Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Michael. Alam ko naman na noon pa ay may pagtingin na ito sa akin kaya lang ay hindi ko magawang tugunan ang nararamdaman nito. Takot din siguro ito na masira ang pagkakaibigan namin noon kaya nakuntento na lang ito na manatili sa tabi ko. Kahit bilang isang kaibigan lang. Parehas naman kami. Ni hindi kami nagkaroon ng relasyon. We were contented having each other. O, baka naman hindi pa talaga dumadating ang taong magpapatibok ng puso namin noon that’s why we were stuck with each other. Nakita ko ang pagngiti ni Michael. Pero ramdam ko ang lungkot sa mga ngiti nito. “Mahal mo na ba?” tanong nito. Nalito ako. “Ha?” “Yong pulis na kasama mo.” Tinitigan ako nito sa mga mata. “You were happy with him. I saw you….Nakita ko k

