Ocho

1513 Words
Katatapos lang ng program. Andito kami ngayon sa Angel's Burger. Nasa stool kaming lima habang inaantay maluto ang burger. Nasa may lamesa naman ang iba samin habang umiinom ng soft drinks. Sa totoo lang nakakatamad na umuwi lalo na't pagod kami. Malilintikan naman ako kay Nanay kung gagabihin ako. Ang nga babae daw kasi bago sumapit ang alas seis dapat nasa bahay na, five pa lang naman at may isang oras pa kami. "Sa susunod talaga hindi na ako sasali sa cheerdance, grabe nakaka pagod pero worth it naman" basag ni Traise sa katahimikan. "Maganda naman kinalabasan eh, ayon nga lang pagod kayo dahil humataw talaga. Dapat i-treat tayo ni Sir Terrence!" Nailing na lang kami kay Aerus. "Puro ka pagkain eh, ito na nga oh patapos na si Kuya saka masarap naman dito...Bukas pumunta kayo sa bahay magluluto daw si Mama ng spaghetti at shanghai" singit ni Yssa. "Ayon! Kaya love na love ko si Tita eh, hindi nakakalimot magpakain" tuwang sabi ni Clea. "Hindi ka pwede kumain ng marami di'ba diet ka?" Aniya Gia. "Mas lalong hindi ka papayat niyan...Dalawang kilong kanin nga natataob mo eh!" Gatong pa ni Julianne. "Punyeta! Kaonti lang naman eh, masyado kayo" nakangusong sabi niya. Nagtawanan naman kami. Basta pagkain walang diet diet. Magbabayad na sana ako ng may ibang kamay ang nagbayad. Awtomatikong napalingon ako sa kanya. "Ako na" sabay kindat niya sakin. Wala na rin akong nagawa dahil nabayaran na siya. Anong tingin niya sakin? Walang pera. "Hindi mo na sana ginawa 'yon. May pera ako at kaya kong bayaran" walang lingon na sabi ko at kinuha kay Kuya ang plastic. "Ginusto ko naman eh saka hindi lang naman para sayo, para sa kanila na rin naman. Uhmm... Pwede ko kayo ilibre sa Jollibee, I heard what Aerus said" aba, may pagka tsismosa din pala ang babaeng 'to. "No need. Masaya at kontento na kami sa ganito, isa pa" saglit na tumingin ako sa likuran niya, "Umuwi na kayo... Kaya namin umuwi ng kami lang" diin ko sa huling sinabi. "O-Okay, see you in Monday then" paalam nito at pumihit patalikod bago umalis. Pumunta naman ako sa kanila at binigay ang order nila saka naupo sa upuan. "Hindi mo na sana pinayagan si Van, parang si Rain din eh, ang kulit at ang tigas ng ulo. Susuko din 'yan sa huli" komento ni Aerus at kumagat sa burger. Natutup naman ako sa kinauupuan ng marinig ang pangalang iyon. I didn't know what exactly happened to her. Hindi ko alam kung anong dapat gawin ng sandaling marining ko iyon kay Tita. I still can't believe na...wala na siya. "Hey, ayos ka lang? Natulala ka nanaman" concern na tanong ni Traise, nakasukbit sa kaliwang braso niya si Ishi. "Wala, may naalala lang" sabi ko na lang. Ayoko humaba ang usapan baka kung saan pa mapunta at madulas ako sa nalalaman ko. Mabuting hindi ko muna sasabihin sa kanila habang hindi pa malinaw sakin ang nangyari kay Rain. — "Huwag ka muna kaya pumasok ngayon 'Nay? Magpahinga ka na lang dito, ako na lang papalit sa inyo doon" inilagay ko sa drawer ang tinupi ko kanina. "Anak, hindi naman pwedeng hindi ako pumasok. Saka kung pwede lang edi sana ikaw na lang ang pumalit sa akin pero hindi naman ako papayag. Hindi kita mapro-protektahan doon kung sakaling awayin ka ng amo ko" malumanay niyang sabi, halatang nanghihina siya base sa tono ng boses. "Sabi mo naman 'Nay mabait 'yung amo, mo di'ba?" Nagtatakang tanong ko. "Oo nga mabait pero iyong anak niya brat at laging nasa kwarto niya. Hindi naman ako papayag na apihin ka no'n, hindi kita pinalaki para apihin" "Si Zielly lang naman po ang aalagaan doon 'Nay, saka kayang kaya ko naman ipagtanggol 'yung sarili ko. Pumayag ka na 'Nay parang hindi mo namana ko kilala eh" nagmamaka-awang tumingin ako sa kanya at nagpa cute. Hindi naman niya mapigilang mapairap sakin, "Oh siya oo na. Basta tawagan mo ako kung may nangyari na sayo ha? Masama talaga pakiramdam ko" "Opo 'Nay... Magpahinga ka na ho at uminom ng gamot maya-maya" tumayo na ako at humalik sa pisngi niya bago lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kusina at hinugasan ang pinagkainan namin. Matapos iyon naligo na ako at nagbihis. Sumilip ako sa kwarto ni Nanay at nakitang mahimbing itong natutulog. — Nagtungo ako sa kusina at hinugasan ang pinagkainan ni Elly kanina. Nang matapos nagpunas ako ng kamay sa malinis na basahan at nagtungo sa sala. Naabutan ko si Riley habang nakaunan sa lap niya si Elly. Ang sweet nila tignan. Parang kanina lamang halos umusok ang tainga at maglabas ng apoy si Riley sa ginawang pagsira sa phone nito ni Elly kanina. Magkapatid nga naman. Bahagya ako nalungkot. Mag isang anak lang ako kaya laging kasama ko ang grupo kahit saan kapag busy sila ay gumagawa ng paraan makasama lang isa sa kanila. "Maid, sit here with us" dinig kong utos ni Tisay. Mabilis na nagtungo ako sa pahabang sofa at naupo sa dulo. Idinantay ni Elly ang paa niya sa lap ko. "Later iakyat mo si Elly sa kwarto niya, may pag-uusapan tayo" napakunot ang noo ko. Ano naman kaya pag-uusapan naming dalawa? Nag okay lang ako at tinuon sa tv ang atensyon. Pagkalipas ng kalahating oras inakyat ko na ang tulog na si Elly. Aaminin ko nakakapagod ang pag-aalaga ng bata. Hindi biro ang ginagawa ni Nanay sa araw-araw. Inayos ko ang kumot ni Elly bago lumabas at sinara ang pintuan. Nagtungo ako sa mini bar ng mansyon. Naka upo lang sa pabilog na sofa si Riley tulala siyang nakatingin sa wine glass. Naupo ako sa kabilang dulo at inayos ang palda. "Kelan ka pa pumayag manligaw si Van sayo? Hindi ka nagtanong sakin" Nagtataka ang mga matang tinitigan ko siya. "Kailangan pa ba 'yon? Sorry, hindi ko alam atsaka ikaw ba mag dedesisyon kung papayag ako o hindi?" Taas kilay kong tanong. Umiling siya at mahinang tumawa. "She's womanizer. Masasaktan ka lang kapag sinagot mo siya. Sinasabi ko 'to kase...." Itinikom niya ang bibig at bahagyang tumikhim. Namula ang magkabilang pisngi niya sa sinabi kanina. Bakit hindi niya tinuloy ang sasabihin? Gusto ko pang malaman kung ano iyon. "Ahh basta. Good luck!" Inis niyang sinabi at muli nagsalin ng wine bago diretsong ininom. "Are you on drugs?" Hindi maiwasang tanong ko. "Or nantri-trip ka? Ano bang hinitbit mo? Katol, m*******a o ano? Baka pesticides?" Masamang tingin ang pinukol niya sakin at kibit balikat lang ako. Hindi ko siya maintindihan. Baka kulang sa tulog at kung anu-ano ang sinasabi. O baka naman... Nevermind. "Nga pala" napatingin ako sa kanya. "Bakit ikaw 'yung nandito? Where's yaya Fina?" "She's sick. Nakiusap ako na ako na muna ang papalit sa kanya pansamantala. Ayokong lumala ang sakit niya. Mas mahal ang gagastusin kapag nagkataon" bakit ba ako nagpapaliwanag sa babaeng 'to? "Nakiusap huh?" May ngiting pilya sa labi niya. "Soo... Gusto mo ako makita, gano'n ba?" Hindi ko mapigilan mapa-irap. Assumera. "Hindi ko alam assumera ka na pala, Liliana. Hindi kita gustong makita sa totoo lang. At sayang ang kikitain kung walang magsu-sub kay Nanay" Mabilis nagsalubong ang kilay niyang tumingin sakin. Halatang nainsulto. Half of it was true. Mahirap lang kami kaya kailangan kumita. Umirap siya sakin at nagbaba ng tingin. "Ipagluto mo na lang ako ng itlog. Gusto kong hilaw ang kulay pula. Sige na, umalis ka na!" Pagtaboy nito sakin. Natatawa habang iiling-iling na nagtungo ako sa kusina. Siya itong gusto ako kausapin tapos palalayasin? Minsan talaga ang lakas ng saltik niya sa utak at mabuti ring hindi siya gumagawa ng kalokohan sakin. Tumingin ako sa paligid, sinisuguradong walang makakakita sa gagawin kong kalokohan. It's payback time. Napangisi ako. Nilapag ko ang plato sa harapan niya. Mabilis na binaba nito ang selpon. Kumunot ang noo niya at bahagyang naka-awang ang namula-mula niyang labi. Hindi makapaniwalang tumingin siya sakin. Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Nilapag ko ang kubyertos at tubig sa lamesa. "Anong klaseng luto ang ginawa mo dito?!" Halos pumutok ang litid sa kanyang leeg sa biglang pagsigaw. Napapikit ako sa lakas ng boses niya. "Ang sabi mo lang ipagluto kita at hilaw ang kulay pula, kaya ayan" minusyon ko ang plato. "Wala ka namang sinabing prito o ano 'di ba? Kaya pinrito ko sa tubig. Don't worry hilaw pa rin naman 'yung dilaw niyan" ngiting ngiti kong sabi. Nagtaas baba ang dibdib niya. Sunod-sunod ang naging paghinga niya habang hinihilot ang sentido. Ginawa ko naman ng tama ang sinabi niya ah? Ayon nga lang half cooked ang pagkakaluto ko at nasa loob pa rin ng shell. Kalahati nito ay luto at ang kalahati ay prito? Basta! Pinrito ko itlog kahit nasa shell pa kaya itim ang kalahati nito pataas. Except sa gitna. Nag experiment lang naman sa kusina nila eh. Hindi naman siguro masama 'di ba? "Mabuti pa lumayas ka sa harapan ko. Umalis ka muna! Baka lumipad ka ng dis-oras" malumanay niyang sabi. Patalon talon naman ako habang naglalakad paalis. Successful!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD