Sa sobrang kaba ko, ni hindi ko na alam kung saan huminto ang trak na sinasakyan ko. Basta ang alam ko, halos labindalawang oras kaming nasa biyahe. Nang tuluyan kaming tumigil sa isang probinsya, doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong magtanong. “Kuya, nasaan na po tayo?” tanong ko sa driver ng trak. “Nasa Bicol na tayo, Ineng,” tugon nito. “Dito kasi ang delivery nitong mga relief goods, eh. Saan ba dapat ang punta mo?” Hindi ko alam ang isasagot ko. Napakamot na lang si Manong Driver sa akin. “Kuya, may cellphone po ba kayo na pwede kong mahirap? Tatawagan ko lang po sana ang kaibigan ko,” sambit ko. Mabuti na lang at memorize ko ang numero ni Michael. “Ito, ‘neng. Kaya lang ang pagpasensyahan mo na at de-pindot lang ‘yan. Hindi ‘yan katulad ng mga mamahaling cellphone ngayon.

