Seis

1551 Words
[Sino namang hangal ang gagawa niyan sayo? Hindi kaya... Hindi kaya pakana 'to ng kalansay na 'yon?] Patanong na sabi ni Ate Khione. "Yang imagination mo ang layo ng nararating pero may punto ka" sagot ko. [Pwede rin namang hindi siya di'ba?] Tanong ni Yssa. [Hindi natin masasabi, wala tayong ebidensya. Hindi naman tayo pwedeng mang bintang na lang kung kanino natin gusto] ani Aiyana. "Tama si Ai, we need concrete evidence" lakas maka detective ng gagawin namin. [Shea's right, we need to do something bago sila mamihasa] sang ayon ni Thea. [Anong nasa isip niyo?] Tanong ni Clea. "Tanga mo naman kanina pa tayo nag uusap tapos ngayon ka lang magtatanong" bagot kong sagot. [Busy kase kay Primo, palaging lutang, minsan sabog madalas bangag at ngingiti mag isa] si Yssa. [Magugulat ka na lang naka simangot na tas biglang ngingiti, pustahan bagsak nito sa Mandaluyong] tawang sabi ni Ai. [Tangina niyo, hindi ako baliw kung 'yan ang iniisip niyo. Wala namang masamang kiligin o maalala bebe ko ah, palibhasa fictional character mga bebe niyo] ganti naman ni Clea. [Nadamay pa kami ah? Saka ilugar mo 'yang kilig mo baka kapag nakita ka ng ibang tao isipin nilang may sayad ka] dagdag ni Thea. "Wala kaming kaibigan na sabog na nga, bangag pa, plus baliw pa at tumatawa mag isa. Hindi namin gustong mauna ka sa mental" asar ko. [Punyeta kayo! Pinag uusapan kanina about sa plano keme niyo, bakit napunta sakin?] Inis niyang tanong. [Oh akala ko ba hindi mo alam pinag uusapan? Maang maangan?] [Ewan ko sa inyo, sige na matutulog na ako, ibaba ko na] saka nag out sa video call namin. "Matulog na rin kayo, ako na bahala dumiskarte bukas, goodnight" paalam ko at in-end ang call. Napatihaya ako ng higa at bumuntong hininga bago napatingin sa orasan ng selpon, 3:45 na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Antok na antok na ako at kanina pa gusto matulog pero hindi makatulog. May nag iisip siguro sakin. Baka gusto niyang patulugin ako. Napa bangon ako ng may kumatok. Pumasok si Larrean, may dalang kumot at unan. Bakit gising pa siya? "Hindi ako makatulog, ikaw rin pala, tabi na lang tayo" sabi niya at sinara ang pinto. Nilapag niya ang dala at inayos sa tabi ko bago nahiga. Hinila niya ako saka yinakap. Niyakap ko siya pabalik at sinubsob ang mukha sa kanya hanggang nilamon na ako ng antok. "Shea... Gising" Bigla naman may humatak sa braso ko at pwersahang pina upo sa kama. Bangag pa ako, siguradong malalim din ang eyebags. Napatingin ako kay Larrean, naka ligo na siya, maya maya mag bibihis na at papasok. Tamad na bumangon ako at kinuha ang naka hanger na dami ko kahapon saka nilagay sa bag. Sa bahay na lang ako maliligo. "Aalis na ako ah? Hahanapin ako ni Nanay eh, kita kits na lang sa school" paalam ko bago lumabas sa gate. "Mag iingat ka bruha!" Pahabol niya habang kumakaway. Pagkarating sa bahay nag hahain na sa hapag si Nanay. Sinara ko ang pinto at tumulong. Pagkatapos kumain ay agad ako naligo at nag bihis. Maaga pa naman kaya makakatulong ako ngayon. Dumeretso kami sa pwesto at nag bukas ng tindahan. "Ale magkano sa ubas?" "Hindi ho ako ale. 200 per k—" anong ginagawa ng kalansay na 'to dito? Palengke 'to dai! Alam kong palengke pero siya? Pupunta dito? Sa arte niyang 'yan at anak mayaman pa. Saka na ako maniniwala sa himala. Siguradong may balak nanaman ito eh. "200 per kilo. Bibili ka o bibili ka?" Mataray kong tanong, mabuti na lang wala dito si Nanay kundi nasapok na ako sa ulo. "Sungit mo naman babe, dalawang kilo lang niyan" singit ni Van habang naka ngiti ng matamis, inirapan ko lang siya. Hindi ako na orient may peste na pala dito. Pagkatapos mailagay sa plastic ang dalawang kilong ubas iniabot ko ito kay Van. Malanding iniabot niya ang bayad at sinadyang hawakan ang kamay ko. Letse! Sira agad ang araw ko, bwisit. Akala ko aalis na sila pero nanatiling naka titig si Riley. Masama at matalim ang mga tingin niya, kita ko sa peripheral vision ko. Problema ng isang 'to? Hindi na lang kasi umuwi at mag asikaso sa pag pasok. Ginawa pang tambayan ang daanan, ikaw na sosyal! Nakaka ilang 'yung mga titig niya. Inis na binalingan ko siya ng tingin, "Anong inaantay mo? Pasko o bagong taon? Umuwi ka na sa inyo, tuspii na" Nag cross arms lang siya, "Aantayin kita matapos, or tutulungan na lang kita. Basta sabay tayo papasok" matigas niyang sabi bago pumasok dito sa loob. Nababaliw na ba siya?! Ano namang kinain ng babaeng 'to at ganito siya? Nag dilang anghel na ba siya? O nag papanggap? Mapag panggap! Akala mo mabait eh baka mamaya dayain lang ako nito o nakawan eh. Pero bakit niya ako nanakawan? Eh mas mayaman pa nga siya kesa saken eh. "Ewan ko sayo, umuwi ka na lang. Mamaya malasin lang ako eh" naupo ako sa upuan. Nanatili siyang nakatayo at inaayos ang mga prutas. "Ateee! Kuyaa! Dali bili na kayo, masarap at matatamis ang mga ito. Ako mismo nag tanim at nag pitas niyan" sigaw pa niya. Wala pang isang minuto dinagsa na siya ng mga tao. Napatayo ako bigla at tinulungan siya sa pag bebenta doon. Taga kuha ako at taga lagay sa plastic siya naman kinukuha ang nga bayad at agad sinusuklian matapos ibigay ang mga order ng mga tao. Nag tagal ng limang minuto at wala nang natirang paninda. "Sabi ko sayo eh. Magaling kaya ako mag benta" ngising sabi niya. Proud na proud, tss. "Oo na, kaya pwede ba layas na! Pumasok ka na doon bago ka maabutan ni Nanay" pumasok ako sa loob at nilabas sa bag ang uniporme. Sumunod naman siya sa loob. "Lumabas ka muna, mag bibihis ako. Kung gusto mo sumabay doon ka muna, kapag ako minanyak mo sasapakin kita" banta ko. "Paano naman kita mamanyakin eh wala namang makikita sayo. Remember sa second floor?" Pina-alala pa talaga! "Ukinam! Lumabas ka na nga bago kita masapak!" Inambahan ko siya ng kamao ko kaya tatawa tawang lumabas siya. Maloko. "Oh aalis ka na? Bakit walang natira doon? Nabenta mo ba lahat?" Biglang dating ni Nanay saktong natapos na ako. "Opo 'nay, naubos ho lahat. Nasa bag na ho 'yung pinag bentahan" sagot ko at sinakbit ang bag sa balikat. "Shea, sino 'yung tisay sa labas? Halatang inaantay ka eh, kanina pa naka silip diyan sa labas. Mukhang mabait ah, kaklase mo ba?" nasamid naman ako kahit walang kinakain o iniinom. Puta? Mabait daw. Baka demonyo, charot. Hindi naman ganon siya kasama, pero malakas ang sayad sa utak. "Oh bakit gan'yan reaksyon mo? Hindi ba mabait si Tisay?" Isa pa 'yang tawag ni Nanay, tisay din. "Mabait naman ho, ah kaklase ko siya. Transferee last week, gusto daw sumabay eh saka tumulong din siya mabenta lahat ng paninda kanina" bigla naman ako hinampas ni Nanay. "Masakit 'nay!" "Pumayag kang tumulong 'yan? Eh paano kung mapagod? Anak mayaman eh, ano ba apelido niyan?" "Lucienda, anak 'ata nung haciendera sa timog eh" lumabas na ako at nag suot ng sapatos. Napatango lang siya at binigay ang baon ko. Himala may baon. Tumayo na ako at humalik sa pisngi niya at nagtungo sa school. Pagkarating doon tumahimik ang ingay kanina. Halatang may tinatago. Nilapag ko ang bag sa sahig bago humarap ng upo sa kanila at humalikipkip. Kanya-kanyang iwas naman sila at kunwa'y may ginagawa. "May sakit ba kayo? Himala, ang tatahimik" nilibot ko ang paningin at napansin wala ang boys, "Nasaan sila? Bakit puro girls lang?" "Iyong nangyari sayo kahapon, sorry. Hindi ka namin agad natulungan, ito kasing si Gab eh, na-ngongo nanaman" masamang tinignan siya ng huli. "Ewan ko sayo, hindi ka lang marunong umintindi kaya iniiwan eh" napahawak naman sa dibdib si Zera at tumaktong nasaktan. Punyeta nagawa pang isingit 'yun. "Yung tanong ko hindi niyo pa sinasagot, nasaan nga sila?" "Intruders, gone" napatango na lang ako at nagets ang sinabi ni Thea. Halatang wala sa sarili, puyat nanaman, ang lalim ng eyebags. ****** "Oh, bakit ngayon lang kayo? Anong oras na oh, patapos na ang oras ng klase tsaka lang kayo pumasok. Anyare?" naka-upo sila sa sahig at nakalabas ang dila na parang asong hingal na hingal, pero parang ganon na nga. "Tang—ina kase....Ang gagaling magtago, college pala ang mga lintek! Kamuntikan pa kami mahuli ng guards doon sa kabilang bayan" paliwanag ni Aerus habang hinihingal at uminom ng maraming tubig bago sinaboy sa ulo. "Ang aasim niyo, alam niyo 'yon?" sarcastic kong sabi. Bigla nag-iba ang amoy ng room. Para akong masusuka na ewan. Bakit kase pumasok pa sa loob pwede namang sa labas sila mag pahangin. "Mabuti pa umuwi na kayo, absent si Mam" biglang sulpot ni Lloyd at naka sando lang. Ang payatot na 'to, hindi na nahiya. Napag-usapan namin ang tungkol sa plano. Plano kung paano hindi na makakapasok ang mga outsiders dito na dating nag-aral dito pero nakick out or na-expelled dahil samin noon. Ginawa lang namin ang trabaho, ang pagiging police officer namin dito. Maraming na-inggit at nayabangan samin kaya ayon sinet up kami pero kinarma sila kaya sa kanila nangyari ang ending ang daming studyanteng nalagas sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD