SHEA Marahas napabuntong-hininga na lang ako saka umupo sa gilid ng kama. Napahilamos ako sa mukha gamit ang isang kamay at napasuklay. Parang sasabog ang puso ko kanina. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. I didn't expect na may DNA test na magaganap, hindi ako aware. All I know is makukulong si Yana for what she've done pero pati pala ako nagulat. Naalala ko na naman ang nakangisi niyang mukha bago ako lagpasan kanina. Naiinis na kinuyom ko ang mga palad at pabagsak sinandal ang likod sa headboard ng kama. Wala na akong paki kung masaktan ako dahil wala naman ito kumpara sa nararamdaman ko at ni Riley. Alam ko magdududa siya kung magkadugo sila ng kinalakihan niyang Mommy, mas lalo naman ako. Naiiyak na lang ako dahil hanggang ngayon wala pa ring improvement ang paghahanap ka

