Habang nasa kwarto kami ng binata, hindi ako mapakali habang palakad-lakad. Hindi ko maiwasang matakot. Ngunit ng tumingin ako sa direksyon ng binata, kalmado lang itong nakaupo, may pagngiti pa kung minsan. Saka ko lang napagtanto na naisahan ako nito. Tumigil ako sa paglalakad saka humarap dito. “What?” tanong nito ng makitang nakatitig ako rito. Itinuro ko ang aking kamay sa labas, then said, “Walang tao sa labas ‘di ba? Alam kong mahigpit ang ginawa mong security sa bahay na ‘to kaya paanong umaaligid ang taong ‘yon sa labas, ha?” Ngunit lalo lamang akong naging iritable ng hindi man lang ako nito sagutin. Napailing na lang ako saka akamang lalabas na ng kwarto nito ng pangkuin ako nito at mabilisang ininhiga sa sa kama nito. I tried to get up but he was too quick to lay by my s

