Lakad-takbo ang ginawa ko upang makalayo. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Kasi ng mga oras na ‘yon, sobrang sakit ng nadarama ko to the point na hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Panay ang hikbi ko. Nang may dumaang taxi, agad ko iyong pinara at nagpahatid ako sa bahay ng binata. Wala nang sapat na rason para manatili ako sa bahay nito. Maliwanag ang gusto nitong ipakita kanina. No need for an explanation. Pagkarating ko sa bahay ng binata, mabilis kong kinuha ang backpack ko dahil ‘yon lang naman ang dala kong gamit. Lahat ng mga binili nito para sa akin, iniwanan ko. Ayokong isumbat pa nito sa akin ang mga bagay na ‘yon. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas upang makaalis na. Mas mabuti ng hindi kami magpang-abot. Too late. Dahil hum

