Nang magising ako, nasa loob ako ng isang malaking kwarto. I saw no one. Kumilos ako ngunit hindi ako makagalaw dahil nakatali ang dalawa kong kamay at paa sa mesang kinahihigaan ko. Napuno ng takot at kaba ang buo kong sistema. Dahil kahit anong palag ko, alam kong hindi ako makakatakas. Sa bawat kilos ko kasi, parang lalong humihigpit ang pagkakatali sa kamay at paa ko. Sumigaw ako nang sumigaw. Kahit masakit na ang lalamunan ko at namamaos na ang boses ko, hindi pa rin ako tumigil. I felt hopeless. Nagsimula na ring kainin ng takot ang tiwala at tapang na meron ako kanina. Sa kasalukuyang kalagayan ko, malabo ng makatakas ako. Sa tuwing gagalawin ko kasi ang paa ko lalo lamang bumubuka ang magkabila kong hita. Gano’n din ang sa kamay ko. Kung sinuman ang may pakana nito, plano nito

