Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Naroon ang pagkalito ng makitang puro puti ang nasa paligid ko. But when I realized what had happened, fear consumed me. Fear, sadness and agony were on my heart as I recall everything. Para akong nalulunod sa sobrang sakit, hindi makahinga. And then I saw Amadeus. Nakaluhod ito sa gilid ng kama, mariing hawak ang kamay ko at tigmak sa luha ang buong mukha. Puno ng kalungkutan at pait ang nasa mga mata nito. Puno ng pagsisisi. “I’m so sorry,” usal nito, kasunod noon ay ang paghagulgol nito. Yumuko ito, hinahalik-halikan ang likod ng palad ko habang paulit-ulit ang paghingi ng tawad. “Hindi ko alam…hindi ko ginusto ang nangyari. Oh, God! Why it had to be this painful?” Matiim lang akong nakatitig dito. Panay ang yugyog ng balikat nito at ramdam

