Mas lalong naging mahigpit si Amadeus sa akin ng mga sumunod na araw. Bawat kibot ko, alam kong nakakarating dito kahit na nasa trabaho ito. Kung dati-rati ay kaming dalawa lamang ang nasa bahay nito at once a week lang kung may maglaba o maglinis dito ngunit pagkalabas ko ng ospital, may dalawa ng lalakeng nakabantay, isa sa akin at isa sa labas ng bahay. At sa tuwing lalabas ako ng bahay, palaging nakabuntot ang dalawang ‘yon. Kaya sa huli, mas ginusto ko na lang na manatili sa loob ng kwarto ko. Ilang beses kong sinubukan na takasan ang mga ito ngunit lagi akong bigo. Ni hindi ko magawang humingi ng tulong dahil maski ang cellphone na bigay nito, hindi ko na alam kung saan itinago ni Amadeus. Ang linya ng telepono nito sa bahay, wala na ring dial tone. Everyday, he would talk and ask

