Habol ko ang hininga ko ng maupo ako sa foam mat na ginagamit namin sa tuwing tinuturuan ako ni Amadeus. Hindi lang sa paggamit ng baril kundi sa basic martial arts na rin. Noong una, maingat ito at sinisigurado nitong hindi ako tatamaan sa tuwing tuturuan ako ngunit sa pagdaan ng mga araw, naging pahirap nang pahirap ang mga itinuturo nito sa akin. Kaya hindi maiwasang magkapasa ako. Bukod doon doon, araw-araw na masakit ang katawan ko! “You okay?” tanong nito. Napailing na lang ako saka pilit na sinupil ang ngiti sa mga labi ko. Bakit kahit pawis na pawis ito ay gwapo pa rin itong tingnan? Tumango lang ako. Binuksan nito ang isang bottled water saka inabot sa akin. “You’re getting better.” Isang tipid na ngiti lamang ang naging tugon ko. Ang sakit talaga ng katawan ko! Napatitig i

