malakas nilang sigaw na mission accomplished na kami at uuwi na. Niyakap ko si Nanay at sinandal ang ulo ko sa ulo niya. Mas matangkad kasi ako kesa sa kanya.
"I miss you mader earth, sa susunod po isama niyo ako para hindi kayo napapahamak. Mabuti na lang nandito di Jia. Ano nga po pala nangyari sa mga dumukot sayo?" Curious much lang talaga ako.
"Wag mo na isipin, anak. Wala ka pa namang isip ngayon. Saka na kapag bumalik na" biro ni Nanay at mas hinigpitan ang yakap.
—
"Sheaa!! Geez bad news erp!" Sigaw ni Aerus pagkapasok ko pa lang.
Wala pa sila Riley pero si Yokoshi nandito. Nakatungo lang siya habang nag-iisip. Nakakainggit, may isip siya. Napahinga ako ng malalim at bumalik ang kaba sa dibdib ko. Bumilis din ang pintig ng puso ko saka tinignan si Aerus na naguguluhan.
"Bakit may nangyari ba? Natatae ka ba? Pumunta ka na sa CR bago pa lumabas 'yan" biro ko saka peke tumawa.
"Shea" pinatong ni Triase ang kamat sa balikat ko. "Bad news talaga to. Siya na magiging advicer natin starting today" buong loob niyang sabi.
Tinignan ko siya kung totoo ba ang sinabi niya saka ko tinignan ang iba. Tahimik lang sila at nakikiramdam sa magiging reaksyon ko. Putspang buhay ito. Sana pala sinama ko si Jia para tuklawin siya. Boysit talaga.
Napahinga ulit ako ng malalim saka napasuklay sa buhok. Parang sasabog ang puso ko sa pinaghalong kaba at galit. Akala ko next week pa siya darating bakit napaaga? Punyeta. Ipapalapa ko talaga siya sa leon kong alaga.
"Hayaan mo na. Gawin niya kung anong gusto niya pero hindi tayo papatalo o magpapa-apekto, maliwanag?" Seryoso kong sabi saka sila tumango.
Ngumiti ako ng pilit. "Wag kayong pampam mamaya sasapakin ko kayo" banta ko pa. Ngumiti sila ng malungkot at tipid na tumango. Nagmukha tuloy lamay ang room. "Hoy! Umayos nga kayo hindi naman ako magwawala kung makita ko siya saka—"
"Saka ano, Ms. Rodriguez?"
Bigla nanigas ang katawang plastic—este lupa ko. Punyeta ang galing ng timing. Great! Humarap ako at pinakita ang normal na ako. Minsan kase abnormal ako, charot.
Hindi ko mapigilan umirap sa kanya saka pabalang umupo. Mahinhin siya tumawa at nagpunta sa table niya. Madulas ka sana. Kasunod niya maglakad sila Riley. Nakakapanibago lang ang expression niya ngayon. Blangko. Tipong mananakmal na lang dahil gusto niya or trip niya. Halatang wala sa mood.
"Okay class, I'm Miss Yana Hershey Lucienda your new advicer. Alam ko maraming nagtataka kung bakit napalitan ang Sir niya. Ako mismo ang naki-usap sa principal and I hope maging close tayong lahat katulad sa previous advicer niyo" tumingin siya sakin at ngumiti. Umirap lang ako. Panira ng araw.
"Kaunti na lang talaga kakalbuhin ko yang Yana, bad trip naman" bulong sakin ni Robert na siyang katabi ko ngayon.
"Wag ka kasi tumingin. Para kang rapist 'e. Parang hinuhubaran mo na sa klase pa lang ng tingin mo" pabulong na biro ko.
Nangasim naman ang mukha niya at umarteng nasusuka. "Tado ka. Iingay niyo ah" sabat ni Lloyd.
Napatigil kami sa pagkukulitan nang maglakad siya papunta sa gawi namin. Huminto siya sa tapat ko. She lean closer to me then whispered. "I miss you"
Kinilabutan ako dzai!!