Ngayon ko napagtanto ang mga kakaiba nitong kilos. May mga gabing nagigising akong hindi ko ito katabi sa kama at matatagpuan ko na lang ito sa opisina nito, seryoso at palaging abala sa kung anumang pinag-aaralan nito. May mga pagkakataon din may kausap ito sa cellphone at kapag lalapit ako, agad nitong papatayin ang tawag. Akala ko, tungkol lamang iyon sa trabaho nito. Something confidential and cannot be disclosed for a civilian like me. Ngayon alam ko na. Naging mataktikang umalis si Mister Enriquez kaya naiwan kami ni Amadeus sa pasilyong ‘yon. Mabuti na lang at walang ibang tao roon dahil hindi ko na kakayanin pa ang kahihiyang magiging dulot ng mga mangyayari. I’m so sick and tired of being humiliated over and over again. Ngunit ngayon, hindi lang kahihiyan kundi pati dignidad

