4 am. Dilat na dilat pa rin ang mata ko. Ewan ko ba hindi ako makatulog at feeling ko pinapanuod ako. Baka may multo! Pero kahit may multo hindi naman ako natatakot eh, ang gusto ko lang makatulog!!
Patulog na sana ako ng makarinig ng lagitngit, senyales may nagbubukas ng pinto. Ng ganitong oras? Anong trip 'yon?!
Maingat at walang ingay na inayos ko ang dalawang unan pahaba at tinakpan ng kumot. Nagmamadaling nagtago ako sa kama habang nakatakip ang kamay sa bibig.
Magtakutan tayo!
Ilang sandali pa may nakita akong mga paa'ng nakatapat sa kama ko. Parang paa ng babae. Imposible namang sa lalaki dahil may kulay 'yong daliri niya sa paa. Ano nga ulit tawag doon?
Lumubog ang kama at parang may hinahanap siya. Tumayo siya at nagpalinga-linga. At dahil maloko ako-minsan lang naman.
"Huli ka!"
"AAAAHHHH"
Mabilis tinanggal ko ang kamay sa paa ng kung sinong hudas. Pinagpag ko ang kamay. Ang sakit, naapakan ata ako eh. Lumabas na rin ako sa tinataguan ko at bumungad sakin ang matalim niyang tingin. Hindi rin maipinta ang mukha niya at habol hininga.
Mas natakot pa siya sakin. Napansin ko ang hawak nito. Harina at Marker, may plastic din ng itlog. Masamang tinitigan ko siya at nagsukatan kami ng tinginan.
"Ang aga-aga majesty! Nandito ka para lang diyan?" Sarcastic kong sinabi at nginuso ang mga hawak niya, "Anong binabalak mo? Isusumbong kita sa Mommy mo at saka bakit gising ka pa aber?" Nakataad kilay kong tanong.
"None of your business" umismid naman ako at nag make-face. Kapal!
Ang tino ng sagot niya sobra. None of your business, psh. Kaya siguro hindi ako makatulog ay dahil dito. Mabuti na rin 'yon baka pag gising ko, kung na na itsura ko at palayasin pa kapag nakita ang itsura ko.
"Umalis ka na, matutulog na ako!" Pagtaboy ko at tinulak tulak siya papalabas.
Inis na humarap siya sakin habang masama ang tingin, "I can walk on my own"
"Naninigurado lang baka mamaya may gawin ka kung ano sakin" sinara ko na ang pinto at ni-lock pagka-alis niya.
Nagtungo na ako sa kama at pinagpag ito. Baka may kung anong nilagay pa siya dito. Mabuti na 'yung sigurado. Humiga na ako at natulog. Kinabukasan maaga ako gumising at nagluto na ng almusal.
Itlog-na matino na ang itsura, bacon, hotdog at kung anong eklabu pa na nakasulat sa listahan na bigay nung matandang head cook dito sa kusina.
Matapos 'yon naghain na ako at ilang sandali pa bumaba na si Madam Yumi na nakabihis na. Naupo siya kabisera at kinuha ang diyaryo sa gilid ng lamesa.
Yumuko at nagtungo sa kwarto ni Elly. Kakatok pa lang sana ako ng bumukas ang pinto. Umatras ako bahagya. Lumabas si Elly at sinarado ang pinto.
"Gow Mowning yaya! Gising Tete" hinatak niya ako at siya na nagbukas ng pintuan. Nahiya naman ako.
Pumasok kami sa loob. Nagkalat ang mga chichiriyang walang laman at bote ng alak. May mga beans din kung saan-saan. Ano bang nangyari?
Iginala ko ang mata sa paligid. Nakatalukbong ng kumot si Riley at may suot na helmet. Ang init pa naman ng helmet tapos susuotin niya? Abnormal ba siya?
Mabilis tumakbo at umakyat sa kama si Elly at sumampa doon. Natanggal ang ibabang parte ng kumot pero unan lang ang nandoon. Saan naman kaya siya nagpunta?
Hindi muna ako lumapit sa kama. Baka mamaya gunanti siya sa ginawa ko kaninang madaling araw. Tumingin ako sa whole length mirror pero napangiwi rin. Ang laki ng eyebags ko parang isang buwan kinulang sa tulog.
Muli ko siya hinanap. Sa ilalim ng kama, sa banyo, sa balkonahe ng kwarto niya habang si Elly sa walk in closet ng Ate niya. Naka-upo kami sa kama. Nasaan na 'yon?
"Mabuti pa bumaba ka na Elly ako na bahala mag hanap sa Ate mo. Kumain ka na, sige na"
Tumango naman siya, "Hintayin ko na lang po ikaw sa baba"
Nanlaki ang mata ko at napanganga. So hindi siya bulol?! Nagkukunwari lang pala ang batang 'yon! Nakalabas na siya nang makabawi ako.
*drip* *drip* *drip*
Sunod sunod na patak ng tubig kung saan? Sa naalala ko sa mayayaman maayos ang mga mansyon nila at kwarto lalo na ang kisame pero sa nangyayari ngayon? Naghirap na ba ang Lucienda family?
Nagtuloy-tuloy pa ang patak pero ang mas ipinagtataka ko bakit parang kulay dugo? Medyo masangsang din ang amoy. Hindi kaya.....minumulto na ako ni Rain?
Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko gusto ang nangyayari. Kung sisigaw naman ako baka isipin nilang baliw ako perooooo baka hindi multo. Baka 'yung tisay kalansay na yon! Ihuhulog ko talaga siya sa bangin. Ayos lang makulong makabawi lang ako sa bruhang yon!
Sunod sunod ang naging pagpatak ng tubig sa ulo ko at ibang bahagi ng katawan ko pati sa kama meron na. Ang hirap alisin ng dumi nito lalo na't kulay puti. May sasakalin talaga akong impakta.
"Tingin ka sa taas Ate" bulong ng kung sino.
At dahil masunuring bata ako, unti-unti kong inangat ang tingin. Halos ibato ko na lahat ng bagay na makita ko paitaas. Kung hindi lang mabigat ang kama ito ang inuna kong ibato sa white lady! Pero sayang ang effort. Multo yon at tao ako, tatagos lang sa kanya yon pero why not?
Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto at pigil ang boses kong sumigaw. Dinaig ko pa si flash sa bilis ng takbo ko. Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa hagdan. Panaka-naka ring tumitingin sa likuran ko at nandon siya hinahabol ako!
Pangit!
Parang gusto ko na lang gayahin 'yung sa mga movies na uupo sa hand rail ng hagdan pababa. Kayalang parang malalaglag ako eh. Bahala na!
Naupo ako doon at nag slide pababa. Swerte na sana kaya lang nakigaya 'yung humahabol sakin. No choice. Mabilis tumalon ako pababa. Una paa syempre.
Nakigaya din 'yong multo. Una ulo dahil hindi naman siya magaleng. Ang bilis talaga ng karma. Mahina siya dumaing at sapo ang balakang nang tumayo.
"Tangina, bakit ka tumalon?! Hindi mo ba alam na delikado 'yong ginawa mo? Paano kung nabalian ka? Edi kargo ka namin?" Inis na inis niyang sermon sakin.
Aba't! Sino kaya humabol sakin kaya nauwi sa ganito? Feel kong laslasin ang leeg ng isang to pero—hindi multo ang hinayupak na 'to!
Bonak ka Shea!
"Eh ikaw? Sino bang may sabing habolin mo 'ko at maki talon din aber?" Taas kilay kong tanong. "Atsaka hoy majesty! May pa-costume costume ka pa mukha kang espasol na kalan—" mabilis na huminto ako sa pagsasalita.
Tangina Shea! Kamuntikan na. Ang taklesa ko talaga minsan. Baka ito pa ikawala ng trabaho ni Nanay dahil sakin. Mapapatay ako non—sa sermon. Dudugo ang tenga ko, aakyat ang dugo at mamatay na ako! Charot.
"Shea? Anong nangyayari? May narinig akong kalabog" dumating si Madam, kasunod nito si Elly na kumakain pa ng hotdog.
"A-Ah wala po Madam. 'Yung panganay niyo po kasu nagpra-practice maging white lady eh. Hehe" awkward sabi ko.
Finger cross pa ako. Mas kumabog ng mabilis ang puso ko.
"Tama siya Mom. Ah maliligo lang po ako at susunod sa hapag.... G-Good Morning" ilang niyang sinabi sa huli at nagtatakbo pa-akyat.
"Dahan-dahan sa pag akyat Riley!" Nilingon ako ng ginang. "Sumunod ka na samin Shea at kumain. Sabay sabay na kayo pumasok sa school. I need to go, bantayan mo si Elly sa school"
Tumango lang ako. Kinuha na siya ang gucci bag at susi ng sasakyan saka umalis na. Kinuha ko naman ang kamay ni Elly at nagtungo kami sa hapag. Ilang minuto lang dumating na si Tisay kalansay at umupo sa katapat kong upuan.
"Maid ipagluto mo ako ng—" natigilan siya at mukhang nagdadalawang isip ituloy ang sasabihin. "W-Wag na pala" mahinang sabi niya at kumain.
Lihim naman ako ngumiti. Kala mo ha!
Tahimik lang kami habang kumakain. Nahuhuli ko rin ang weird na tingin ni Riley sa kapatid niya na para bang may ginawang masama. Problema mo?
"Elly magsabi ka nga ng totoo hindi ka na bulol?" Out of nowhere niyang tanong.
Nagpunas muna ng bibig si Elly at uminom ng tubig niya. "Ayaw moo!"
Eh? Ayaw mo? Ang gulo ng batang to kanina naman hindi siya gan'yan magsalita ah.
"At bakit hindi? Hoy bansot narinig kita kanina sa kwarto ko umayos ka" umambang babatukan niya si Elly.
"Ikaw ang umayos. Sasamain ka sakin kapag pinatulan mo 'yang bata" banta ko at inirapan niya lang ako.
Mabulag ka sana.
"Baka ikaw ang samain sakin. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung ginawa mo kagabi sa itlog! Hindi mo alam kung paano naghirap 'yung manok manganak tapos gaganunin mo lang?!" Bulyaw niya at napatayo pa.
Concern siya yieee
Aning na ata ang isang 'to. Ang lalim ng hugot. Mukha siyang hinugot sa libingan ng mga patay. Ang putla niya at ang puti. Espasol na hilaw at tisay na kalansay na malapit na mangisay. Ano sunod?
Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo dami mong arte. Kumain ka na lang!"
"Pshh, ikaw ang maarte"
Saan banda naman? Tuktukan ko kaya utak nito? Kaso be kind to animals daw eh pero hindi naman siya tao o hayop hindi rin alien. Baliw lang.
"Yaya" tawag pansin sakin ni Elly.
Tumingin ako sa kanya. Ramdam kong nakatingin samin 'yung isa at parang nag ooserba. Tsismosang espasol.
"Punta tayo Amusement Park pleaseee" with matching tantilizing eyes.
"Baka magalit ang Mommy mo Elly matanggalan pa ako ng trabaho. Sorry pe—"
"Nagpaalam na ako kay Mommy kanina. Sabi niya tanungin daw muna kita para may kasama ako. Hindi kasama si Ate" malapad ang ngiting sabi niya.
Napakamot na lang ako sa ulo. "S-Sige nakapag paalam ka na eh. Ano pa ba magagawa ko?"
Mabilis naman niya ako niyakap at ganon din ako pero sadyang may nakakain ampalaya ngayong umaga kahit wala naman.
"Hindi siya pwedeng sumama kung hindi ako kasama. O kaya iwan mo na lang 'yan dito at ako ang sasama sayo tutal ako naman kapatid at ATE mo" diniin pa niya ang salitang 'Ate'.
Agad sumibangot ang mukha ni Elly at cross arms hinarap ang Ate niya. "Ayaw kitang kasama ang pangit mo!" Sabay takbo nito paalis.
"Elly come back here!" Sigaw ng huli.
Pigil tawa naman ako nagliligpit dito sa mesa. Pagliligpitan ko na siya para hindi magka-asawa. Charot. Ang bad ko naman.
"Hoy ikaw! Bakit nagliligpit ka na?"
Tumigil ako sa ginagawa at luminga linga. Humarap ako sa kanya at tinuro ang sarili. "Ako ba kausap mo o 'yung ka-tropa mo?" Inosenteng tanong ko.
Lumaki naman ang butas ng ilong niya at namula ang tenga. Nagpipigil din siya murahin ako. Mukhang may natatae.
"May iba ka pa bang nakikita bukod sating dalawa?"
Luminga ako sandali. "Meron. Itong upuan, lamesa, kutsara, tinidor man—"
"Hindi 'yan ang tinutukoy ko! Iba pang tao bukod satin" inis niyang sigaw.
"Eh? Tao ka pala? Bakit hindi ako na-inform na tao ka na? Kelan pa?"
Umamba siya ng hampas kaya dali dali ko binuhat ang tray at tumakbo papasok ng kusina. Narinig ko pa siyang nagmura ng malakas. Sunod sunod nga eh.
Ayieeee magbibigti na 'yan!