Siete

1967 Words
Kinabukasan maaga kami pumasok para sa last practice sa school ground. Mabuti na lang magkakatabi kaming tatlo ni Aiyana at Clea. Hindi masyadong awkward at may kausap pa. "Ang tagal ni Terrence, ang init na maya maya oh" nahiga sa lap ko di Clea at ganoon din si Ai sa lap niya. "Masyado kang mainipin, gutom lang 'yan saka baka traffic. Galing daw ng Maynila eh" sinuklay ko ang buhok niya at sinimulan ibraid. "Sana kasi lumipad na lang siya para wala nang traffic traffic, baka na-stock pa 'yon edsa edi aabutin tayo ng siyam siyam dito?" Tinampal ko naman ang noo niya. "Masakit ah" "Ewan ko sayo, hindi naman siguro masstock 'yon. Malamang may utak siya so maiisip niya na maaga umalis para hindi ma-traffic" Natahimik naman siya. Bulungan ang maririnig sa paligid. Kulang kulang na rin kami dahil 'yung iba nag bbreakfast. Sana kasi sinabi nilang malalate ang lalaking 'yon para hindi ganito kaaga kami pumasok. "Shea, kanina pa tingin ng tingin 'yung Van, type ka ata eh" biglang salita ni Ai. "Oo nga, madalas ko mahuli 'yang babaita nakatitig sayo, mukhang tinamaan eh" halata sa tono ng boses nila ang pang-aasar, napa-irap na lang ako. Ang iisue talaga, porque nahuling nakatitig sakin type agad? Hindi ba pwedeng nagandahan lang or natulala dahil may iniisip. "Tigilan niyo 'ko. Mag sibangon nga kayo nakakangalay sa hita" umayos naman sila pero dinaganan ako. Punyetang buhay. "Letse! Umayos kayo, ang bibigat niyo" nahihirapang sabi ko habang tinutulak sila pero hindi nagpapatinag. "Kapag ako dinemonyo sasapakin ko kayo" banta ko na kaya agad sila umayos. "Ito naman minsan nga lang eh" nakasimangot na sabi ni Clea. "Ulol! Minsan ka diyan eh araw araw nga. Kulang na lang lahat kayo dumagan eh" Maya maya pa ay pumunta sa pwesto namin sila Aerus na may dalang pagkain at mini table na tatlo. Dala-dalawang upuan ang hawak ng iba bago sinet up at hinanda ang pagkain. "Naks naman, free breakfast ah. Anong meron? Sinapian kayo ng anghel?" Binuksan ko ang isang topper ware at bumungad sakin ang adobong manok. "Napag usapan kasi namin bumawi sa inyo since hindi kami naka attend ng klase kahapon" nilagay nila ang disposable plates, baso, pitsel at spoon and porks. Halatang pinag handaan. Pabilog kami umupo at magkakatabi. May pakbet na own version ko, syempre si Adobo, sinigang na baboy, gulay at ang favorite ko sa lahat shanghai! ***** "Okay, 15 minutes break then lilinisin na lang natin 'yung steps niyo. Make sure sa Saturday wala akong makikitang pasaway at magkamali. We need to perfect it" bumaba na sa mini stage si Sir Terrence at nag focus ulit sa kanyang laptop. Nanatiling naka upo kami dahil sa ngalay at pagod. Ang sakit sa tuhod at binti kapag matagal naka indian seat at nakaka ngalay sa likod lalo nang straight body lang daw kami. Kada may mali siyang makikita uulit kami from the top hanggang maperfect namin. Sunod na nag practice ang sasayaw ng boombayah at cheerdance. Bitbit ang sariling illustration board tumayo na ako at nag stretching. "Grabe naman si Sir hindi nagpahinga pagkadating trabaho agad. Nakakapagod grabe!" Sigaw ni Traise at nakahiga na sa ground. "AAAHHHH! Ayoko na puta" tumayo na rin si Aerus. Tumayo naman si Gab at kinuha isa isa samin ang hawak na illustration board at tinabi sa gilid para hindi mawala. "Sa canteen na muna tayo, libre ni Shea!" Mabilis nagtayuan sila at nauna na sa cafeteria pagkasigaw ni Yssa. Naiwan akong nakanganga doon bago sumunod. Gago ba sila? Ang dami namin at hindi kasya ang dala kong pera. Hindi naman pwedeng gastusin ko 'yung ipon na ipang bibili ng regalo sa kanila. "Gago kayo, hindi ako manlilibre bahala kayo" naupo na ako sa dulo at napangalumbaba. "Aerus, erp. Ikaw na lang manlibre o kaya si Rence" agad naman nila pinilit bumili si Clarence at Aerus. "Hayss grabe busog na busog ako. Parang puputol 'yung butones" nakasandal na sabi ni Yssa. "Sa dami ba naman ng order niyo, himalang hindi pa kayo mabusog niyan" nilapag ko ang blue tea sa mesa. "Parang eat all you can nangyari eh, mamatay na 'ata ako" saad ni Rocha(Lloyd). "Kakain kain kayo tapos mag rereklamo, tss. Tumayo na kayo 2 minutes na lang mag sisimula na ulit" tumayo na ako at nag inat bahagya. Busog na busog din ako pero ayos lang dahil mabilis naman ang metabolism ko. Napahawak ako sa tiyan. Maliit pa rin at hindi halatang kumain ng marami. "Tayo na gu—" "Can we talk?" Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Napaharap ako at nakita siyang mag-isa lang. "Tungkol naman saan? Pwedeng mamaya na lang? 2 minutes na lang mag sisimula na ulit ang practice" "Ahh saglit lang naman eh. Dito lang din pero malayo sa kanila. I just want to talk to you ng tayong dalawa lang?" Tumingin siya sa likuran ko at nag aalangang bumalik ang tingin sakin. Tumango na lang ako at pumunta kami sa dulong bahagi ng Cafeteria. "Siguraduhin mong importante 'yan dahil kapag nalate tayo at napagalitan malilintikan ka sakin" dinuro ko pa siya, nag cross legs at humalikipkip ako. Inaatay ang sasabihin niya. "I know na kakakilala pa lang natin last last week but I want to prove my feeling to you. Kung....kung pwede kitang ligawan?" Seryosong nilingon ko siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o irereak. Prinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya. Pangalawang beses ito na may babaeng gusto mangligaw sakin. At ang tanong ko bakit ako? Gusto ko magkaroon ng normal na pamilya. Iyong may matatawag na tatay ang magiging anak ko. Inshort hindi ako pumapatol sa babae at hinding hindi ko gagawin 'yon. Mamatay man siya ngayon mismo, joke. Lalaki lang talaga ang nagugustuhan ko at hindi babae. Hindi ko maimagine ang sarili na ikakasal sa isang babae na wala naman akong pagtingin. "Sorry. I don't know what to react or to say, siguro naman expected mo nang irereject kita 'di ba?" Alaganing sagot ko. Sa pagkakakilala ko sa kanya at sabi na rin ng source ko, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo or no sa isang tao. "I understand naman pero gusto ko pa rin ituloy kahit ayaw mo. I didn't accept no ei—" "Alam ko na 'yan. Hindi ka tumatanggap ng pagkatalo or no sa isang tao" nahihiyang tumungo siya. Lihim kong sinaway ang sarili sa ginawa ko. Napahiya ko siya. Tactless talaga ako minsan lalo na kapag walang patutunguhan ang pinag uusapan. "Y-Yeah. Gusto ko lang ipakita at iparamdam sayo na totoo ako sa sinabi ko. Ayokong isipin mo na trip or dare lang namin 'tong magkakaibigan" ***** Napa atras ako ng nay humila sa likod ng damit ko. Kamuntikan na ako mahagip ng motor na 'yon ah! Hindu nag iingat. "Ayos ka lang, Shea? Kanina ka pa tulala ah, ano bang pinag usapan niyo nung Van?" Tinulak ko sa noo si Traise sa lapit ng mukha. "Wala, saka ko na lang sasabihin sa inyo para surprise" tipid na ngumiti ako. "Alam ko na, ilibre na lang natin siya ng ice cream suhestiyon ni Zylex. Agad naman nila ako hinila sa ice cream parlor malapit sa Jollibee. Tahimik na naupo ako doon. Feeling ko lalagnatin ako. Ang sama ng pakiramdam ko at kapag ganito malapit nanaman ako magka dalaw. "Magkaka dalaw ka siguro kaya ka matamlay" chineck ni Traise ang noo at leeg ko, "Sabi na eh. Bakit kasi nagkaka gan'yan ka kapag malapit na, medyo mainit ka" "Uminom ka ng gamot mo pagkarating sa bahay niyo tas magpahinga ka na" utos naman ni Clarence. Para silang mga Kuya ko. "Amina 'yung bag mo. Ako na sasagot sa assignments mo" kinuha naman ni Aerus ang bag ko at binigay kay Thea. "Tss, hindi rin kayo o.a sa lagay na 'yan 'no? Hindi naman ako nalumpo or what, kaya ko pa naman gumawa ng thesis eh" "Hehh, ako na lang gagawa tutal tapos ko na nung summer 'yung thesis ko bago pa mag bigay si Miss" desididong sabi ni Lloyd. Ikaw na ready. Nanatili pa kami ng ilang minuto doon bago nagsiuwian. Pagkarating sa bahay wala pa si Nanay. Nag tungo ako sa kusina at nag saing. Pagkatapos naligo at uminom ng gamot. "Hindi ako susuko sayo, Shea. Hangga't wala ka pang boyfriend o girlfriend hindi ako titigil" Napapikit naman ako at sinandal ang ulo sa kahoy na sofa. Ang kulit ng isang 'yon. Para siyang si Rain and speaking of her hindi pa siya tumatawag sakin. Sabi niya tatawagan niya ako pagkarating sa States pero hanggang ngayon walang ni isang text o tawag ako natanggap. Kinuha ko ang selpon sa bulsa at tatawagan ko sana siya nang maalalang wala nga pala akong load. Pinainin ko muna ang sinaing at lumabas ng bahay para makapagpa load. Naupo ako sa sementong upuan sa gilid bago dinial ang number niya. "The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later...." Nag totoot na ang tawag. Sinubukan ko ulit pero ganon pa rin. Bigla ako nakaramdam ng pag-aalala at kaba ngayon. Tumayo ako at nagpunta sa harap ng tindahan. Dumukwang ako bahagya at sumilip sa butas. "Ate Ganda, may number ka po ng nanay ni Rain?" Tumayo siya at may hinanap sa notebook niya. Maya pa ay natapos siya at inabot sakin iyon. Mabilis na dinial ko ito. Ilang ring lang ang tinagal at sumagot na ang nasa kabilang linya. "Hello, sino 'to?" "Tita Rainier si Shea ho ito, gusto ko lang po kausapin si Rain. Nandiyan ho ba siya?" Natahimik ang kabilang linya na pinag taka ko. Siguro tinatawag si Rain. "H-Hindi mo ba alam?" "Hindi naman ho ako mag tatanong sa inyo kung alam ko po kung ano man 'yung tinatanong niyo. Nasaan po ba siya?" "Wala dito si Rain iha. Hindi ko siya pinasunod dito dahil isa 'yun sa rules ng amo ko. S-Si Rain, patay na siya" ***** "Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa tahimik, namumutla ka" chineck ni Ai ang noo ko, "Hindi ka naman mainit. May masakit ba sayo?" May halong pag-aalala sa boses niya. Nag-angat ako ng tingin. Nakatingin sila sakin at inaantay sumagot. Nag bukas sara lang ang bibig ko, walang boses ang lumabas. Bigo ako makapag salita. Hanggang ngayon binabagabag ako sa sinabi ni Tita. Paanong patay na siya? Wala namang may galit sa kanya at wala rin naman siyang ka-away except sa mga tukmol kong kaklase. Hindi naman sila gagawa ng gano'ng bagay. "Wala ano ba kayo. Ayos lang ako masama lang ang gising. Alam mo naman si Nanay tuwing umaga dinaig pa manok sa pagtilaok" pinilit ko pasiglahin ang boses at ngumiti sa kanila. Inaantay na lang namin mag simula ang program. Saturday ngayon at nasa Sports Complex kami na pinatayo ni Mayor nakaraang taon. "Sabi mo eh. Oh umayos na kayo ng upo mag sstart na raw sabi ni Sir!" Sumunod naman kami at umayos. Nag start na ang program. Nauna ang doxology, sunod national anthem and so on. Mahigit apat na oras na kaming naka upo at masakit na ang pwet ko. "Mag ccr lang ako" "Samahan na kaya kita?" Tanong ni Clea pero umiling lang ako, "Hindi ako na bata saka hindi ako madaling maligaw" Nagtungo na ako sa cr at nag labas ng tubig sa katawan. Nag hilamos na ako at naglagay lang ng chapstick at pulbos. "Ay kabayong palaka!" Napahawak pa ako sa dibdib, "Tangina, Jr, bakit nandito ka?" Histerikal kong tanong. Baka mamaya binosohan na pala ako ng kumag na 'to. Siya 'yung laging tahimik samin at nakamasid lang sa paligid. "Alam mo na rin pala" nangunot ang noo ko. "Hindi kita maintindihan. Anong 'alam ko na rin'?" "About Rain" semeryoso ako at humarap sa kanya. "Sabihin mo, anong nalalaman mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD