Napatingin ako ng bumukas ang pinto sa kwartong kinaroroonan ko. Iniluwa roon si Amadeus, humahangos at tila hinahabol ng kung sino. Agad itong lumapit sa akin, naupo sa tabi ko saka ginagap ang kamay ko. Mahigpit ang hawak nito roon, wari’y takot na mawala ako. Nakikita ko rin sa mga mata nito ang pag-aalala at pagod. “W-what happen to you?” tanong nito. Masuyo nitong hinaplos ang gilid ng labi ko kung saan may maliit na sugat doon dulot ng pagkakasampal ni Uncle Roland. “Takot na takot ako nang hindi kita makita nang gabing ‘yon. Kung ano-ano na ang naiisip ko! But thank God, you’re safe!” Nabigla man ako ng sakupin nito ang labi ko pero sa huli, tinugon ko rin ang mga halik nito. Parehong habol namin ang aming hininga ng maghiwalay ang aming mga labi. Idinikit nito ang noo nito sa

