Habang nasa daan kami pabalik ng bahay nito, ramdam ko ang manaka-nakang pagsulyap ni Amadeus sa direksyon ko. Tigas naman ang leeg ko na hindi mapalingon sa gawi nito. Nahihiya ako. Hinayaan ko itong makita at mahawakan nito ang pribadong parte ng katawan ko. Ngayon ko nararamdaman ang hiya! God! Hindi ko akalaing magagawa ko ang mga bagay na ‘yon! At isa pa, tandang-tanda ko pa ang mga ungol ko at kung paanong hindi magkaintindihan ang katawan ko sa pagkiwal kanina! “Nat,” untag nito. Ngunit hindi ko ito pinansin. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari sa gym nito. Biglang nag-init ang aking mukha ng maalala ko kung paanong paraanan ng daliri nito ang aking kaselanan. Nanuyo ang aking lalamunan. Naging alumpihit ako sa aking kinauupuan. “Babe!” tawag ng binata. Kanina pa

