Nang mga oras na ‘yon, panay ang tawag ko sa pangalan ni Amadeus. Nagbabakasakali na muli itong darating para tulungan at iligtas ako. Ngunit hindi ito dumating. But Michael did. Of all people, hindi ko inaasahan ang presensya nito, mas lalo na ang iligtas ako. Ngunit ng makita ko ang takot at galit sa mga mata nito ng barilin ako ng Uncle Roland, nakita kong muli ang Michael na kilala ko noon. Ang Michael na handa akong ipagtanggol kahit kanino. Ang lalakeng palaging nasa tabi ko at kasama ko sa tuwa at lungkot. Nakita ko kung paano nito barilin si Uncle Roland hanggang sa mabuwal na ito sa pagkakatayo nito. Saka ito nagmamadaling lumapit sa akin para kalasin ang mga tali sa paa at kamay ko. “Baby, I’m sorry. Late na naman ako.” Napahagulgol ako ng iyak ng marinig ko ang mga sinabi

